Love Horoscope; Hulyo 16

189

ARIES

Hindi magiging hadlang sa iyong trabaho ang iyong lovelife dahil mas bibigyan mo pa rin lagi ng prayoridad ang pinagkukunan nyo ng kabuhayan. Mas mahalaga sa’yo na malamanan ang sikmura kaysa puso.

Masuwerteng numero; 18 & 20

TAURUS

Maging aware sa paligid. Dahil malaki ang posibilidad na sa araw na ito ay madamay ka sa karmang sasapitin ng iyong mahal. Sa gitna nito ay hindi mo siya magagawang ipaglaban dahil kahit ikaw ay mahihirapan din sa sitwasyon.

Masuwerteng numero; 16 & 22

GEMINI

Pagbali-baligtarin mo man ang sitwasyon ay hindi mo na mababago kung sino ang iyong nasa tabi. Siya ang tao na itinadhana sa’yo ng Diyos upang makasama mo sa habambuhay. Dapat mo itong tanggapin kaysa pagsisihan at ipagtulakan.

Masuwerteng numero; 6 & 12

CANCER

Hindi ka mabibigo sa kanya. Kung gaano mo siya kamahal ay ganoon din ang nararamdaman niya para sa’yo. Kaya iwasan mo na ang laging pagdududa. Dapat mong buuin sa puso mo ang tiwala at respeto sa kanya at sa inyong relasyon.

Masuwerteng numero; 45 & 50

LEO

Dahil sa hindi mo pag-iingat ay mababalik ka sa sitwasyon na hindi mo gusto. Mapupuno siya ng pagdududa sa’yo. Konting kibot at konting kilos mo ay pag-iisipan na agad niya ng hindi maganda dahil na rin sa iyong kapabayaan.

Masuwerteng numero; 5 & 13

VIRGO

Malaking bagay para sa inyong relasyon ang gagawin mong pagdedesisyon. Kung magiging malapit ka na sa kanyang tinitirhan ay mas magkakaroon kayo ng time para sa isa’t-isa. Mas magiging madalas ang pagba-bonding nyo.

Masuwerteng numero; 20 & 32

LIBRA

Mangangamba ka sa hindi pa niya pagbibigay ng final na desisyon tungkol sa inyong pagsasama. Ayaw mong magbago ang isip niya tungkol sa inyong napag-usapan kaya’t mananatili ang iyong kaba hangga’t hindi pa siya nagpapasya.

Masuwerteng numero; 48 & 59

SCORPIO

Mami-miss mo ng husto ang taong nagpasaya sa puso mo sa loob ng maraming taon. Pero wala ka ng magagawa kundi alalahanin na lamang ang magaganda ninyong pinagsamahan maging ang mga pagsubok na inyong pinagdaanan.

Masuwerteng numero; 11 & 12

SAGITTARIUS

Masasaktan ka ng labis dahil harap harapan mong matutuklasan ang pagtataksil ng tao na pinagkatiwalaan mo sa iyong puso. Pero kahit nasa gitna ka ng kabiguan ay malinaw kang makakapagdesisyon ng tama tungkol dito.

Masuwerteng numero; 7 & 9

CAPRICORN

Hindi mo maiaalis sa iyong karelasyon ang pagsama ng kanyang loob tungkol sa iyong naging pasya. Maiintindihan mo ang kanyang pinanggagalingan. Pero wala kang magagawa para paglubagin ang kanyang loob dahil hindi mo babaguhin ang iyong desisyon.

Masuwerteng numero; 15 & 17

AQUARIUS

Maging masakit man sa’yo ang inyong break up ay walang mababago sa inyong napagkasunduan. Subalit asahan mo na ang napakaraming pagbabagong magaganap sa paligid nyo kabilang na ang mga taong malalapit sa inyo.

Masuwerteng numero; 24 & 33

PISCES

Ngayong araw na ito ay malalampasan nyo na rin sa wakas ang pagsubok ng tadhana sa inyong relasyon. Dahil hindi ka bumitaw sa kanya habang ipinaglalaban ang tama ay gagantimpalaan ka ng langit at mapapasainyo na ang kapanatagan sa pag-ibig na inaasam mo.

Masuwerteng numero; 61 & 78

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here