Love Horoscope; Hulyo 13

190

ARIES

Huwag maging manhid sa kanyang mga hinaing. Yung akala mo ay okay lang ang iyong karelasyon pero may bigat na pala siyang dinadala sa dibdib. Kausapin mo siya at alamin ang problemang kanyang kinakaharap.

Masuwerteng numero; 35 & 40

TAURUS

Hindi madali ang pinagdaraanan ngayon ng iyong asawa. Pero nandiyan ka sa tabi niya at alam mo sa sarili mo na kahit na ano pa ang mangyari ay handa kang ibigay ang lahat ng tulong na kaya mo para sa kanya.

Masuwerteng numero; 18 & 24

GEMINI

Hindi mo na kailangang magpaliwanag pa sa iyong mahal. Hindi ka pa nagsasalita ay naiintindihan ka na  niya. Huwag mo lamang abusuhin ang kanyang kabaitan at darating din ang araw na mahihirapan na siyang unawain ka.

Masuwerteng numero; 20 & 30

CANCER

Kung tutuusin ay wala ka namang kailangan itago sa kanya. Pero mapipilitan ka pa ring ilihim kung sinu-sino ang iyong mga nakakausap dahil ibang level ang pagseselos ng iyong mahal. Yung selos na wala namang pinanggagalingan.

Masuwerteng numero; 4 & 5

LEO

Sa kabila ng pag-uumapaw ng iyong emosyon ay pipilitin mo pa rin na makontrol ang iyong sarili. Hangga’t maaari ay ayaw mo na magkaroon ng komprontasyon sa pagitan nyo. Pero malapit na malapit ka na talagang sumabog.

Masuwerteng numero; 13 & 16

VIRGO

Mabibigyan ka ngayon ng pagkakataon na makasama at makausap ng matagal ang tao na lihim mong minamahal. Pero sad to say, sa loob ng mahaba-haba ninyong usapan ay matutuklasan mo na meron na siyang minamahal at hindi ikaw ‘yon.

Masuwerteng numero; 22 & 33

LIBRA

Kahit na pinatawad mo na siya ay hindi mo pa rin maiaalis sa isip mo ang nagawa niyang kasalanan. Paulit-ulit mo pa rin itong maaalala at maging sa panaginip mo ay magpaparamdam ito kaya labis ka pa ring maguguluhan.

Masuwerteng numero; 53 & 64

SCORPIO

Susubukan mong linlangin ang iyong mahal para lang mapapayag mo siya sa isang usapin na may kinalaman sa iyong trabaho. Pero likas ang kanyang talino at talas ng pandama kaya hindi ka rin makakalusot.

Masuwerteng numero; 61 & 69

SAGITTARIUS

Kahit na gaano mo pa kagusto na manatili sa kanyang tabi ay wala pa ring mababago sa itinakda ng iyong kapalaran. Kakailanganin mo pa ring lumayo para sa trabaho. Kahit naiintindihan niya ay malulungkot ka pa rin.

Masuwerteng numero; 15 & 18

CAPRICORN

Makikilala mo sa araw na ito ang tao na magpapasaya sa puso mo. May malaki siyang gagampanan sa iyong buhay subalit sa kabila nito ay hindi pa rin siya ang tao na itinakda para makasama mo sa iyong pagtanda.

Masuwerteng numero; 42 & 48

AQUARIUS

Sa wakas ay diringgin na rin ng Diyos ang matagal mo ng dinarasal. Makikita na rin ng iyong kapareha ang effort mo at ang tunay mong pagmamalasakit sa kanya. Kaya naman mararamdaman mo na rin ang totoong pagmamahal niya.

Masuwerteng numero; 7 & 9

PISCES

Kahit na madalas niyang gawin ang pambabalewala sa’yo ay hindi ka pa rin masasanay. Hahanapin mo pa rin sa kanya ang respeto na nais mo sa inyong relasyon at kung hindi mo pa rin ito makukuha ay hindi ka magdadalawang isip na bumitaw na lang.

Masuwerteng numero; 25 & 29

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here