Love Horoscope; Hulyo 12

383

ARIES

Ikasisiya mo ang magiging desisyon ng iyong mahal na huwag nang ituloy ang planong pagbalik sa ibang bansa. Ito ang matagal mo ng idinadalangin dahil kung ikaw ang masusunod ay ayaw mo na magkalayo kayo.

Masuwerteng numero; 20 & 34

TAURUS

Mahihirapan kang kumbinsihin ang iyong karelasyon na bitawan ang kasalukuyan ninyong negosyo kahit pa sa tingin mo ay sumasablay na ito. Napamahal na sa kanya ang negosyong minana pa sa mga magulang kaya magiging masakit ito sa kanya.

Masuwerteng numero; 56 & 67

GEMINI

Kahit inaasahan mo na ang sorpresang ihahanda niya para sa’yo ay magugulat ka pa rin at totoong masosorpresa dahil sa kakaibang pakulo ngayon ng iyong mahal para maging higit ang iyong kasiyahan kaysa noong una.

Masuwerteng numero; 1 & 2

CANCER

Sa una ay mag-aalala ka sa hindi pag-imik ng iyong mahal tungkol sa isang bagay na gumugulo sa isip mo. Pero bago matapos ang maghapon ay siya na mismo ang magpapaliwanag sa’yo ng malinaw tungkol dito at sa mga nais mo pang malaman.

Masuwerteng numero; 8 & 16

LEO

Kabiguan ang nakasulat sa kapalaran mo ngayong araw. Dahil ang taong minamahal mo ay biglang maglalaho ng parang bula at wala siyang iiwanang bakas para matunton mo. Labis mo itong ipagtataka at ikakalungkot.

Masuwerteng numero; 40 & 45

VIRGO

Mag-ingat sa pakikipaglapit sa isang tao. Ang mga biro mo at sweetness overload ay tumatatak sa puso’t isipan niya at iisipin niya na meron ka talagang gusto sa kanya kahit para sa’yo ay hanggang biruan lamang ang lahat.

Masuwerteng numero; 14 & 20

LIBRA

Alam mo na hindi mo na siya dapat ipaglaban dahil wala naman talaga siyang kuwentang karelasyon. Pero mahal mo siya at walang makapagbabago no’n sa ngayon. Hindi pa ito ang araw ng pagdating sa buhay mo ng taong ipapalit mo sa kanya sa puso mo.

Masuwerteng numero; 7 & 19

SCORPIO

Gagawin mo ang lahat para mabawi ang mga panahon na nawala sa inyong dalawa. Pero sa araw na ito ay may kakaiba kang mapapansin sa kanya. Tila sumabay sa pagbabago ng panahon ang pagbabago ng damdamin niya para sa’yo.

Masuwerteng numero; 54 & 78

SAGITTARIUS

Yung akala mo ay wala ka ng pagmamahal sa kanya dahil hindi mo na siya hinahanap hanap tulad ng dati. Pero nagkakamali ka, dahil ang dahilan lang nito ay kaabalahan mo. Sa oras ng iyong pahinga ay siya pa rin ang hahanapin mo.

Masuwerteng numero; 79 & 80

CAPRICORN

Hindi na uubra sa kanya ang pagiging topakin mo. Namulat na siya sa katotohanan kaya mag-ingat ka na sa mga magiging kilos mo. Ngayon ay malaki na ang posibilidad na magdesisyon siyang tapusin ang inyong relasyon.

Masuwerteng numero; 11 & 23

AQUARIUS

Maganda at malaki ang oportunidad na naghihintay sa’yo sa trabaho. Sa malayong lugar nga lang. Pero sa araw na ito ay magdedesisyon kang piliin ang iyong pag-ibig kaysa trabaho dahil ayaw mo na mawala siya sa’yo.

Masuwerteng numero; 33 & 37

PISCES

Kahit na anong kantyaw pa ang gawin sa’yo ng iyong mga kaibigan ay hindi ka pa rin magpapaapekto. Hindi ka nila mapipilit na makipagrelasyon sa isang tao na hindi mo gusto. Mas pipiliin mo pa ring maging single.

Masuwerteng numero; 4 & 8

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here