Love Horoscope; Hulyo 10

195

ARIES

Maging mahinahon. Dahil sa araw na ito ay may matutuklasan kang lihim ng iyong minamahal. Hindi mo akalain na magagawa niya ang bagay na ito sa’yo kaya hindi maiiwasan na sumama ang loob mo sa kanya dahil dito.

Masuwerteng numero; 25 & 34

TAURUS

Isang tao na dating dinadaan daanan mo lang ang makakakuha ngayon sa atensyon mo. Ngayon mo lang mapapansin ang maganda niyang katangian na magpapangiti sa puso mo at magnanais kang mapalapit sa kanya.

Masuwerteng numero; 14 & 17

GEMINI

Magkakaroon ng malaking posibilidad na matupad ang pangarap mo na makasama sa isang proyekto ang tao na lihim mong minamahal. Dahil diyan ay labis kang matutuwa at mananabik sa mga susunod na araw.

Masuwerteng numero; 8 & 10

CANCER

Mas magiging magaan at maayos na ngayon ang inyong relasyon matapos ang seryoso at masinsinan ninyong pag-uusap tungkol sa nagiging problema ng inyong relasyon. Kahit papa’no ay mapapanatag ka na.

Masuwerteng numero; 6 & 12

LEO

Hindi pa siya ang tao na inilaan sa’yo ng tadhana para makasama mo sa habambuhay kaya maghinay hinay ka muna sa pagbibigay sa kanya ng lahat ng meron ka. Malaki ang tsansa na pagsisihan mo ito sa huli.

Masuwerteng numero; 35 & 46

VIRGO

Sa kabila ng katigasan ng iyong ulo ay pilit ka pa rin niyang iintindihin. Kahit kung minsan ay hirap na rin siyang unawain ang ugali mo ay mananatili pa rin siya sa tabi mo. Isa lang ang dahilan, iyon ay ang pagmamahal niya sa’yo.

Masuwerteng numero; 3 & 12

LIBRA

Masuwerte sa’yo ang iyong kinakasama.Dahil sa mga ipinakita niya sa’yo, dapat ay matagal mo na siyang iniwanan. Pero hayan ka pa rin at patuloy na umaasa sa kanyang pagbabago kahit malabo pa ito sa malabo.

Masuwerteng numero; 40 & 56

SCORPIO

Dahil sa init ng ulo mo sa trabaho ay mapagbubuntunan mo ang iyong mahal at makakapagbitaw ka sa kanya ng masasakit na salitang maaaring maging mitsa ng biglaang pagdedesisyon niya na makipaghiwalay sa’yo.

Masuwerteng numero; 53 & 78

SAGITTARIUS

Isang bagong kasamahan sa trabaho ang magiging thrid party sa inyong relasyon. Hindi mo magugustuhan ang pagiging malapit niya sa iyong karelasyon kahit hindi pa naman sila gaanong magkakilala.

Masuwerteng numero; 14 & 24

CAPRICORN

Malalagay sa alanganin ang inyong pagsasama dahil sa iyong mga in-laws. Kung nais mo na huwag masira ang inyong relasyon bilang mag-asawa ay kakailanganin mong mag-adjust para sa kanyang mga kamag-anak.

Masuwerteng numero; 40 & 67

AQUARIUS

Madali kang maa-attract sa isang bagong kakilala dahil nasa stage ka pa ng pagmo-move on. Naghahanap ka ng tao na mapagbabalingan ng iyong kabiguan at makakatulong sa’yo na makaahon. Subalit kailangan mo ring mag-ingat.

Masuwerteng numero; 10 & 11

PISCES

Masuwerte ka dahil mabibigyan ka ng pagkakataon ng langit na makabalik sa relasyon na minsan mo ng tinalikuran. Kaya huwag mo ng sayangin pa ang pagkakataon ito na maaaring huli na. Gawin mo na ang best mo para sa kanya.

Masuwerteng numero; 33 & 42

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here