Love Horoscope Enero 29

657

ARIES

Mawawala na ang alalahanin mo ngayon sa iyong lovelife dahil sa wakas ay mapipitas mo na ang bunga ng iyong paghihirap. Mapapatunayan mo ang kasabihan na kapag may tiyaga, may nilaga. Nanamnamin mo ito ngayon.

Masuwerteng numero; 23 & 32

TAURUS

Ikaw ang mag-aadjust sa bagong relasyon na pinasok mo dahil pumili ka ng mas nakababata sa’yo na hindi pa mature ang isip. Mahihirapan ka pero kakayanin mo dahil pakiramdam mo ay siya na talaga ang para sa’yo.

Masuwerteng numero; 34 & 46

GEMINI

May malaking pagbabago na magaganap sa inyong relasyon. Pero sa good side naman ito dahil ang dating malamig ninyong pagsasama ay muling iinit. Hindi mo alam ang eksaktong dahilan basta mangyayari na lang.

Masuwerteng numero; 10 & 20

CANCER

Kahit magbalik pa siya sa buhay mo ay hindi mo na maibabalik ang dating kayo. May iba na siyang purpose sa buhay mo. Hindi na tulad ng dati. Mas magiging magaan sa’yo kung tatanggapin mo ang katotohanang ito.

Masuwerteng numero; 16 & 24

LEO

Huwag kang umasa na agad agad ay matutugunan niya ang damdamin mo. Hayaan mo muna siyang makapag-isip. Kung hindi mo siya bibigyan ng pagkakataon na pag-isipan ang pagpasok sa relasyon na gusto mo ay mahihilaw lamang ito.

Masuwerteng numero; 9 & 19

VIRGO

Sa araw na ito ay mabibigyan ka ng pagkakataon na makausap at makasama sa buong maghapon ang iyong mahal. Huwag mo ng sayangin ang mga sandaling ito dahil matatagalan pa bago ito maulit kaya show your best.

Masuwerteng numero; 4 & 29

LIBRA

Walang mawawala kung sasabihin mo na sa kanya ang damdamin na matagal mo ng kinikimkim. Mas okay na masabi mo na ito at malaman ang resulta kaysa naman habambuhay ka na mag-isip kung mamahalin ka rin ba niya o hindi.

Masuwerteng numero; 11 & 17

SCORPIO

Kailangan mong tanggapin na matagal pa bago ka makaka-move on sa pagkawala ng iyong mahal. Kahit pa ilang taon na ang lumipas ay mananatili pa rin siya sa isip at puso mo kahit magmahal ka pa ulit ng iba.

Masuwerteng numero; 20 & 31

SAGITTARIUS

Huwag kang magtaka kung ma-fall man siya sa’yo. Marami kang magagandang katangian at talento na nakikita niya kaya naman ang labis na paghanga niya sa’yo ay hindi imposibleng mauwi sa tunay na pagmamahal.

Masuwerteng numero; 1 & 29

CAPRICORN

Alam mong mali ang manghusga pero ikaw pa mismo ang manghuhusga ngayon sa iyong karelasyon dahil sa matutuklasan mo na madilim niyang nakaraan. Sa huli ay marerealize mo rin na hindi mo ito dapat ginawa.

Masuwerteng numero; 30 & 47

AQUARIUS

Sa muling pagkakataon ay iiral sa’yo ang pagseselos. Hindi mo mapipigilan ang sarili mo na pakawalan ang iyong emosyon dahil sa sobrang selos na mararamdaman. Kulang na lang ay mang-umbag ka ng ibang tao.

Masuwerteng numero; 13 & 20

PISCES

Iwasan mo ang tao na alam mong hindi magdudulot ng mabuti sa iyong buhay. Bagamat magdudulot siya ng kaligayahan ay mas malamang ang sakit ng ulo at kabiguan ang maibibigay niya sa’yo dahil sa kanyang sitwasyon.

Masuwerteng numero; 11 & 15

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here