Love Horoscope Enero 23, 2023

ARIES

Kahit may pinagdadaanan kayong mag-asawa ngayon ay lalo naman titibay ang pagmamahal ninyo sa isat isa dahil pareho kayong hindi sumusuko.

Masuwerteng numero; 23 & 47

TAURUS

Magiging mabait sa inyong magkapartner ang kapalaran sa araw na ito. Ang matagal na ninyong pinagdarasal ay ipagkakaloob na sa inyo.

Masuwerteng numero; 29 & 30

GEMINI

Lalo kang mapamahal sa iyong asawa dahil sa gagawin niyang pagsusumikap upang maitaguyod ang inyong pamilya kahit alam mong medyo nahihirapan ay wala kang naririnig na reklamo.

Masuwerteng numero; 35 & 54

CANCER

Sa kabila ng hindi ninyo pagkakaunawaan ngayon ay alam mo kung gaano kalalim ang pagmamahal ninyo sa isat isa kaya kampante kang maayos din kaagad ito.

Masuwerteng numero; 1 & 2

LEO

Magiging makulay pa rin ang lovelife mo dahil sa hindi niya pagbitaw sa’yo. Kahit pa madalas mo siyang inaaway ay andyan padin siya nanatili at nagmamahal sayo.

Masuwerteng numero; 17 & 28

VIRGO

Kahit walang kang alam aa larangan ng pagnenegosyo, ngayon ang maiingganyo dahil sa iyong karelasyon, siya ang iyong magiging inspirasyon.

Masuwerteng numero; 20 & 34

LIBRA

Mahal mo ang iyong karelasyon pero hindi mo siya papanigan sa oras ng kanyang pagkakamali. Alan mong dapat mo siyang kausapin ng masinsinan at ipaliwanag ang kanyang kamalian

Masuwerteng numero; 55 & 65

SCORPIO

Ikakairita mo ang hindi niya pagpaparamdam sa’yo. Pero kahit anong inis mo kapag nakita muna siya lahat ng iyong inis ay napapalitan ng pananabak.

Masuwerteng numero; 11 & 13

SAGITTARIUS

Sa araw na ito ay hindi ka patatahimikin ng kalooban mo dahil sa labis mong pag-aalala sa iyong mahal .Malayo kayo sa isat isa ngunit magkarugtong ang inyo puso kaya ganun nalang ang iyong bpag-aalala

Masuwerteng numero; 5 & 13

CAPRICORN

Ngayong araw ay labis kang mangungulila sa kanya.Alam mong hindi na dapat dahil may bago kanang karelasyon,ngunit siya padin ang laman ng iyong puso.

Masuwerteng numero; 24 & 33

AQUARIUS

 Alam mong mali ang umibig sa taong may asawa na ngunit kahit anung iwas mo ay mas lalo ka lamang nahuhulog sa kanya.

Masuwerteng numero; 4 & 6

PISCES

Mabait ang iyong mga inlaws ngunit ang iyong kinakatakot ang ang kanyang ex na tila ba muling nagpaparamdam sa kanya ngunit alam mong dapat mo siyang pagkatiwalaan.

Masuwerteng numero; 16 & 19

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here