Love Horoscope Enero 19, 2021

674

ARIES

Wala ng iba pang tao na makakapagpasaya sa puso mo kaya kahit pa lunukin mo ang iyong pride ay muli mo siyang tatanggapin sa buhay mo. Hindi man sumang-ayon ang lahat ng miyembro ng iyong pamilya ay ipaglalaban mo pa rin siya.

Masuwerteng numero; 49 & 63       

TAURUS

Dahil sa ganda na ng katayuan sa buhay ngayon ng iyong ex ay nanaisin mong makipagbalikan sa kanya. Pero iniisip mo pa lang subukan ay mabibigo ka na dahil ngayong araw ay matutuklasan mo na meron na siyang iba.

Masuwerteng numero; 5 & 10

GEMINI

Dahil sa pagmamahal mo sa isang kaibigan ay ikaw na ang magpapaubaya. Hahayaan mo na lang ang taong lihim mong minamahal na mapunta sa kanya gaano man ito kasakit sa’yo alang-alang sa inyong pagkakaibigan.

Masuwerteng numero; 52 & 57

CANCER

Wala kang mapapala kung lagi mong bubuyuin ang iyong kapareha. Hindi siya pikong tao at sa halip ay ikaw pa ang mapipikon dahil sa pandedeadma na gagawin niya sa’yo. Sa huli ay ikaw pa ang maba-bad trip.

Masuwerteng numero; 8 & 9

LEO

Kahit na nagugustuhan mo pa ang isang tao ay hindi mo ito magagawang ipahayag sa kanya o sa kahit na kanino. Dahil may sarili ka ng pamilya at ayaw mong sirain ito. Makukuntento ka na lang na makita at makausap siya.

Masuwerteng numero; 24 & 26

VIRGO

Kahit na anong tantrums pa ang ipakita ng iyong karelasyon ay wala kang balak patulan ito. Mas gusto mo na isentro ang kaisipan mo sa paghahanap ng mapagkakakitaan kaysa sa walang kwenta niyang pagmamarakulyo.

Masuwerteng numero; 63 & 74

LIBRA

May masakit na katotohanan kang matutuklasan mula sa iyong mahal. Mahihirapan kang tanggapin ito ngayon. Kaya naman sa buong maghapon ay wala kang ibang gagawin kundi ang magmukmok at iyakan ito.

Masuwerteng numero; 9 & 10

SCORPIO

Hindi ka mapapakali sa araw na ito dahil malalaman mo na malalagay sa peligro ang taong mahal mo. Pero wala kang magagawa dahil masyado kang malayo sa kanya at wala kang maisip na itulong kundi ang ipagdasal siya.

Masuwerteng numero; 13 & 17

SAGITTARIUS

Isang tao ang magkakaroon ng labis na paghanga sa’yo dahil sa makikita niyang talento mo. Malalaman mo ito mula sa isang tao na malapit sa kanya at malapit din sa’yo. Ikatutuwa mo ang isiping ito kahit hindi ka sigurado.

Masuwerteng numero; 45 & 54

CAPRICORN

Smooth sailing ang magiging takbo ng relasyon nyo sa araw na ito. Sa wakas ay hindi kayo mag-aaway at mapapahinga rin ang isip nyo sa stress. Kaya naman ikatutuwa mo na kahit pansamantala ay magiging panatag ka.

Masuwerteng numero; 4 & 11

AQUARIUS

Ikakabahala mo ang hindi pagpaparamdam sa’yo ng iyong mahal. Maraming hindi magagandang bagay ang maglalaro sa isipan mo at lahat ng ito ay negatibo. Kaya naman ang maghapong ito ay hindi maganda para sa’yo.

Masuwerteng numero; 28 & 32

PISCES  

Pareho kayong mapapagod ng iyong mahal ngayong araw na ito mula sa trabaho. Kaya pareho rin kayong wala sa kondisyon na magpaliwanagan tungkol sa isang bagay kaya ito ay mauuwi sa komprontasyon.

Masuwerteng numero; 15 & 30                                                                                 

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here