Love Horoscope, Enero 17, 2020

618

ARIES

Dahil pareho na kayong balik trabaho kaya balik din sa dating sitwasyon ang inyong pagsasama. Pareho ulit kayong magiging abala at swertehan na ang maibibigay ninyong oras para sa isa’t-isa. Para kayong magpapatintero sa pagkuha ng panahon.

Masuwerteng numero; 18 & 30

TAURUS

Sa ayaw at sa gusto nyo ay maghihiwalay kayo ng landas para sa ikakabuti ng isa’t-isa. Gayunpaman ay hindi pa rin mapuputol ang inyong komunikasyon at wala pa ring makakapigil sa pagmamahal nyo sa isa’t-isa.

Masuwerteng numero; 48 & 54

GEMINI

Hindi mo na maibabalik pa ang nakaraan nyo ng taong minahal mo ng labis. Pero sa pagbabalik niya sa buhay mo ay manunumbalik sa’yo ang mga alaalang matagal nyo ng iniwan. Subalit wala ka ng magagawa tungkol dito.

Masuwerteng numero; 13 & 16

CANCER

Pansamantalang mananahimik ang lovelife mo ngayon dahil sa labis mong kaabalahan sa trabaho. Ito ang pipiliin mong gawing prayoridad. Wala kang dapat ipag-alala dahil maiintindihan ka niya at ang iyong propesyon.

Masuwerteng numero; 5 & 12

LEO

Wala kang maririnig na salita mula sa iyong karelasyon. Basta mo na lang mararamdaman ang panlalamig niya gayundin ang pag-iwas niya. Gusto mo man siyang tanungin ay hindi mo pa magagawa sa ngayon dahil natatakot kang malaman ang totoo.

Masuwerteng numero; 16 & 20

VIRGO

May malaking pagkakamali kang magagawa sa iyong karelasyon. Mas makakabuti kung habang maaga pa ay ikaw na ang magtapat nito sa kanya. Dahil pag nalaman niya sa iba ay siguradong ikakagalit niya ng husto sa’yo.

Masuwerteng numero; 21 & 27

LIBRA

Magiging third party ka sa isang masayang relasyon. Hindi mo man ito sinasadya, sa oras na malaman mo ay magkusa ka ng lumabas dito. Dahil kung hindi mo gagawin ay siguradong stress at trouble ang idudulot nito sa’yo.

Masuwerteng numero; 38 & 42

SCORPIO

Gagawin mo ang lahat para matulungan ang iyong kapareha na makakuha ng trabaho. Para rin ito sa inyong pamilya. Alam mong hindi siya kikilos ng kusa kaya ikaw na mismo ang magpupush at tutulong sa kanya.

Masuwerteng numero; 50 & 69

SAGITTARIUS

Mapipilitan kang pagbigyan ang kahilingan ng iyong mahal dahil maiipit ka na rin sa isang hindi magandang sitwasyon. Ito na rin ang magiging way mo para malabasan mo ang sitwasyon na nagbibigay stress sa’yo.

Masuwerteng numero; 8 & 25

CAPRICORN

Isang hindi inaasahang tao ang magkakagusto sa’yo. Sa araw na ito ay malalaman mo mula sa isang malapit na kaibigan ang interes niya sa’yo. Hindi mo ito halos mapapaniwalaan dahil masyadong mataas ang tingin mo sa kanya.

Masuwerteng numero; 10 & 15

AQUARIUS

Maghinay hinay ka sa mga ipinaparatang mo sa iyong karelasyon. Hindi lahat ng sinasabi mo sa kanya ay makakaya niyang tanggapin lalo na kung ito ay walang katotohanan. Isipin mo rin ang kanyang mararamdaman.

Masuwerteng numero; 16 & 20

PISCES

Hindi ka pa rin natuto mula sa iyong nagdaang pag-ibig. Ngayon ay uulitin mo na naman ang mga pagkakamaling nagawa mo noon kaya naman sa muling pagkakataon ay puso mo ang sasalo ng kabiguan.

Masuwerteng numero; 17 & 19

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here