Love Horoscope Enero 16, 2020

719

ARIES

Ikatutuwa mo ang malaking effort na gagawin ng iyong mahal para lang matulungan ka na matapos proyektong iyong pinagpupuyatan gabi gabi. Gagawa siya ng paraan upang mapadali ito at mapagaan para sa’yo.

Masuwerteng numero; 1 & 2

TAURUS

Ngayong araw ay matatapos na ang pagpe-pretend mo na mahal mo pa siya. Tadhana na mismo ang gagawa ng paraan upang masiwalat ang tunay mong nararamdaman kaya wala ka ng magagawa kundi aminin ito sa kanya.

Masuwerteng numero; 24 & 36

GEMINI

Magsisimula na kayong mangarap para sa inyong hinaharap. Kaya ngayon pa lang ay paghahandaan nyo na ng iyong mahal ang inyong kinabukasan. Seryoso ang magiging pag-uusap nyo tungkol sa inyong magiging kabuhayan.

Masuwerteng numero; 5 & 9

CANCER

Sa dalawang tao na pinagpipilian mo ay ngayon mo malalaman kung sino sa kanila ang karapat dapat sa’yo. May makikita kang ugali sa isa na ayaw na ayaw mo sa isang tao kaya naman makakapagdesisyon ka na rin sa wakas.

Masuwerteng numero; 12 & 13

LEO

Labis na sasama ang loob mo sa iyong karelasyon dahil sa lahat ng tao ay siya pa mismo ang magdidiin sa’yo sa isang pagkakamali na iba ang may gawa. Dahil dito ay pipiliin mo na munang dumistansya sa kanya.

Masuwerteng numero; 48 & 50

VIRGO

Mapupuwersa kang magbitaw ng malaking halaga para lamang pagbigyan ang kahilingan ng iyong asawa. Kahit pa alam mong hindi magiging maganda ang epekto nito sa kita mo, ang mahalaga ay mapasaya mo siya.

Masuwerteng numero; 22 & 35

LIBRA

Malaki ang pagbabagong mapapansin mo sa iyong mahal. Mag-iiba ang kanyang pakikitungo sa’yo kaya naman iisipin mo na hindi ka na niya mahal. Ito ang magiging dahilan ng kalungkutan mo sa buong maghapon.

Masuwerteng numero; 13 & 16

SCORPIO

Panghihinaan ka ng loob ngayon dahil sa mga problemang kinakaharap ng inyong relasyon. Pero hindi ka pababayaan ng iyong mahal. Kahit dumadaan kayo sa pagsubok ngayon ay wala siyang balak na iwanan ka sa ere.

Masuwerteng numero; 77 & 82

SAGITTARIUS

Kahit ayaw mo ay mapipilitan kang tanggapin ang inaalok ng iyong kapareha na may kinalaman sa inyong kabuhayan. Ayaw mo kasi na magkaroon ng utang na loob sa kanya pero malaki kasi ang maitutulong nito sa iyong pamilya.

Masuwerteng numero; 24 & 32

CAPRICORN

Muli kang kikiligin sa iyong kapareha sa araw na ito. Hindi mo alam kung ano nakain niya para magbuhos ng effort na pasayahin ka. Lalo pa at wala namang okasyon o espesyal sa araw na ito basta maisipan lang niya.

Masuwerteng numero; 77 & 80

AQUARIUS

Masusubok ang haba ng pasensya mo ngayon sa iyong karelasyon. Sa iyong palagay ay sinasadya niyang alamin ang hangganan ng iyong pisi kaya ginagawa niya ang nais niyang gawin na alam niyang hindi mo magugustuhan.

Masuwerteng numero; 40 & 47

PISCES

Magiging problema ninyong mag-asawa ang pagdating ng iyong mga in-laws. Hindi dahil sa hindi kayo magkasundo sa ugali kundi dahil sa mga pangangailangan nila na kayo lamang mag-asawa ang maaaring makatugon.

Masuwerteng numero; 18 & 19

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here