Love Horoscope Enero 15, 2022

463

ARIES

Ang hindi maganda mong mood ngayong araw ay magbabago sa pagdating ng iyong mahal. Siya ang sasalo sa araw mo na muntik ng masira dahil sa pag-iisip mo ng mga bagay na nakakapagdulot lamang sa’yo ng stress.

Masuwerteng numero; 7 & 9

TAURUS

Kakabahan ka ng todo sa araw na ito dahil aakalain mo na matutuklasan na ng iyong karelasyon ang isang bagay na ayaw mong malaman niya tungkol sa’yo. Pero susuwertehin ka pa rin dahil hindi pa rin niya ito malalaman.

Masuwerteng numero; 12 & 13

GEMINI

May magagawa ka na hindi magugustuhan ng iyong kapareha kaya ang araw na ito ay hindi magiging maganda para sa’yo at lalo na para sa kanya. Pero hindi naman ito magiging dahilan ng hiwalayan kundi simpleng tampuhan lang.

Masuwerteng numero; 15 & 20

CANCER

Hindi mo kailangang magpaapekto sa mga maririnig mo tungkol sa tao na iyong minamahal. Ikaw ang higit na nakakakilala sa kanya kaysa kaninuman kaya alam mo kung ano ang dapat mong paniwalaan at hindi.

Masuwerteng numero; 5 & 12

LEO

Mauubusan ka ng idadahilan sa iyong kinakasama kung bakit gusto mong magback out sa nauna nyo ng plano tungkol sa isang event. Ang totoo ay wala ka naman talagang valid na dahilan, hindi mo lang talaga ito gustong matuloy.

Masuwerteng numero; 48 & 54

VIRGO

Makakaramdam ka ng lungkot para sa iyong mahal dahil ramdam mo ang bigat ng pinagdaraanan niya ngayon sa sarili niyang pamilya. Pero wala kang ibang magagawa kundi ang damayan siya sa pagkakataong ito.

Masuwerteng numero; 35 & 40

LIBRA

Kung noong mga nakaraang araw ay nakaligtas ka, ngayon ay mabubukayo na ng iyong karelasyon ang ginagawa mo sa kanyang likuran. Siya mismo ang makakabasa sa mga chat na ebidensya ng pagtataksil mo sa kanya.

Masuwerteng numero; 15 & 21

SCORPIO

Dahil sa labis na pagmamahal sa’yo ng iyong asawa ay magagawa niyang ibigay sa’yo ang hinihiling mo kahit pa maubos ang budget niya sa ngayon. Mas mahalaga sa kanya na makita kang masaya kaysa sa pansarili niyang pangangailangan.

Masuwerteng numero; 9 & 19

SAGITTARIUS

Hindi mawawalan ng saysay ang pakikipaglaban mo para sa pag-ibig niya. Sa araw na ito ay susuklian niya ang mga nagawa mo para sa kanya at ipapakita rin niya sa’yo kung paano niya naa-appreciate ang pagmamahal mo.

Masuwerteng numero; 11 & 13

CAPRICORN

Isang magandang balita ang matatanggap mo mula mismo sa iyong mahal. May kinalaman ito sa trabahong kanyang inaaplayan. Sa wakas ay makakatulong na rin siya sa inyong mga pangangailangan sa pamilya.

Masuwerteng numero; 22 & 33

AQUARIUS

Magkakaroon ka ng pagkakataon na makausap ang tao na matagal mo ng lihim na minamahal. Sa saglit na pag-uusap na ito ay makakasilip ka ng konting pag-asa na matupad ang pangarap mong makarelasyon siya.

Masuwerteng numero; 25 & 29

PISCES

Makakaramdam ka ng selos dahil sa espesyal na atensyong ibibigay ng iyong mahal sa isang tao. Pero wala kang balak na sabihin ito sa kanya. Sa halip ay pipiliin mo na lang na kimkimin sa iyong sarili ang damdaming ito.

Masuwerteng numero; 4 & 6

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here