Love Horoscope Enero 15, 2021

689

ARIES

Wala kang plano na pakinggan ang sinasabi ng iba tungkol sa iyong mahal. Kahit na anong mangyari ay nasa kanya pa rin ang simpatya mo. Mananatili kang nasa kanyang likuran at handang umalalay sa kanya.

Masuwerteng numero; 18 & 23

TAURUS

Kahit papa’no ay maiibsan ang labis mong pag-aalala sa iyong mahal dahil sa tawag na matatanggap mo mula sa kanya. Sapat na sa’yong malaman na nakakaya pa niya ang kanyang sitwasyon dahil ikaw ang lakas niya.

Masuwerteng numero; 52 & 59

GEMINI

Malalagay sa alanganin ang iyong reputasyon dahil na rin sa taong minamahal mo. Ang patuloy mong pagtatanggol sa kanya kahit alam mong may nagawa rin siyang pagkakamali ay makakaapekto sa iyong pagkatao.

Masuwerteng numero; 19 & 36

CANCER

Maguguluhan ka sa sarili mong damdamin. Dahil ngayong araw ay muli mong makaka-krus ng landas ang iyong ex at sa kabila ng maraming taon na lumipas ay iba pa rin ang dating niya sa’yo na parang tulad ng dati.

Masuwerteng numero; 20 & 31

LEO

Malaki ang chance na magustuhan ka rin niya dahil sa pagpapakita mo ng kabaitan at kakaibang talento. Mahilig siya sa matatalinong tao at ikaw din iyon kaya hindi magiging mahirap sa’yo na ilapit ang sarili mo sa kanya.

Masuwerteng numero; 6 & 16

VIRGO

Kung iniisip mo na siya na ang para sa’yo ay nagkakamali ka. Hindi pa ngayon darating ang tao na hinihintay mo para makasama sa habambuhay. Mananatili ka pa ring single at wala kang pagpipilian kundi ang maghintay.

Masuwerteng numero; 17 & 23

LIBRA

May magandang balitang sasalubong sa’yo sa araw na ito. Dahil kayong dalawa ay madaragdagan na sa pamilya at labis nyo itong ikatutuwa. Hindi mo mapipigilan na agad ipamalita ang magandang balita na ito.

Masuwerteng numero; 11 & 13

SCORPIO

Road to happiness ang relasyon nyo ngayon dahil nagkahulihan na kayo ng kiliti. Kaya naman mapapanatag na ang kalooban mo. Makukuntento ka sa pagmamahal na makakaya niyang ibigay para sa’yo.

Masuwerteng numero; 6 & 11

SAGITTARIUS

Gawin mo ang lahat para maiwasan siya. Hindi siya ang tao na karapat dapat mong mahalin. Magdudulot lamang siya ng malaking problema sa hinaharap kung paiiralin mo ang katigasan ng iyong ulo.

Masuwerteng numero; 42 & 54

CAPRICORN

Hindi magiging mabisa ang pinaplano mo para sa ikagaganda ng inyong relasyon dahil may sariling plano ang iyong kapareha at pipilitin niya na ito ang manaig. Dahil dito ay lihim na sasama ang loob mo sa kanya.

Masuwerteng numero; 10 & 15

AQUARIUS

Kahit na hindi kayo maayos ngayon ng iyong kapareha ay hindi mo muna ito pagtutuunan ng pansin. May malaking problema ka na hinaharap sa iyong pamilya kaya ito muna ang uunahin mong maresolba bago ang relasyon nyo.

Masuwerteng numero; 7 & 8

PISCES

Ngayong araw ay ipamumukha mo sa iyong karelasyon na hindi mo kailangan ang pera niya o anumang materyal na bagay na kaya niyang ibigay sa’yo. Ang tanging hangad mo lang ay ang buo niyang pagmamahal na walang kahati.

Masuwerteng numero; 28 & 29

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here