Love Horoscope Enero 14, 2021

681

ARIES

Mas magiging maayos ngayon ang relasyon nyo kaysa dati dahil sa wakas ay matututunan mo na rin na sakyan ang kanyang ugali. Gayunpaman, plano mo na unti-unti siyang baguhin nang hindi niya namamalayan.

Masuwerteng numero; 24 & 27

TAURUS

Hindi pa rin matutuloy ang plano ninyong pagpapakasal. Sa kabila ng pagbabago ay mananatili pa rin ang mahirap na sitwasyon sa inyong lugar kaya naman magdedesisyon kayong sa isang taon na lamang ito ituloy.

Masuwerteng numero; 15 & 37

GEMINI

Isang bagong inspirasyon ang darating sa buhay mo para muli kang maniwala sa pag-ibig. Gayunpaman, sisikapin mo pa rin na maiwasan ito dahil takot ka ng mabigo ulit at maranasan ang naranasan mong kabiguan.

Masuwerteng numero; 41 & 44

CANCER

Sa araw na ito ay hindi maiiwasan na mag-init ang ulo mo sa iyong kapareha dahil sa kanyang hindi magandang gawi. Pipilitin mo na mapigilan ang iyong emosyon kahit inis na inis ka na ay magkokontrol ka pa rin.

Masuwerteng numero; 7 & 11

LEO

May magandang mangyayari sa inyong pagsasama sa ngayon. Magkakaroon kayo ng pagkakataon na matuklasan ang kahinaan at kalakasan ng isa’t-isa. Dahil dito ay mas lalong titibay at tatatag ang inyong relasyon.

Masuwerteng numero; 10 & 16

VIRGO

Sa ngayon ay wala ka ng mahihiling pa sa iyong buhay pag-ibig dahil kuntento ka na sa kasalukuyang ninyong relasyon ng iyong mahal. Sa iyong palagaya ay napagdaanan nyo na halos lahat ng hirap kaya umaasa ka na magiging maayos na ang lahat.

Masuwerteng numero; 36 & 45

LIBRA

Dahil sa iyong mahal ay lalakas ang loob mo na harapin ang personal mong problema. Sa kabila ng takot mo ay magkakaroon ka ng instant tapang dahil alam mo na nasa likuran mo lang siya at naka-back up sa’yo.

Masuwerteng numero; 24 & 27

SCORPIO

Sa wakas ay matutuloy na rin ang plano nyong lakad ngayon ng iyong mahal. Ilang beses na itong naudlot kaya hindi ka na sana umaasa na matutuloy pa ito. Pero ngayong araw ay magkakaroon kayo ng pagkakataon.

Masuwerteng numero; 15 & 17

SAGITTARIUS

Ngayong nalaman mo na ang mga bagay na nakakapagpainit sa ulo niya ay sisikapin mo na hindi mo ito magawa nang sa gayon ay maiwasan nyo rin ang pag-aaway. Hangga’t maaari ay gusto mo siyang maging masaya lang sa piling mo.

Masuwerteng numero; 8 & 9

CAPRICORN

Mahalaga na marinig mo rin ang panig ng iyong karelasyon tungkol sa isang mahalagang usapin sa pagitan nyo. Kung palaging iba ang pakikinggan mo ay mas lalong hindi kayo magkakaintindihan at lalala pa ang problema.

Masuwerteng numero; 35 & 40

AQUARIUS

Magiging magaan ang araw na ito para sa inyo ng iyong mahal dahil pareho kayong nasa mood. Kahit problemado kayo ngayon sa mga bayarin ay ayaw nyo munang istressin ang sarili nyo rito. Mas pipiliin nyo munang maging masaya.

Masuwerteng numero; 7 & 17

PISCES

Walang magandang kahahantungan ang pagtatalo nyo ng iyong mahal tungkol sa pera. Mas mainam pa rin na meron kang sariling income at nakakapagtabi ka para sa sarili mo, nang sa gayon ay hindi ka laging aasa sa kanya.

Masuwerteng numero; 19 & 20

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here