Love Horoscope Enero 13, 2021

779

ARIES

Magiging tahimik lang ang lovelife mo ngayon dahil ito ang pipiliin mong mangyari. Gusto mo munang mapag-isa at malayo sa kanya nang pansamantala upang malayo ka rin muna sa mga stress na tila nakakabit sa kanya kapag kasama mo siya.

Masuwerteng numero; 7 & 11

TAURUS

Kahit na gustong gusto mo na siyang puntahan para ayusin ang inyong gusot ay hindi mo pa magagawa sa ngayon. Marami ka pang trabaho na kailangang tapusin at ito muna ang ipaprayoridad mo kaysa sa inyong relasyon.

Masuwerteng numero; 22 & 36

GEMINI

Dahil sa pagbibigay mo ng pahintulot sa iyong mahal na panghimasukan ang personal mong buhay kahit hindi pa kayo kasal ay magkakaroon ka ng problema. May mga magagawa siya na hindi mo magugustuhan.

Masuwerteng numero; 67 & 68

CANCER

Sa kabila ng effort mo sa inyong relasyon ay magiging mailap pa rin sa’yo ang suwerte na makakita ng tao na kayang masuklian ng tama ang pagmamahal mo. Hindi magtatagal at sa wala pa rin mauuwi ang lahat.

Masuwerteng numero; 30 & 42

LEO

Hindi mo matatakasan ang alaala ng kahapon. Ngayong araw ay muling susulpot sa buhay mo ang taong bahagi nito. May dahilan ang pagbabalik niya kaya maging alisto ka. Maaaring maging bahagi ulit siya ng susunod na kabanata ng iyong buhay.

Masuwerteng numero; 33 & 37

VIRGO

May bago kang matututunan sa iyong mahal tungkol sa pagluluto. Ito ang magiging libangan at bonding nyo ngayon. Sasamantalahin nyo ang mga oras at pagkakataon na gaya nito dahil bihira lang naman itong mangyari.

Masuwerteng numero; 25 & 40

LIBRA

Hindi na magiging mahalaga sa’yo kung ano ang iniisip ng iba. Sa araw na ito ay magpapasya kang piliin ang taong pinakamamahal mo kaysa makinig sa payo ng iba na hiwalayan siya. Sisikapin mo na hindi na magpaapekto.

Masuwerteng numero; 12 & 17

SCORPIO

Hindi pa ito ang araw na malalampasan nyo ang kalbaryong pinagdaraanan ng inyong relasyon. Mananatili pa rin ang mahirap nyong sitwasyon at tulad ng dati ay hindi pa rin maaalis sa daanan nyo ang mga hadlang.

Masuwerteng numero; 46 & 54

SAGITTARIUS

No choice ka kundi paniwalaan na lang ang mga sinasabi ng iyong mahal dahil wala ka rin namang magagawa para makatulong. Ibibigay mo na lang sa kanya ng buo ang iyong suporta para na rin sa ikakabuti ninyong dalawa.

Masuwerteng numero; 35 & 56

CAPRICORN

Mangungulila ka sa iyong mahal sa araw na ito dahil ilang araw na rin mula nang siya ay umalis para magtrabaho sa malayo. Ngayon lang magsisink in sa isip mo ang inyong sitwasyon na ayaw mo sanang mangyari.

Masuwerteng numero; 13 & 15

AQUARIUS

Dahil sa isang mainitang pagtatalo ay maze-zero ang lovelife mo ngayon. Biglaan lang ang magiging pasya nyo pareho. Bigla kayong magdedesisyon ng paghihiwalay nang hindi muna ito pinag-iisipang mabuti.

Masuwerteng numero; 18 & 27

PISCES

Muli kang mangungunsumi sa iyong karelasyon dahil muli na namang iiral sa kanya ang selos. Pagseselos na wala sa lugar at walang dahilan kaya sa araw na ito ay hindi mo maiiwasan na hindi ma-bad trip sa kanya.

Masuwerteng numero; 9 & 13

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here