Love Horoscope, Disyembre 2, 2020

775

ARIES

Dahil sa init ng iyong ulo ay maidadamay mo ang iyong mahal. Kahit wala naman siyang kinalaman sa problema mo ay madadawit siya sa sobrang bad ng mood mo. Pagsisisihan mo ang iyong aksyon bago matapos ang araw.

Masuwerteng numero; 1 & 6

TAURUS

Sa gitna ng hindi magandang araw ngayong krisis ay makikilala mo na ang taong magpapatibok ng iyong puso. Sa unang pagtatama pa lang ng inyong mga mata ay mararamdaman mo na agad ang spark sa pagitan nyo.

Masuwerteng numero; 34 & 47

GEMINI

Kahit na ano pa ang gawin ng iyong kapareha ay handa ka pa ring pagtakpan siya. Hindi mo gugustuhin na mapahamak siya kaya ipinangako mo sa sarili mo na poprotektahan mo siya kahit na ano pa ang mangyari.

Masuwerteng numero; 15 & 19

CANCER

Magiging maganda ang araw na ito para sa inyong magkarelasyon. Dahil sa mga biyayang matatanggap ay parehong magiging maganda ang mood nyo. Kaya naman ang mga gawain sa bahay ay magiging magaan din para sa’yo.

Masuwerteng numero; 4 & 8

LEO

Ang pagmamadali mo ngayong araw ay magmimitsa sa isang malaking pagkakamali. Dahil dito ay mababadtrip sa’yo ang iyong karelasyon at malaki ang posibilidad na sisihin ka niya sa hindi magandang resulta nito.

Masuwerteng numero; 14 & 22

VIRGO

Hindi ka makakaramdam ng takot na labanan ang anumang pagsubok na inihain sa iyo ng tadhana dahil alam mong hindi ka iiwanan ng iyong mahal kahit na anong mangyari. Sa kanya ka kukuha ng tapang at lakas.

Masuwerteng numero; 26 & 49

LIBRA

Muli kang makakaramdam ng kilig dahil sa muling pagpaparamdam ng tao na nagpapasaya sa puso mo. Dahil dito ay sisipagin kang kumilos sa bahay. Ang araw na ito ay magiging magaan lang at positibo para sa’yo.

Masuwerteng numero; 13 & 18

SCORPIO

Nasa kamay mo ang ikakasiya ng iyong kapareha. Nakasalalay sa gagawin mong pagdedesisyon ang kaligayahan niya kaya huwag magpadalos dalos. Pag-isipang mabuti kung para sa ikakabuti nyo pareho o hindi ang pagpapasyang gagawin.

Masuwerteng numero; 35 & 45

SAGITTARIUS

Hindi pa magiging sapat ang effort mo para sa iyong mahal. May masasabi at masasabi pa rin siya sa’yo kaya naman susubukan mo na lang na ireverse ang iyong mga ginawa. Iisipin mo na baka mas maging epektibo ito.

Masuwerteng numero; 25 & 30

CAPRICORN

Hindi magiging maayos ang pag-uusap nyo ng iyong mahal ngayong araw dahil pareho kayong nakatuon sa sinasabi ng ibang tao. Magiging maayos lamang ang lahat sa pagitan nyo kung pakikinggan nyo ang isa’t-isa.

Masuwerteng numero; 12 & 23

AQUARIUS

Hindi mo man aminin ay pakikiligin ka ng isang tao na pag-aari na ng iba. Alam mong hindi mo ito dapat maramdaman sa kanya pero mahihirapan kang pigilan ang pintig ng iyong puso para sa kanya kahit na anong gawin mo.

Masuwerteng numero; 34 & 52

PISCES

Ang takot mo na mawala siya ay muling mangingibabaw dahil sa isang pangyayari na hindi nyo maiiwasan. Kaya naman ang buong araw ay mapupuno ng pangamba at pagkalito para sa inyong dalawa.

Masuwerteng numero; 56 & 67

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here