Love Horoscope Disyembre 1, 2022

ARIES

Pag-ibig ang naging sanhi ng iyong kabiguan subalit pag-ibig din ang magbabangon sa’yo mula sa pagkabigo. Sa araw na ito ay makikilala mo ang tao na tutulong sa’yo para makabangon ka at magtiwala muli sa tawag ng pag-ibig.

Masuwerteng numero; 5 & 10

TAURUS

Wala kang magagawa sa gagawing desisyon ng iyong kapareha. Kahit pa tutulan mo ito ay itutuloy pa rin niya. Kaya naman kaysa mag-away kayo dahil dito ay mas pipiliin mo na lang na manahimik muna at maghintay ng resulta.

Masuwerteng numero; 28 & 29

GEMINI

Maging mailap man ang suwerte ngayon sa inyong pagsasama ay mananatili kang nagtitiwala at nakakapit sa kanya. Sa kabila ng kanyang mga nagawang pagkakamali noong una ay buo pa rin ang suportang ibibigay mo sa kanya.

Masuwerteng numero; 11 & 13

CANCER

Hindi mo masyadong mararamdaman ang hirap ng inyong sitwasyon dahil lagi siyang nasa tabi mo para pagaangin ang inyong pinagdaraanan. Bawat araw na lilipas ay sisiguraduhin niyang mapapangiti ka niya at mapapasaya.

Masuwerteng numero; 16 & 24

LEO

Pansamantala kayong mawawalan ng komunikasyon kaya hindi mo maiiwasan na ma-miss siya. Lalo na at sa kasalukuyan ay siya lang ang iyong katuwang at laging natatakbuhan lalo na sa oras ng iyong kagipitan.

Masuwerteng nmero; 35 & 40

VIRGO

Hindi mababalewala ang pinagsamahan nyo ng iyong mahal. Kahit pa natapos na ito ay marami kang natutunan mula rito. Tanggap mo rin na hindi agad mawawala sa puso mo ang pagmamahal mo sa kanya.

Masuwerteng numero; 27 & 37

LIBRA

Dahil ikaw ang mas nagmamahal kaya naman sa tuwing may alitan kayo ay ikaw ang laging unang nagpapakumbaba at sumusuko. Walang mababago sa inyong sitwasyon hangga’t hindi mo binabago ang iyong istilo.

Masuwerteng numero; 2 & 5

SCORPIO

Kailangan mong suyuin ang iyong kapareha kung nais mo na magkaayos kayo. Alam na alam mo ang takbo ng utak niya at nakakasiguro ka na hinding hindi siya ang unang magpapakumbaba kaya ikaw pa rin ang kikilos.

Masuwerteng numero; 15 & 33

SAGITTARIUS

Makokonsensya ka sa inasal mo sa iyong mahal nitong nakaraang araw. Kaya naman ngayon ay mangangarag ka kung paano ka makakabawi sa kanya. Alam mo na siya yung tipo ng tao na hindi agad nakakalimot.

Masuwerteng numero; 6 & 12

CAPRICORN

May matutuklasan kayong bagong bonding ng iyong mahal. Dahil dito ay maisasalba nyo ang nakakabugnot na mga oras sa pagitan nyo. Maaaliw kayo ng husto kaya pansamantala nyong malilimutan ang problema.

Masuwerteng numero; 42 & 49

AQUARIUS

Walang malas sa inyong relasyon. Ang kailangan nyong pagtuunan ng pansin ay ang mga sarili nyo. Pareho kayong may mga pagkukulang sa isa’t-isa at parehong may kamalian. Ito ang dapat ninyong iresolba.

Masuwerteng numero; 7 & 11

PISCES

Hindi mo maiaalis sa iyong karelasyon na pagdudahan ang iyong mga plano dahil hindi mo ito ipinapaliwanag sa kanya. Kung ayaw mo na magduda siya ay dapat mong linawin sa kanya ang bawat detalye nito.

Masuwerteng numero; 26 & 35