Love Horoscope Disyembre 1, 2020

871

ARIES

Mag-ingat ka sa mga ipinapakita mo sa iyong mahal. Inoobserbahan niya ang iyong mga kilos at panalita dahil may gusto siyang patunayan. Ayaw niyang paniwalaan ang mga sabi sabi lang hangga’t hindi siya mismo ang makapagpatunay.

Masuwerteng numero; 48 & 53

TAURUS

Hindi mo man aminin sa iyong sarili pero siya pa rin ang laging hinahanap hanap ng puso mo. Gusto mo pa rin siyang makita, marinig at makasama. Subalit hindi mo naman siya kayang ipaglaban kaya magtitiis ka na lang.

Masuwerteng numero; 15 & 20

GEMINI

Magugulat ka sa kalambingang ipapakita sa’yo ng iyong mahal sa araw na ito. Kaya naman hindi mo maiiwasan na hindi magduda lalo pa at bihira lang siyang maglambing sa’yo lalo na at wala namang okasyon.

Masuwerteng numero; 7 & 8

CANCER

Kahit anong pilit mo ay hindi mo talaga maiintindihan ang iyong mahal dahil sarado ang isip mo pagdating sa kanyang mga kamag-anak. Hindi mo makakalimutan ang ginawa nila sa’yo kaya hanggang ngayon ay malayo ang loob mo sa kanila.

Masuwerteng numero; 16 & 22

LEO

Hindi mo masisisi ang iyong karelasyon kung lumayo man ang loob niya sa’yo. Masyado kang abala sa trabaho at marami ka ng nakakaligtaan na may kinalaman sa inyong relasyon. Wala ka na rin halos oras sa kanya.

Masuwerteng numero; 30 & 51

VIRGO

Sa ayaw at sa gusto mo ay kakailanganin mo ng mamili sa dalawang tao na parehong nagpapasaya sa’yo. Hindi sila maaaring manatili sa’yo pareho. May isang mawawala at may isang mananatili sa gagawin mong pagpili.

Masuwerteng numero; 4 & 9

LIBRA

Pinili mo ang iyong mahal kaysa sa mga kamag-anak mong tunay na nagmamalasakit sa’yo. Kaya anuman ang hirap na danasin mo sa piling niya ay dapat mong tanggapin at hindi mo masisisi ang mga kamag-anak mo kung lumayo sila sa’yo.

Masuwerteng numero; 11 & 22

SCORPIO

Sa pagsasara ng pintuan ng pag-ibig para sa’yo ay may bintana namang magbubukas. Pero hindi ibig sabihin ay pipilitin mo na ang sarili na makipagrelasyong muli upang maka-move on sa isa. Dapat mo munang ipahinga ang iyong puso.

Masuwerteng numero; 14 & 21

SAGITTARIUS

Mapupuno ka ng pagdududa sa iyong kapareha tungkol sa perang hinahawakan niya mula sa inyong negosyo. Ayaw mong mawalan ng tiwala sa kanya pero sa kanya nakaturo ang lahat ng ebidensya kaya hindi mo maiwasan na maghinala.

Masuwerteng numero; 31 & 60

CAPRICORN

Ipagkakatiwala mo ang personal mong sikreto sa iyong mahal. Aasa ka na itatago rin niya ito at iingatan na walang makaalam. Ganoon kalaki ang tiwala mo sa kanya subalit hindi mo maintindihan kung bakit hindi ka mapanatag.

Masuwerteng numero; 12 & 21

AQUARIUS

Labis ang magiging selos ng iyong mahal dahil sa pagiging malapit mo ng sobra sa iyong boss. Pero sa halip na ipaunawa sa kanya ang iyong sitwasyon sa trabaho ay kaiinisan mo pa ang sa tingin mo ay kakitiran ng utak niya.

Masuwerteng numero; 6 & 8

PISCES

Yung akala mo ay wala ka ng halaga sa iyong mahal, ngayong araw ay mapapatunayan mo na importante ka pa rin sa kanya. Dahil sa halip na kontrahin ay papaboran niya ang iyong mga desisyon at ipagtatanggol ka sa iba.

Masuwerteng numero; 35 & 50

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here