Love Horoscope; Agosto 9

1087

ARIES

Kahit inis na inis ka na at tila gusto mo ng sumabog ay kailangan mo pa ring kontrolin ang iyong sarili. Maghihinay hinay ka pa rin sa pagsasalita sa iyong karelasyon dahil iniiwasan mo na muli mo siyang masaktan emotionally.

Masuwerteng numero; 24 & 34

TAURUS

Maganda ang maririnig mong balita tungkol sa iyong kapareha. May kinalaman ito sa pinakaaasam niyang promosyon. Kaya naman magiging masaya ka para sa kanya dahil sa kabila ng pandemya ay nakuha niya ang nais.

Masuwerteng numero; 16 & 20

GEMINI

Kahit na anong mangyari ay patuloy ka pa ring maghihintay sa kanya. Kahit sa tingin mo ay malabo na ang relasyon nyo ngayon ay patuloy ka pa ring aasa. Hangga’t hindi siya bumibitaw ay mananatili ka pa ring nakakapit.

Masuwerteng numero; 57 & 68

CANCER

Sa kabila ng kagustuhan mo na mapalapit sa kanya ay wala ka pang magagawa sa ngayon. Mananatiling hadlang sa inyong dalawa ang distansya at ang pandemya. Ang tanging magagawa mo lang ay maghintay ng tamang panahon.

Masuwerteng numero; 13 & 19

LEO

Magkakaroon ka ngayon ng magandang pagkakataon para sabihin sa iyong kapareha ang nais mong mangyari. Matagal ng naglalaro sa isip mo ang isang plano para sa kinabukasan nyo at nais mo na mapag-usapan nyo ito.

Masuwerteng numero; 10 & 20

VIRGO

Sa kauna-unahang pagkakataon ay sasang-ayunan ka ng iyong kinakasama sa mga plano mo para sa inyong anak. Madalas ay kontra siya sa mga ideya mo pero sa pagkakataong ito ay mapapasang-ayon mo na siya sa wakas.

Masuwerteng numero; 72 & 79

LIBRA

Magiging mailap pa rin ang swerte mo pagdating sa pag-ibig. Yung akala mo ay nahanap mo na ang tao na makakapagpasaya sa’yo ng lubos, pero ngayong araw ay makikita mo kung ano talaga ang tunay niyang ugali.

Masuwerteng numero; 32 & 37

SCORPIO

Alam mo na nasaktan mo ang iyong mahal dahil sa mga nasabi mo sa kanya. Pero wala kang balak na ayusin ang gusot na ito sa ngayon. May mas importante kang bagay na gustong unahin kaysa sa iyong pag-ibig.

Masuwerteng numero; 2 & 5

SAGITTARIUS

Sa loob ng maghapong ito ay wala kang ibang iisipin kundi ang iyong mahal na nasa malayo. Hindi mo alam ang kanyang ginagawa at ang kanyang tunay na kalagayan kaya naman gano’n na lang ang magiging pag-aalala mo sa kanya.

Masuwerteng numero; 46 & 48

CAPRICORN

Ikakagulat mo ang tawag na matatanggap mula sa pinakauna mong pag-ibig. Matagal ng nagtapos ang inyong relasyon at marami na ring nagdaan sa buhay nyo kaya ipagtataka mo ang muli niyang paglapit sa’yo.

Masuwerteng numero; 9 & 12

AQUARIUS

Sanay ka ng mabigo at masaktan dahil sa pag-ibig. Pero sa pagkakataong ito ay tila hindi mo kakayanin ang labis na sakit na idudulot ng kanyang paglayo. Lalo na at hindi mo batid ang tunay niyang dahilan sa pakikipagbreak sa’yo.

Masuwerteng numero; 21 & 28

PISCES

Matapos ang ilang araw na pagrerelax ay stress naman ang kakaharapin nyo ng iyong asawa. Ito ay dahil sa muling paghihigpit sa inyong lugar na labis na makakaapekto sa inyong negosyo kaya mamomroblema na naman kayo.

Masuwerteng numero; 33 & 45

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here