Love Horoscope; Agosto 8

1394

ARIES

Kahit na kapos kayo ngayon sa lahat ng bagay ay mananatiling matatag ang inyong pagsasama. Sa isa’t-isa pa rin kayo kukuha ng lakas ng loob. Lalo ka na, na mula’t sapul ay naging sandalan niya sa lahat ng oras.

Masuwerteng numero; 7 & 8

TAURUS

Hindi mo maiaalis sa iyong kapareha na makadama ng pagseselos dahil sa pagiging malapit mo sa isang kaibigan. Marami na siyang napapansin sa’yo na sinasarili niya lang at dapat mo itong maayos habang maaga pa.

Masuwerteng numero; 34 & 47

GEMINI

May mali kang magagawa sa iyong kapareha na agad mong pagsisisihan. Pero hindi mo ito agad maaagapan. Hindi pa ngayon ang araw na mapaglulubag mo ang kanyang loob. Kakailanganin mo pang mag-effort.

Masuwerteng numero; 5 & 15

CANCER

Dahil sa mga pangyayaring magaganap ngayong araw ay lalong lalakas ang kutob mo na may ginagawang hindi maganda sa iyong likuran ang iyong kapareha. Kaya naman tatalasan mo pa ang pakiramdam. ©Philippineone.com

Masuwerteng numero; 24 & 35

LEO

Mauubos ang pasensya mo ngayong araw sa iyong kapareha. Hindi mo lubos na mauunawaan ang kanyang pinanggagalingan kaya hindi mo rin maiintindihan ang mga ginagawa niyang sa iyong palagay ay hindi tama.

Masuwerteng numero; 45 & 49

VIRGO

Labis kang mag-aalala sa kalagayan ng iyong mahal na nasa malayo ngayon. Alam mo na hindi siya okay at kung maaari lang ay ikaw na mismo ang sumundo sa kanya. Pero wala kang magagawa kundi ang manalangin.

Masuwerteng numero; 8 & 19

LIBRA

Magtataka ka sa hindi pagpaparamdam ng iyong mahal ngayong araw. Kaya naman aalamin mo mula sa kanyang kamag-anak ang kanyang kalagayan dahil hindi ka mapapakali sa buong maghapon hangga’t hindi nasisiguro na okay siya.

Masuwerteng numero; 22 & 31

SCORPIO

Bibilis ang tibok ng puso mo sa pagdaan ng iyong ex sa newsfeed mo sa iyong social media account. Ang kanyang mga ngiti sa larawan ay magpapaalala sa’yo ng isang libo’t isang kasiyahan noong panahon na kayo pa ang magkarelasyon.

Masuwerteng numero; 45 & 50

SAGITTARIUS

May bago kang makikilala sa internet na muling magpapangiti sa’yo matapos ang ilang buwan mong pagmumukmok dahil sa nagdaang kabiguan. Dahil sa kanya ay muling mabubuhayan ang iyong puso at magkakaroon ng inspirasyon. ©Philippineone.com

Masuwerteng numero; 76 & 82

CAPRICORN

Wala ka ng mahihiling pa sa ngayon dahil sa tingin mo ay taglay na ng iyong kapareha ang lahat ng katangian na hinahanap mo. Siya na ang nais mong makasama sa habambuhay at hanggang sa iyong pagtanda.

Masuwerteng numero; 20 & 46

AQUARIUS

Ikakalungkot mo ang mga salitang maririnig mo sa iyong asawa. Sa tagal ng inyong pagsasama, ni minsan ay hindi mo siya kinaringgan ng panunumbat o ng anupamang kaugnay nito kaya magugulat ka, magtataka at malulungkot.

Masuwerteng numero; 33 & 44

PISCES

Malabo pang makuha mo sa ngayon ang inaasam na pag-ibig. Marami pang balakid. Isa na rito ang malaking distansta nyo sa isa’t-isa. Gayundin ang mga tao na nasa paligid nyo. Kaya ituloy mo na lang muna ang panalangin.

Masuwerteng numero; 4 & 29 ©Philippineone.com

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here