Love Horoscope; Agosto 7

1332

ARIES

Isa sa mga bago mong kaibigan ang makakatuklas ng lihim mong pagtingin sa isang tao. Hindi mo man aminin ay alam mo na naramdaman na niya ito. Matalas ang kanyang pakiramdam kaya hindi mahalaga sa kanya ang iyong pag-amin dahil alam na niya ang totoo.

Mauswerteng numero; 25 & 37

TAURUS

Muli mo na namang paiiralin ang kahinaan mo pagdating sa pag-ibig. Hindi mo magagawang iwasan ang isang tao kahit pa alam mo na hindi mo siya dapat mahalin o pagtuunan man lang ng kahit konting pansin.

Masuwerteng numero; 41 & 50

GEMINI

Isang malaking aral ang makukuha mo ngayon kaugnay ng iyong buhay pag-ibig. Ito ang magiging dahilan ng kawalan mo ng tiwala rito. Pero huwag mag-alala dahil may mga kaibigan kang dadamay sa’yo.

Masuwerteng numero; 18 & 29

CANCER

Malaki ang pag-asa mo sa kanya. Ang totoo ay front lang niya ang pagiging mailap sa’yo dahil sinusubukan niyang umiwas sa isang kumplikadong pag-ibig. Pero wala siyang magagawa dahil ikaw at ikaw pa rin ang maiisip niya.

Masuwerteng numero; 4 & 29

LEO

Pagkatapos ng malakas na unos ay magiging maaraw na ngayon sa inyong pagsasama. Sa wakas ay pansamantala ninyong mararamdaman ang katahimikan at kapayapaan ng inyong relasyon dahil na rin sa tulong ng ilang malalapit na kaibigan.

Masuwerteng numero; 34 & 37

VIRGO

Sa kabila ng lahat ng mga hindi magandang pangyayari ay mananatili pa rin siya sa puso mo. Ni hindi mo gugustuhin na mawalay siya sa’yo kahit sa sandaling oras man lang. Lagi pa rin siyang hahanapin ng iyong paningin.

Masuwerteng numero; 20 & 30

LIBRA

Halos lahat ng tao sa paligid mo ay sinasabing dapat mo na siyang hiwalayan dahil hindi na maaayos pa ang inyong relasyon. Pero para sa’yo ay hindi pa ito ang tamang oras para bumitaw. May natatanaw ka pang pag-asa kahit papa’no.

Masuwerteng numero; 16 & 17

SCORPIO

Wala ka ng mahihiling pa basta’t nasa tabi mo siya. Siya ang iyong inspirasyon at palagi mong pinagkukuhanan ng lakas. Katunayan ay ilang saglit lamang siyang mawala sa paningin mo ay labis ka ng nag-aalala.

Masuwerteng numero; 1 & 29

SAGITTARIUS

Alam mong marami kayong problemang kinakaharap ng iyong karelasyon pero wala kang balak na sumuko. Lagi mo pa ring idadalangin na sana ay hindi rin siya sumuko tulad mo at hanggang sa huli ay kayo pa rin ang magkasama.

Masuwerteng numero; 75 & 86

CAPRICORN

On and off ang magiging tema ng inyong relasyon sa ngayon. Ito ay dahil marami ang makikisawsaw sa konting problema na inyong pinagdaraanan kaya magkakaroon kayo ng pagkalito kung sino ang dapat ninyong pakinggan sa halip na ang isa’t-isa.

Masuwerteng numero; 11 & 21

AQUARIUS

Malabo pa ring matupad ang inyong mga plano dahil sa kinakaharap na pandemya. Apektado pa rin ang inyong pagsasama pero hindi kayo bibitaw. Mananatili kayong tapat at nagmamahal sa isa’t-isa kahit magkalayo kayo ngayon.

Masuwerteng numero; 52 & 64

PISCES

Malaking tulong sa inyong pagsasama ang pananalig nyo sa Diyos. Kaya gaano man kabigat ang pinagdadaanan ng relasyon  nyo ngayon ay hindi nyo ito masyadong mararamdaman dahil ginagabayan kayo ng paniniwala nyo sa Maykapal.

Masuwerteng numero; 36 & 39

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here