Love Horoscope Agosto 7, 2022

ARIES

Para sa’yo ay hindi pa ito ang panahon para ayawan  mo inyong relasyon. Marami ka pang nais gawin para mabalik ang saya at tamis ang takbo nito. Gusto mo pa rin maramdaman ang pagmamahal niya kahit pa alam mong impossible na.

Masuwerteng numero; 9 & 15

TAURUS

Sa kabila ng napakarami niyang magandang katangian ay hindi mo din maibibigay sa kanyang ang iyong puso, mangingibabaw pa rin sayo ang takot na muling mag mahal dahil sa masakit na kabiguan sa pag-ibig na pinagdaanan.

Masuwerteng numero; 20 & 30

GEMINI

Isang bagong pag-ibig ang uusbong sa iyong puso sa taong alam mong hindi na maaari. Ngunit ang suwail mong puso ayaw paawat kaya naman ihanda ang sarili sa isa nanamang kabiguan.

Masuwerteng numero; 8 & 9

CANCER

Buong akala mo ay katapusan na ng ng inyong pag-iibigan. Ngunit isang pangyayari ang hindi mo inaasahan, dahil sa araw na ito ay muling mag-iinit ang pagtitinginan nyo dahil sa isang mahalagang kaganapan. Ikatutuwa nyo ito pareho.

Masuwerteng numero; 15 & 30

LEO

Matutuwa ka malaking pagbabago makikita mo sa iyong karelasyon. Matagal mo na itong pinagdarasal,at ngayon ang labis ang kasiyahan mo sa nakita mong pagbabago niyang ito.

Masuwerteng numero; 4 & 6

VIRGO

Hindi man siya magsalita ngunit  alam at ramdam mong  nabago sa damdamin niya para sa’yo.Wala ang ang dating lambing at tamis ng kanyang salita at ngiti. Ayaw mo gustong mangyari ito kaya ngayon pa lang ay gagawa ka na ng paraan upang hindi siya tuluyang mawala sa’yo.

Masuwerteng numero; 17 & 21

LIBRA

Ngayon mo mapagtatanto na kahit gaano mo pa kamahal ang isang tao ay hindi ma din mapipigilan ang mangyayari na takda ng kapalaran,yung kahit ayaw mo siyang pakawalan ay wala kang magagawa kundi umiyak na lamang.

Masuwerteng numero; 4 & 7

SCORPIO

Walang problema sa’yo kahit pa maging single ka forever. Kisa naman in relationship ka nga ngunit puro sakit lang sa ulo at puso ang iyong matatamo.

Masuwerteng numero; 8 & 18

SAGITTARIUS

Magiging madali na sa’yo ngayon ang magmove on dahil alam mong hindi ikaw ang nagkamali at nagtaksil sa inyong relasyon, kaya naman taas noo mo itong ipagmamali sa kanya, at sa isip mo hindi ikaw ang nawalan kundi siya

Masuwerteng numero; 15 & 20

CAPRICORN

Magugulat ka dahil hindi mo sukat akalain na magagawa kang pakawalan ng taong ang akala na  ay labis ang pagpapahala at  pagmamahal sa’yo. Ngunit ngayon ay basta basta kanalang binabaliwa at iiwan.

Masuwerteng numero; 16 & 21

AQUARIUS

Kung kayong magkarelasyon  ang masusunod ay ayaw ninyo na magkalayo kayo sa isat isa. Pero wala kayong magagawa kung ito ang nais ng tadhana para sa inyo. Magpapatangay ka na lang sa agos ng inyong kapalaran.

Masuwerteng numero; 14 & 28

PISCES

Isang tao ang labis na magpapakilig sayo, nadadala ka sa tamis ng kanyang mga salita. Ngunit wag agad agad bumigay baka sa huli ay muli ka lamang luluha,

18 & 27

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here