Love Horoscope Agosto 6, 2022

ARIES

Magiging magaan lang ang inyong relasyon para sa araw na ito. Ikaw ay walang anumang iintindihin at aalahanin. Magiging payapa ang inyong pagmamahalan sa loob ng inyong tahanan.

Masuwerteng numero; 5 & 10

TAURUS

Walang mangyayari sa away na magaganap sa inyo. Hindi ikaw at hindi rin siya ang mananalo kundi pareho kayong walang mapapala dahil pareho kayong apektado. Kapwa hindi nyo mapipigilan ang bugso ng inyong damdamin.

Masuwerteng numero; 7 & 14

GEMINI

Wala kang magagawa kundi magbigay daan at hayaan siyang lumayo sa’yo. Ayaw mo sa lahat ang naghahabol ka hindi Ito kaya ng pride mo. Hindi mo gusto ang nararamdaman na para kang namamalimos ng pagmamahal sa ibang tao. Kaya naman take it or leave ang nais mo.

Masuwerteng numero; 18 & 20

CANCER

Isang dating minahal ang magpaparamdam sa’yo sa araw na ito. Ang isang mensahe niya ay makapagdudulot na agad sa’yo ng isang libo’t isang tuwa. Maski sa sarili mo ay hindi mo ito makakayang ipaliwanag.

Masuwerteng numero; 17 & 29

LEO

Hindi mo pa rin siya nakakalimutan. Sa kabila ng inyong mga pinagdaanan ay nananatili siya sa puso mo. Kaya naman hindi mo maiwasan na kumustahin siya sa araw na ito na hindi maganda ang sitwasyon ng lahat.

Masuwerteng numero; 16 & 19

VIRGO

Sa pagkakataong ito ay hindi mo na mapipigilan ang sarili mo na ipakita ang iyong pagseselos. Kung noong mga nakaraang araw ay nakakapagpigil ka pa, ngayon ay hindi mo na kakayanin at mapupuno ka na at hindi mo na makokontrol ang inis.

Masuwerteng numero; 8 & 21

LIBRA

Hindi mo mapipigilan na maiyak sa iyong malalaman. Tears of joy sa pagkakataong ito dahil malalaman mo na sa kabila ng hindi maganda niyang ipinapakita sa’yo ay may concern pa rin siya at mahal ka pa rin niya.

Masuwerteng numero; 6 & 9

SCORPIO

Yung inaakala mo na wala ka ng kahit katiting na nagmamahal sa tao, ngayong araw na muli mo siyang masisilayan sa social media ay may kakaibang saya kang mararamdaman kahit pa wala naman kayong komunikasyon.

Masuwerteng numero; 33 & 34

SAGITTARIUS

Mare-realize mo ngayong araw na ito ang nagawa mong hindi mabuti sa kanya. Kaya naman ang buong araw mo ay mauubos lamang sa pag-iisip ng dapat gawin kung paano ka makakabawi sa kanya at makita siyang masaya.

Masuwerteng numero; 28 & 29

CAPRICORN

Makakaramdam ka ng hindi maalis alis na kalungkutan sa araw na ito dahil aakalain mo na gumagawa siya ng paraan para lumayo sa’yo. Marami kang gustong sabihin at linawin sa kanya na hindi mo malilinaw ngayong araw na ito.

Masuwerteng numero; 2 & 4

AQUARIUS

Sa gitna ng hindi magandang nangyayari sa paligid ay maaalala mo ang isang dating minahal kaya naman maiisipan mo siyang kumustahin. Magiging masaya kang ipaalam sa kanya na maayos ang iyong kalagayan at iyon din ang hinahangad mo sa kanya.

Masuwerteng numero; 3 & 29

PISCES

Magkakaroon ka ng kapanatagan ngayong araw na ito dahil sa wakas ay matatahimik ng bahay ang iyong mahal. Magkakaroon siya ng pahinga at ng oras sa iyo

Masuwerteng numero; 14 & 24

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here