Love Horoscope; Agosto 4

1415

ARIES

Kahit napatawad mo na ang iyong karelasyon ay hindi mo pa ring magagawang kalimutan agad agad ang naging kasalanan niya sa’yo. Maiisip mo pa rin ito at hindi mo maiiwasang ma-bad trip sa tuwing maaalala mo.

Masuwerteng numero; 47 & 58

TAURUS

Ang pagbabakasakali mo na mahalin niya ang siyang maglalagay sa’yo sa isang alanganing sitwasyon. Mas magiging kumplikado pa ito ng higit sa inaasahan mo kapag ipinagpatuloy mo ang pag-asam sa hindi dapat.

Masuwerteng numero; 30 & 31

GEMINI

Love is all that matter. Iyan ang pareho ninyong pinaniniwalaan at paninindigan kaya naman wala kayong pakialam sa ibang bagay na makakaapekto sa inyong relasyon. Mas nakatuon kayo sa pag-ibig nyo para sa isa’t-isa.

Masuwerteng numero; 18 & 21

CANCER

Maigsi ang pasensya mo pero handa mo itong habaan at lawakan pa ang iyong pang-unawa para sa iyong mahal. Alam mo na higit kailanman ay ngayon niya kailangan ang pag-intindi mo at pananatili sa tabi niya.

Masuwerteng numero; 56 & 67

LEO

Hindi magiging balakid sa pagmamahalan nyo ang usaping pinansiyal. Dumaraan man kayo ngayon sa matinding kagipitan ay mananatili kayong matatag at matibay. Sa halip ay magkatuwang kayong hahanap ng solusyon.

Masuwerteng numero; 7 & 16

VIRGO

Ikakatuwa mo ang pananatili ng iyong mahal sa tabi mo para samahan ka sa iyong pinagdaraanan kahit pa alam mo na meron din siyang sariling problema na kailangan din niyang bigyan ng solusyon. Mas inaalala ka niya.

Masuwerteng numero; 8 & 15

LIBRA

Hindi mo man gusto pero kailangan mong gawin. Kailangan mong pakawalan ang iyong mahal para sa katuparan ng kanyang pangarap. kahit pa maging masakit ito sa’yo ay wala ka namang mapagpipilian na ibang option.

Masuwerteng numero; 85 & 88

SCORPIO

Yung akala mo ay happily ever after na ang lovelife mo ay bigla na lang magkakaroon ng twist at ang maganda ninyong pagsasama ngayon ay mauuwi na naman sa isang masalimuot at sanga-sangang problema.

Masuwerteng numero; 72 & 73

SAGITTARIUS

Ibinigay mo na ang lahat pero hindi pa ito sasapat para sa kanya. Palagi siyang may hahanapin na kulang sa inyong relasyon. Hindi man niya ito sabihin sa’yo ay mararamdaman mo naman sa kanyang kilos at salita.

Masuwerteng numero; 23 & 25

CAPRICORN

Pagkatapos ng mga problema ng inyong relasyon ay ngingiti ka na ngayon. Dahil sa paggising mo ay nasa tabi mo pa rin siya na tulad mo ay hindi sumuko para sa inyong dalawa. Magiging masaya na rin kayo ngayon sa wakas.

Masuwerteng numero; 30 & 42

AQUARIUS

Huwag mong asahan ang kanyang pangako. Sa dami ng pangako na binitawan niya sa’yo noon ay wala pang natupad maski isa at wala itong kaibahan sa pangako na iniwan niya sa’yo ngayon. Dapat ka ng magising sa katotohanan.

Masuwerteng numero; 15 & 18

PISCES

Ang pagdududa mo nitong mga nakaraang araw ay magkakaroon ng basehan ngayon. Kaya naman hindi mo na mapipigilan ang sarili mo na magreact at komprontahin siya tungkol dito. Ibubuhos mo ang sama ng loob sa kanya.

Masuwerteng numero; 90 & 94

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here