Love Horoscope; Agosto 16

2848

ARIES

May magandang idudulot sa’yo ang pakikipaghiwalay mo sa iyong karelasyon. Sa wakas ay mabibigyan mo na rin ng atensyon ang iyong sarili na halos nakaligtaan mo na mula nang pumasok ka sa pakikipagrelasyon sa maling tao.

Masuwerteng numero; 45 & 53

TAURUS

Dahil lamang sa patuloy na pag-uudyok ng ibang tao ay papasok ka sa isang relasyon na walang kasiguraduhan. Dapat mong ihanda ang iyong sarili hindi lang sa magaganda kundi maging sa mga hindi kanais nais na posibleng mangyari sa inyong biglaang relasyon.

Masuwerteng numero; 13 & 16

GEMINI

Malaking bagay para sa’yo ang mga tulong na naibibigay ng iyong kapareha maging sa iyong mga kamag-anak. Naa-appreciate mo ang pagkukusang loob niya na tumulong sa kanila alang-alang sa inyong pinagsasamahan ngayon. ©PhilippineOne.com  2020

Masuwerteng numero; 50 & 60

CANCER

Hindi mo maiiwasan na hindi mag-alala dahil sa muling pagtatrabaho sa malayo ng iyong kapareha. Bukod sa pandemya ay inaalala mo rin ang mismong kalagayan niya sa bagong trabaho pero wala kang magagawa kundi ang ipagdasal siya.

Masuwerteng numero; 20 & 23

LEO

Haharap kayo ngayon ng iyong kinakasama sa kagipitan. Kahit ayaw nyo ay mapipilitan kayong humiram ng pera sa isang malapit na kamag-anak. Wala kang dapat ipag-alala dahil hindi ka naman niya magagawang tanggihan.

Masuwerteng numero; 14 & 24

VIRGO

May malaking pabor na hihilingin sa’yo ang iyong karelasyon. Hindi mo ito agad-agad na maibibigay  sa kanya dahil malaking bagay ito at maaapektuhan ang iyong trabaho kaya pag-iisipan mo muna itong mabuti.

Masuwerteng numero; 55 & 75

LIBRA

Maguguluhan ka sa iyong sariling damdamin. Sa araw na ito ay matatanong mo ang sarili kung pagmamahal pa nga ba ang nararamdaman mo sa iyong kapareha o awa na lang. Sa tingin mo ay nagiging unfair ka na sa kanya.

Masuwerteng numero; 40 & 80

SCORPIO

Dahil sa pakikinig mo sa sinasabi ng ibang tao ay magkakaroon ng lamat ang relasyong nyo ng iyong mahal. Hindi niya magugustuhan na mas pinaniniwalaan mo ang ibang tao kaysa sa kanya na karelasyon mo.

Masuwerteng numero; 51 & 61

SAGITTARIUS

Tahimik at payapa ang buhay pag-ibig mo ngayon. Ito naman talaga ang gusto mong mangyari dahil ayaw mo na rin munang ma-stress kaya hahayaan mo na lang ang iyong tadhana kung saan nito dalhin ang inyong relasyon. ©PhilippineOne.com  2020

Masuwerteng numero; 17 & 19

CAPRICORN

Dahil sa pagpiling gagawin mo sa dalawang nagmamahal sa’yo ay meron kang masasaktan. Pero wala ka namang magagawa dahil hindi naman pwedeng dalawa silang mahalin mo kaya tama lang ang iyong desisyon.

Masuwerteng numero; 9 & 18 ©PhilippineOne.com  2020

AQUARIUS

Sa ngayon ay mas pipiliin mo muna na mag-isa. Habang hinihintay mo ang tamang tao para sa iyong puso ay aabalahin mo muna ang sarili sa pagkakawanggawa at sa pagpapatuloy mo sa nasimulan mong karera.

Masuwerteng numero; 76 & 87

PISCES

Hindi ka na mahihirapan sa iyong buhay dahil mula ngayon ay meron ng sasalo sa’yo. Makakasama mo na siya sa hirap at ginhawa. Anumang problema ang kaharapin mo ay asahan mo na dalawa kayong haharap dito.

Masuwerteng numero; 15 & 28

 

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here