Love Horoscope; Agosto 15

697

ARIES

Iwasan ang padalos dalos na pagpapasya. Dahil sa ugali mong ito ay malaki ang posibilidad na malagay ka sa sitwasyon na pagsisisihan mo lalo na sa usaping pag-ibig na mahirap ng ibalik kapag nawasak na ang pundasyon.

Masuwerteng numero; 16 & 18

TAURUS

May magpaparamdam sa’yong bagong pag-ibig. Pero hangga’t maaari ay ayaw mo muna itong patulan o bigyan ng atensyon dahil ramdam na ramdam mo pa ang sakit na dulot ng nakaraan mong pagkabigo sa pag-ibig.

Masuwerteng numero; 20 & 30

GEMINI

Darating ka sa point na gusto mo ng sukuan ang iyong karelasyon. Pero sa iyong pagmumuni-muni  ay maiisip mo rin na hindi pa ito ang tamang panahon na iwanan siya kung kailan may mabigat siyang pinagdadaanan.

Masuwerteng numero; 40 & 41

CANCER

May mahalagang bagay kang matututunan mula sa iyong karelasyon. May kinalaman ito sa tamang pagba-budget ng pera upang hindi ka kapusin sa kabila ng maliit mong kinikita. Kaya naman lalo kang mapapahanga sa kanya.

Masuwerteng numero; 24 & 30

LEO

Huwag magpapadala sa matamis na dila ng isang mangingibig. Ang bawat katagang bibitawan niya ay magpapakilig sa’yo subalit hindi siya seryoso tulad ng iniisip mo kaya mag-ingat at makinig sa payo ng mga kaibigan.

Masuwerteng numero; 55 & 67

VIRGO

Hindi mo kailanman nais na masaktan ang iyong kapareha. Subalit sa kabila nito ay kakailanganin mo pa ring magpasya tungkol sa isang mahalagang usapin na makakaapekto ng labis sa inyong iniingatang relasyon. ©PhilippineOne.com  2020

Masuwerteng numero; 26 & 34

LIBRA

May lilitaw na third party sa inyong pagsasama. Pero huwag masyadong mabahala dahil kung gaano kabilis itong pumasok sa inyong relasyon ay ganito kabilis din itong lalabas at maglalaho na parang bula. Kailangan lang na maging matatag. ©PhilippineOne.com  2020

Masuwerteng numero; 19 & 21

SCORPIO

Ilan beses mo ng sinabi na paniniwalaan mo lang ang iba kung may ipapakita silang ebidensya kaugnay ng bintang nila sa iyong kapareha. Pero ngayon na makikita mo na ang ebidensya ay mangingibabaw pa rin ang pagmamahal mo sa kanya.

Masuwerteng numero; 69 & 77

SAGITTARIUS

Ito na ang tamang pagkakataon para pumili ka sa dalawang tao na parehong nagmamahal sa’yo ng labis. Tapos na ang pagsubok na ibinigay mo sa kanila at alam mo na ring kung sino sa kanila ang dapat mong piliin.

Masuwerteng numero; 10 & 12

CAPRICORN

Ikakatuwa mo ang sorpresang inihanda ng iyong kapareha para sa’yo. Hindi mo ito inaasahan dahil sa dami ng problemang kinakaharap nyo ngayon ay hindi mo na naiisip na i-celebrate ang inyong anibersaryo. ©PhilippineOne.com  2020

Masuwerteng numero; 35 & 49

AQUARIUS

Sa kabila ng takot na nararamdaman mo dahil sa mga problemang kinakaharap nyo ay asahan mo na hindi ka pababayaan ng iyong asawa. Hindi niya hahayaan na patuloy kang mahirapan sa inyong kalagayan.

Masuwerteng numero; 15 & 30

PISCES

Mas nanaisin mo pang manatiling single habambuhay kaysa maugnay ang iyong pangalan sa isang tao na mayroon ng sariling pamilya. Bagamat hinahangaan mo siya ay hanggang doon na lamang ang nais mo at wala ng mas higit pa.

Masuwerteng numero; 54 & 65

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here