Love Horoscope; Agosto 14

971

ARIES

Ikalulungkot mo ang pagtatrabaho sa malayo ng iyong kapareha. Pero kahit gaano ka man malungkot ay wala ka ring magagawa kundi tanggapin ang bago ninyong sitwasyon kasya naman mawalan siya ng trabaho.

Masuwerteng numero; 4 & 29

TAURUS

Hindi ka mapapalagay dahil sa nakaraan ninyong pag-aaway ng iyong karelasyon. Sa araw na ito ay mapagmumuni-munihan mo ang buong pangyayari at pakaiisipin mo kung saang bahagi ka nga ba nagkamali.

Masuwerteng numero; 26 & 30

GEMINI

Kahit papa’no ay mababawasan ang bigat ng problemang dinadala mo dahil sa magiging pagsaklolo sa’yo ng iyong karelasyon. Magagawa niyang solusyunan ang ilan sa mga kinakaharap mong problema at ipagpapasalamat mo ito sa kanya.

Masuwerteng numero; 56 & 70

CANCER

May ilang bagay kang hindi mauunawaan tungkol sa inyong pagsasama. Mararamdaman mo na parang may mali na dapat kang ayusin sa pagitan nyo. Bago ang ibang problema ay ito muna ang hahanapan mo ng solusyon.

Masuwerteng numero; 18 & 28

LEO

Kahit pa anong gawin mong pagsusumamo sa iyong mahal ay wala ka na ring magagawa. Buo na ang kanyang pasya na tapusin ang inyong relasyon. Mas makakabuti kung hahayaan mo na lang siya alang-alang sa sariling dignidad.

Masuwerteng numero; 46 & 57

VIRGO

May bago kang makikilala na muling magiging dahilan ng iyong pagngiti. Gusto mo ang ganitong pakiramdam kaya lalaruin mo muna ito sa puso’t isipan mo. Ayaw mong magmadali para lamang magkamali. ©PhilippineOne.com  2020

Masuwerteng numero; 31 & 35

LIBRA

Magdadalawang isip ka na ayusin pa ang inyong relasyon dahil sa iyong mga pangamba na baka maulit lang muli ang mga pinagdaanan nyo. Bagamat may pagmamahal ka pa sa kanya ay mangingibabaw pa rin ang takot sa puso mo. ©PhilippineOne.com  2020

Masuwerteng numero; 16 & 27

SCORPIO

Ang pagmamalasakit mo sa ibang tao ay mabibigyan ng ibang kulay ng iyong kapareha. Magiging dahilan ito ng kanyang insekyuridad at pagseselos. Mahihirapan kang magpaliwanag sa kanya dahil nabubulagan siya sa sariling paniniwala.

Masuwerteng numero; 40 & 51

SAGITTARIUS

Ang mga hindi nyo pagkakaintindihan nitong mga nakaraang araw ay matutuldukan na rin ngayon. Ito ay dahil sa tulong ng isang nagmamalasakit na kaibigan na siyang mamamagitan para magkaayos kayong dalawa.

Masuwerteng numero; 26 & 34

CAPRICORN

Walang pagsisidlan ang iyong tuwa ngayon dahil sa magandang balitang matatanggap mula sa isang kaibigan tungkol sa damdamin ng tao na lihim mong minamahal. Malalaman mo na rin sa wakas na pareho lang kayo ng nararamdaman. ©PhilippineOne.com  2020

Masuwerteng numero; 37 & 38

AQUARIUS

Hindi magiging madali sa’yo na iwanan ang tao na minahal mo ng ilang taon. Masyadong matagal ang naging pagsasama nyo para itapon mo lang pero nahihirapan ka na rin naman sa kasalukyan ninyong sitwasyon. ©PhilippineOne.com  2020

Masuwerteng numero; 63 & 72

PISCES

Magiging mailap pa rin ang suwerte sa pag-ibig kaya magpapasya ka na ituon muna sa ibang bagay ang iyong atensyon. Ayaw mo na ring umasa sa isang tao na hindi naman nagpapahalaga sa mga effort na ipinapakita mo.

Masuwerteng numero; 25 & 30

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here