Love Horoscope; Agosto 13

1343

ARIES

Madudulas kang sabihin sa isang tao kung sino ang iyong lihim na minamahal. Hindi lubos ang tiwala mo sa kanya kaya naman mangangamba ka para sa iyong sikreto. Hindi ka mapapalagay sa araw na ito at sa mga susunod pa.

Masuwerteng numero; 45 & 50

TAURUS

Magkakaroon ka ng pagkakataon ngayon na iwanan siya pero hindi mo pa rin magagawa. May kung anong pumipigil sa’yo na gawin ito kaya babalik ka lang sa paninimbang kung ano nga ba ang dapat at hindi mo dapat gawin sa inyong pagsasama. ©PhilippineOne.com  2020

Masuwerteng numero; 15 & 23

GEMINI

Magiging palaisipan sa’yo hindi lang ang kanyang mga pananalita kundi maging ang kanyang kilos nitong mga nakaraang araw. Ayaw na ayaw mo na nag-iisip ka kaya sa araw ding ito ay tatanungin mo ng direkta ang iyong kapareha kung ano nga ba ang problema.

Masuwerteng numero; 16 & 19

CANCER

Malakas pa rin ang dating mo sa iyong ex kaya’t hindi niya mapipigilan ang sarili na muling ma-attract sa’yo kahit pareho na kayong taken ngayon. Ikaw na lang mismo ang iiwas dahil hindi mo na gusto na magkaroon pa ng kaugnayan sa kanya. ©PhilippineOne.com  2020

Masuwerteng numero; 34 & 37

LEO

Kahit anong iwas pa ang gawin mo ay masasaktan at masasaktan ka pa rin. Dahil kahit anong mangyari ay hindi mo mababago ang katotohanan na pag-aari na siya ng iba at matibay ang nagbibigkis sa kanila kaya magiging panakip butas ka lang kapag ipinagpatuloy mo pa rin.

Masuwerteng numero; 69 & 75

VIRGO

May mahalaga kang natutunan mula sa nagdaang pag-ibig kaya naman i-aapply mo ito ngayon sa bago mong relasyon. Takot ka ng mabigo. Hindi mo na uulitin ang mga nakaraang pagkakamali upang hindi magsisi sa huli.

Masuwerteng numero; 6 & 18

LIBRA

Bibigyan mo ulit siya ng ikalawang pagkakataon na mahalin ka. At sa pagkakataong ito ay hindi ka na magiging sunud sunuran sa kanya. Plano mo na ikaw na ngayon ang masunod sa inyong relasyon sa ayaw niya at sa gusto. ©PhilippineOne.com  2020

Masuwerteng numero; 10 & 20

SCORPIO

Hindi mo pa magagawang harapin ang iyong mahal dahil sa nagawa mong pagkakamali sa kanya. Nahihiya ka pa ni magpakita sa kanya kaya wala ka pa ring lakas ng loob na ituwid ang iyong nagawang mali.

Masuwerteng numero; 54 & 63

SAGITTARIUS

Makakaramdam ka ng depresyon dahil sa mga hindi magandang pangyayaring pinagdaraanan mo ngayon. Pero huwag kang mag-alala dahil hindi ka mag-iisa. Mananatili sa tabi mo ang iyong kapareha kahit na anong mangyari.

Masuwerteng numero; 17 & 21

CAPRICORN

May bagong pag-ibig na uusbong mula sa bagong pinagtatrabahuhan. Pero para sa’yo ay masyado pang maaga para bigyan ito ng pansin. Hahayaan mo na lang muna na kusa itong umusbong at mag grow kung talagang para sa’yo ito.

Masuwerteng numero; 58 & 68

AQUARIUS

Ang pagsisikap mo at pagtitiyaga na mapalapit sa taong lihim mong iniibig ay magkakaroon na rin ng magandang bunga. Sa wakas ay mapapansin na rin niya niya ang effort at pagmamalasakit mo para sa kanya.

Masuwerteng numero; 5 & 10

PISCES

Hindi pagmamahal kundi awa na lang ang nararamdaman mo para sa kanya kaya’t patuloy ka pa ring nakikisama. Pero kung ikaw ang papipiliin ay mas gusto mo na makahanap siya ng tao na deserve ang pagmamahal niya. ©PhilippineOne.com  2020

Masuwerteng numero; 27 & 28

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here