Love Horoscope; Agosto 12

1336

ARIES

Dahil medyo matagal na rin mula nang huli kang makipagrelasyon kaya kasasabikan mo ngayon ang isang tao na magbabalik ng ngiti sa labi mo. Gugustuhin mo na makita at makausap siya sa madalas na pagkakataon.

Masuwerteng numero; 15 & 25

TAURUS

Maling pag-ibig ang magpapagulo ngayon sa puso’t isipan mo. Hindi mo gusto na magkaroon ka ng kaugnayan sa isang tao na pamilyado na pero ito ang itinakda sa’yo ng kapalaran na mahihirapan kang iwasan. ©PhilippineOne.com  2020

Masuwerteng numero; 8 & 19

GEMINI

Ang plano mo na makipagbati sa iyong karelasyon ay mauudlot ngayong araw dahil hindi ka magkakaroon ng pagkakataon na makita o makausap man lang siya kahit sa phone o messenger. Kaya ipagpapaliban mo na lang muna ito.

Masuwerteng numero; 40 & 50

CANCER

Kahit na anong gawin mo ay hindi mo maiaalis sa iyong kapareha ang pagmamahal niya sa’yo. Kahit pa magsawa ka na sa kanya at gustuhin mo na makipagbreak ay mahihirapan kang gawin dahil sa labis niyang pagmamahal sa’yo.

Masuwerteng numero; 47 & 58

LEO

Ngayong araw ay may mapapatunayan ka sa isa sa mga hinala mo sa iyong asawa. Kaya naman magdidilim ang paningin mo. Pero bago ka pa man makagawa ng hindi maganda ay magagawa mo namang kontrolin ang iyong sarili.

Masuwerteng numero; 13 & 69

VIRGO

Mag-ingat sa mga taong nakikilala mo sa internet. Malaki ang posibilidad na ma-attract ka sa kanyang matatamis na salita gayundin sa mga impormasyon na ibibigay niya sa’yo tungkol sa kanya. Mahirap ma-fall sa hindi pa lubusang kilala.

Masuwerteng numero; 7 & 8

LIBRA

Huwag magpadalos dalos sa pagdedesisyon lalo na kung ito ay tungkol sa usaping pag-ibig. Malaki ang posibilidad na sa pagkakataong ito ay muli ka na namang mabigo kaya maging maingat at mapag-obserba.

Masuwerteng numero; 24 & 37

SCORPIO

May sayang hatid ang araw na ito sa inyo ng iyong karelasyon. Magiging smooth sailing ang inyong pagsasama at magkakaroon kayo ng sweet bonding sa kabila ng mga problemang kinakaharap nyo sa pamilya.

Masuwerteng numero; 68 & 73

SAGITTARIUS

Magiging mailap pa ang suwerte sa pag-ibig. May magpaparamdam pero hindi mo mararamdaman ang kanyang sinseridad kaya mananatili kang nakadistansya sa kanya. Tama ang iyong ginagawang pag-iingat.

Masuwerteng numero; 10 & 20

CAPRICORN

Maging alerto sa mga tao na pinagkakatiwalaan ninyong mag-asawa. May isang nagnanais sumira ng maganda nyong pagsasama para makasingit siya kaya talasan ang pakiramdam lalo na iyong mga pinapatuloy sa inyong tahanan. ©PhilippineOne.com  2020

Masuwerteng numero; 14 & 41

AQUARIUS

Kahit nangako ka na sa sarili mo na hinding hindi ka na makikipagbalikan sa kanya, ngayong araw ay kakainin mo ang iyong mga salita. Iba pa rin ang mararamdaman mo para sa kanya sa muli niyang paglapit sa’yo.

Masuwerteng numero; 29 & 38

PISCES

Huwag ka munang bumitaw. May pag-asa pa na magkaayos kayo ng iyong kinakasama dahil tunay ang pagmamahal nyo sa isa’t-isa. Sadyang hindi lang maiiwasan ang mga pagsubok pero sa isa’t-isa pa rin kayo magiging masaya. ©PhilippineOne.com  2020

Masuwerteng numero; 23 & 24

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here