Love Horoscope; Agosto 11

1482

ARIES

Kahit wala kang ginawang masama sa kanyang likuran ay obligasyon mo pa ring magpaliwanag sa iyong karelasyon tungkol sa kanyang mga nabalitaan tungkol sa’yo. Handa naman siyang makinig sa sasabihin mo.

Masuwerteng numero; 28 & 35

TAURUS

Wala ka ng mahihiling pa sa kinakasama mo ngayon. Nasa kanya na ang lahat ng katangiang hinahanap mo sa isang tao na gusto mong makasama sa habambuhay. Pero makakaramdam ka ng kakulangan na hindi mo pa masagot sa sarili mo.

Masuwerteng numero; 6 & 9

GEMINI

Sa wakas ay mabibigyang katuparan na rin ng iyong kapareha ang matagal na niyang ipinangako sa’yo. Isang bagay na gustong gusto mo kaya naman magiging happy ka sa buong maghapon na ito hanggang sa mga susunod pang araw.

Masuwerteng numero; 11 & 13

CANCER

Dahil sa msasakit na salitang mabibitawan sa’yo ng iyong mahal ng hindi sinasadya ay mawawalan ka ng kumpiyansa sa iyong sarili. Matatanong mo sa sarili mo kung meron ka nga bang kakayahan na ipagpatuloy ang iyong ginagawa. ©PhilippineOne.com  2020

Masuwerteng numero; 7 & 19

LEO

Malaking bagay para sa’yo at sa iyong pamilya ang maibibigay na tulong ng iyong karelasyon. Ikatutuwa mo ito pero hindi pa rin maiiwasan na may ilang miyembro ng iyong pamilya ang hindi pa rin masaya para sa’yo.

Masuwerteng numero; 56 & 57

VIRGO

Hindi magugustuhan ng iyong kapareha ang gagawin mong pagdedesisyon ng mag-isa. Lalo na at mahalagang issue para sa inyo ang pinagpasyahan mo nang hindi siya kinokonsulta. Kaya sasama ang loob niya sa’yo.

Masuwerteng numero; 42 & 48

LIBRA

Malilito ka kung sino sa dalawang tao na nagpapakita ng interes sa’yo ang bibigyan mo ng pansin. Kakailanganin mo ang tulong ng mga kaibigan upang malaman kung sino sa kanila ang tunay ang nararamdaman para sa’yo.

Masuwerteng numero; 40 & 50

SCORPIO

Wala kang pakialam kung patuloy man na maging mailap sa’yo ang suwerte pagdating sa pag-ibig. Mas okay sa’yo na wala kang stress kaugnay nito nang sa gayon ay makapagpokus ka lang ng mabuti sa iyong trabaho.

Masuwerteng numero; 15 & 31

SAGITTARIUS

Hindi mo alam kung bakit, paano at kailan pa siya naging sweet sa’yo. Basta mamamalayan mo na lang ang labis niyang pag-aalala para sa’yo lalo na kapag pauwi ka na sa inyo. Magiging palaisipan ito dahil wala naman siyang binabanggit na maski ano. ©PhilippineOne.com  2020

Masuwerteng numero; 19 & 23

CAPRICORN

Hindi mo maiiwasan na ma-attract sa isang tao dahil sa angkin niyang talento. Ito ang pangarap mong gawin at nakita mo na napakahusay niya rito kaya naman unti-unting mapapalapit ang loob mo sa kanya mula sa araw na ito.

Masuwerteng numero; 1 & 4

AQUARIUS

Sasakit ang ulo ng iyong kapareha sa kakaselos mo na kadalasan ay wala sa lugar. Sa araw na ito ay mapupuno na siya sa’yo kaya mas pipiliin na lang niya na dumistansya kaysa makipagtalo pa sa’yo ng walang kawawaan.

Masuwerteng numero; 25 & 37

PISCES

Maiinis ka sa mga tao na palaging nakikialam sa inyong relasyon. Kaya naman mula sa araw na ito ay magkakasundo kayo ng iyong mahal na maging tahimik na lang sa kahit na anong nangyayari sa inyong relasyon.

Masuwerteng numero; 78 & 80 ©PhilippineOne.com  2020

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here