Love Horoscope; Agosto 10

1458

ARIES

May makikilala ka ngayon na magpapasakit ng iyong ulo sa mga darating na araw. Siya ang magiging dahilan para makadama ka ng panlalamig sa iyong kasalukuyang kapareha. Mahirap sa usaping puso ang pagdaraanan mong ito.

Masuwerteng numero; 20 & 27

TAURUS

Sa isang sulyap pa lang niya ay para ka ng natutunaw. Lalo na kung makakasama mo siya sa iisang departamento sa trabaho na lagi kayong magkakaroon ng pagkakataon na magkita at magkausap. Makakadama ka ng labis na kilig.

Masuwerteng numero; 14 & 27

GEMINI

Iba ang magiging dating sa’yo ng pagiging sweet at caring sa’yo ng isang tao. Hindi mo maiiwasang isipin na espesyal ka sa kanya. Gayunpaman, susubukan mo pa ring kontrolin ang iyong sarili na mag-assume dahil ayaw mong magkamali.

Masuwerteng numero; 30 & 40

CANCER

Hindi man magsalita ang iyong kapareha ay mararamdaman mo ang kanyang depresyon dahil sa mga nangyayari sa kanya ngayon na hindi maganda. Kaya naman babantayan mo ang kanyang mga kilos para matulungan siya.

Masuwerteng numero; 56 & 69

LEO

Kahit matagal na kayong nagkalayo at nawalan ng komunikasyon ay siya pa rin ang hahanap hanapin ng puso mo. Sa muli mong pagkakita sa kanya sa social media ay makakaramdam ka ng kasiyahan kahit pag-aari na siya ng iba. ©PhilippineOne.com  2020

Masuwerteng numero; 74 & 78

VIRGO

Kung dati ay wala kang panahon sa pag-ibig, mas lalo pa ngayon na sa gitna ng pandemya ay nahihirapan kang makisabay sa agos. Mas pipiliin mo pa rin na mag-isa na walang ibang iintindihin at poproblemahin kundi ang sarili.

Masuwerteng numero; 25 & 38

LIBRA

Muli kang iiyak nang dahil sa pag-ibig. Pero kahit ilang beses ka pang masaktan ay hindi ka hihinto na magmahal. Patuloy ka pa ring magtitiwala sa pag-ibig dahil dito ka lang din nagkakaroon ng pagkakataon na maging masaya.

Masuwerteng numero; 51 & 59

SCORPIO

Dahil sa hindi inaasahang pangyayari ay mawawalan kayo ng komunikasyon ng iyong mahal. Natural lamang na makaramdam ka ng lungkot at pag-aalala sa kanya kaya sisikapin mo na muli kayong makapag-usap.

Masuwerteng numero; 7 & 14

SAGITTARIUS

Hindi mo matutupad ang pangako mo sa kanya dahil sa dami ng balakid ngayon. Kaya hindi lang siya ang malulungkot kundi maging ikaw din. Ayaw na ayaw mo pa naman nakakaramdam siya ng kalungkutan na ikaw ang may gawa. ©PhilippineOne.com  2020

Masuwerteng numero; 35 & 45

CAPRICORN

Noong nasa tabi mo siya ay hindi mo siya binibigyan ng atensyon na kailangan niya. Ngayong wala siya sa piling mo ay saka mo lamang mare-realize kung ano ang tunay niyang halaga para sa’yo na hindi mo agad nakita.

Masuwerteng numero; 2 & 9

AQUARIUS

Sa araw na ito ay mapapaisip ka kung mahal ka pa nga bang talaga ng iyong kapareha o hindi na. Hindi mo na kasi ito maramdaman na gaya ng dati kaya mag-uumpisa ka ng tubuan ng insekyuridad, selos at paghihinala.

Masuwerteng numero; 8 & 17

PISCES

Nagdesisyon ka na, na palagi mong uunahin ang kapakanan ng inyong relasyon kaysa anupamang bagay na makakasira lamang nito. Pagod ka na kasi sa pakikipag-away sa kanya kaya babaguhin mo naman ang iyong istilo. ©PhilippineOne.com  2020

Masuwerteng numero; 33 & 40

We add our copyright information to our articles because of Facebook thieves who steal PhilippineOne and partner articles without regard for our livelihoods or the livelihoods of Filipinos who benefit from our charities.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here