Love Horoscope; Abril 9

119

ARIES

Magkakaroon ka ng pagkakataon na kausapin ang iyong kapareha tungkol sa isang maselang bagay na may kinalaman sa inyong sexual relationship. Mawawala ang iyong pangamba dahil magiging maayos ang inyong pag-uusap.

Masuwerteng numero; 16 & 18

TAURUS

Isa sa mga dati mong minahal ang makikita mo sa internet. Awtomatikong magpa-flashback sa isip mo ang masasaya at mahihirap na sitwasyon na pinagdaanan ng inyong relasyon. Ngayon ay tatawanan mo na lang ito.

Masuwerteng numero; 50 & 60

GEMINI

Huwag kang magtaka kung lumayo man siya sa’yo. Marami kayong hindi pinagkakasunduan ultimong malilit na bagay. Kaya naman sa ayaw at sa gusto mo ay kakailanganin mo siyang pakawalan at pag-isipan na rin ang iyong pagkukulang.

Masuwerteng numero; 12 & 14

CANCER

Maraming beses mo nang pinalampas ang kanyang mga nagawang pagkakamali noon pa man. Subalit sa pagkakataong ito ay magdadalawang isip ka na. Hindi mo na makakayang balewalain ang isa na namang pagkakamali.

Masuwerteng numero; 11 & 22

LEO

Kapag mahal mo ang isang tao ay handa mo siyang ipaglaban sa kahit na sino. Hindi mahalaga sa’yo ang sasabihin ng iba as long as mahal mo siya at nararamdaman mo pa rin ang kanyang pagmamahal para sa’yo.

Masuwerteng numero; 45 & 51

VIRGO

Selos at pagdududa ang babalot sa iyong pagkatao sa buong maghapon at magdamag. Hindi ka magkakaroon ng katahimikan dahil sa iyong malalaman tungkol sa karelasyon mo at isang dating kaibigan.

Masuwerteng numero; 4 & 8

LIBRA

Makakasagutan mo ang iyong asawa dahil sa isang usapin na may kinalaman sa inyong mga kamag-anak. Alam mo na hindi ito magandang timing para sa ganitong pagtatalo pero hindi ninyo ito maiiwasan ngayon.

Masuwerteng numero; 35 & 40

SCORPIO

May bago kang matitipuhan. Pero alam mo na hindi mo ito dapat maramdaman dahil meron ka ng pananagutan. Sa araw na ito ay gagawin mo ang lahat para kalabanin ang tukso at ang sariling damdamin.

Masuwerteng numero; 13 & 26

SAGITTARIUS

Kahit na anong iwas mo sa kanya ay mananatili pa rin siya sa’yong puso’t isipan. Mananatili rin siya sa iyong tabi para ibigay ang suportang kailangan mo lalo na pagdating sa pinansiyal. Mahihirapan kang iwasan siya.

Masuwerteng numero; 8 & 18

CAPRICORN

Masaya ang magiging bonding nyo ng iyong mahal sa loob ng inyong tahanan. Dahil sa maganda nyong pagtitinginan ngayon ay magiging maaliwalas ang inyong paligid kaya naman hahatak ito ng suwerte papasok.

Masuwerteng numero; 23 & 33

AQUARIUS

Kahit na mahal mo ang isang tao, kung alam mo naman na nasa kanya ang pagkakamali ay hinding hindi mo siya kukunsintihin. Sa halip na paboran ay ipapakita mo na lang sa kanya ang kanyang kamalian at itatama ito.

Masuwerteng numero; 10 & 20

PISCES

Mahal mo siya at malaki ang tiwala mo sa kanya kaya naman hindi mo bibigyan ng pansin o kahit na katiting na atensyon ang mga paninira sa kanya ng ibang tao. Ayaw mong maapektuhan nito ang inyong pagsasama.

Masuwerteng numero; 15 & 19

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here