Love Horoscope Abril 8, 2021

ARIES

Ipagdaramdam mo ang magiging pagsaway sa’yo ng iyong kapareha sa mga ginagawa mo. Para sa kanya ay walang saysay ito. Pero para sa’yo ay napakahalaga nito at hindi niya ito maiintindihan kahit na anong gawin mo.

Masuwerteng numero; 8 & 10

TAURUS

Marami kang kailangang ayusin sa iyong buhay. Pero prayoridad mo ang iyong buhay pag-ibig. Dito ka humuhugot ng lakas. Kaya naman sisiguraduhin mo na smooth sailing ang iyong buhay pag-ibig para sa iyong kapanatagan.

Masuwerteng numero; 13 & 14

GEMINI

Hindi ganoon kataas ang standard mo pagdating sa pag-ibig. Kaya naman madali kang ma-fall. Makakita ka lang ng konting talento at mapalapit lang siya sa’yo ay may chance agad na mahulog ka sa kanya. Dapat mo itong baguhin.

Masuwerteng numero; 40 & 50

CANCER

Kahit pa iyakan mo ang iyong karelasyon ay wala kang mapapala. Hindi niya sasabihin sa’yo ang kanyang sikreto at hindi mo siya mapapaamin sa mga bagay na gusto mong aminin niya. Mas makakabuti kung bibigyan mo siya ng space.

Masuwerteng numero; 4 & 9

LEO

Malapit ka ng mapuno sa iyong kapareha. Hindi mo gusto ang tabas ng dila niya nitong mga nakaraang araw at mas lalong hindi mo nagugustuhan ang mga aksyon niya. Konting konti na lang ang nalalabi mong pasensya.

Masuwerteng numero; 51 & 54

VIRGO

Ikaw ang tipo ng tao na kapag nainlab ay nabubulag. Wala kang pakialam sa sasabihin ng iba basta alam mo na mahal ka niya at ganoon din ang nararamdaman mo sa kanya ay walang makakahadlang sa inyong dalawa.

Masuwerteng numero; 34 & 37

LIBRA

Isang mainit na pagtatalo ang mamamagitan sa inyong dalawa. Para sa’yo, ang kanyang mga pagdududa at pagseselos ay kathang isip lang at walang basehan kaya naman ito ang gusto mong ipamukha sa kanya.

Masuwerteng numero; 66 & 77

SCORPIO

May matatanggap kang sorpresa mula sa iyong mahal. Ito ay bahagi ng panunuyo niya dahil sa pagkukulang niya sa’yo. Sa aminin mo man o sa hindi ay magagawa nitong alisin gaano man kabigat ang tampo mo sa kanya.

Masuwerteng numero; 12 & 21

SAGITTARIUS

Ipagpapasalamat mo ang malaking pagtitiwala sa’yo ng iyong kapareha. Dahil sa kanyang tiwala at suporta ay magagawa mo ng magaan at walang kahirap hirap ang tungkulin mo sa lahat ng nakapaligid sa’yo.

Masuwerteng numero; 10 & 20

CAPRICORN

Muling magkukrus ang landas nyo ng dating mahal sa isang makabuluhang pagpupulong. Hindi mo maiiwasan na hindi makadama ng lungkot dahil kusang babalik sa isip mo ang hindi maganda nyong pinagdaanan.

Masuwerteng numero; 30 & 42

AQUARIUS

Hindi mo magagawang talikuran ang tao na palaging nagpapasaya sa’yo lalo na sa mga oras na wala kang makasama. Kaya naman ngayon na kailangan ka niya ay kusa kang lalapit sa kanya at ipapadama ang iyong pagmamahal.

Masuwerteng numero; 15 & 22

PISCES

Kukulangin ka ngayon ng oras para sa iyong asawa at pamilya. Wala kang dapat ipag-alala dahil naiintindihan nila ang nature ng iyong trabaho. Mananatili silang nasa likuran mo at nakaalalay sa’yo sa lahat ng oras.

Masuwerteng numero; 38 & 43

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here