Love Horoscope; Abril 4

177

ARIES

Ngayong araw ay lalabas ang attitude ng iyong kinakasama dahil sa maiipit kayo sa hindi magandang sitwasyon. Kahit tangkain mo pa na awatin siya ay mangingibabaw pa rin ang init ng kanyang ulo at mahihirapan kang pakalmahin ito.

Masuwerteng numero; 5 & 7

TAURUS

Ang labis mong pagtitiwala sa kanya ang magiging dahilan para magawa niya ang isang bagay na ayaw na ayaw mo. Sa madaling salita ay maaabuso niya ang tiwala na ibinigay mo sa kanya kaya dapat kang mag-ingat.

Masuwerteng numero; 17 & 20

GEMINI

Makakaramdam ka ng matinding selos dahil sa ipapakita niyang labis na pagmamalasakit sa isang kaibigan. Pero hindi mo ito balak na iparamdam sa kanya dahil ayaw mo rin na maging dahilan ito ng inyong away.

Masuwerteng numero; 16 & 31

CANCER

May sarili kang paraan para maipamalas sa kanya ang iyong pagmamahal. Kahit na hindi sa paraang gusto niya ay mas susundin mo pa rin ang style mo. Maramdaman man niya ito o hindi ay okay lang sa’yo.

Masuwerteng numero; 16 & 18

LEO

Huwag ka ng magtaka kung mabaling man ang atensyon niya sa iba. Ilang beses mo na siyang nireject at wala kang oras na pakinggan ang mga sinasabi niya kaya naman makakaramdam din siya ng pagkasawa at panlalamig.

Masuwerteng numero; 20 & 30

VIRGO

Kahit na gaano ka man ka-busy ngayon sa iyong mga ginagawa ay mananatili siyang nasa tabi mo. Plano niyang suportahan ang anumang nais mong gawin sa buhay kaya wala kang dapat ipag-alala sa kanya at sa inyong pagsasama.

Masuwerteng numero; 11 & 19

LIBRA

Masarap pakinggan ang salitang mahal kita pero mas masarap sa pakiramdam kung ito ay ipinadadama sa’yo. Iyan ang hindi mo makukuha sa kanya dahil sa kasalukuyan ay nakatingin siya ngayon sa iba at wala kang magagawa.

Masuwerteng numero; 13 & 15

SCORPIO

May pagbabagong magaganap sa inyong pagsasama dahil na rin sa’yong kagagawan. Ang kawalan mo ng tiwala sa kanya at pagtitiwala naman sa sinasabi ng iba ang siyang magiging mitsa ng hindi maganda ninyong pagtitinginan.

Masuwerteng numero; 47 & 48

SAGITTARIUS

Sundin mo lang kung ano ang sinasabi ng iyong puso. Walang masama kung nais mo itong pag-isipan. Pero ang sarili mo lang opinyon ang pag-isipan mo at hindi ang opinyon ng ibang tao lalo na kung hindi mo sila gaanong kilala.

Masuwerteng numero; 10 & 20

CAPRICORN

Dahil sa pag-amin mo ng tunay na damdamin sa tao na lihim mong minamahal ay asahan mo na ang pagbabago sa pakikitungo niya sa’yo. Hindi mo pa malalaman sa ngayon kung negatibo ba o positibo ang dating nito sa kanya.

Masuwerteng nuero; 8 & 9

AQUARIUS

Hindi ka malulungkot ngayong kasama mo na siya. Palagi siyang alerto sa pagpapasaya sa’yo. Hindi niya hahayaan na makaramdam ka ng pagkainip o pagkabato sa mga sandaling lilipas sa loob ng inyong binuong tahanan.

Masuwerteng numero; 9 & 17

PISCES

May bago kang makikilala na maglalagay ng ngiti sa’yong mga labi. Pero hindi mo maaaring ipakita sa kanya ang iyong pagkagusto dahil pareho na kayong hindi malaya para magpahayag ng inyong tunay na damdamin.

Masuwerteng numero; 10 & 32

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here