Love Horoscope; Abril 3

615

ARIES

May mamamagitan sa inyong magkarelasyon na konting hindi pagkakaunawaan. Bagamat walang komprontasyon na magaganap ay pareho ninyong alam sa mga sarili nyo na meron kayong hindi pagkakaintindihan.

Masuwerteng numero; 16 & 18

TAURUS

Masaya ang araw na ito para sa inyong dalawa dahil sa wakas ay walang bangayan na mangyayari. Parehong tahimik ang inyong kampo kaya naman pareho kayong magkakaroon ng kapanatagan para sa isa’t-isa.

Masuwerteng numero; 20 & 30

GEMINI

Tuloy ang ligaya nyong dalawa kahit pa maraming hindi magandang pangyayari sa paligid. Ang importante ay nagkakaintindihan kayo at pinag-iingatan nyo ang inyong mga sarili para sa muli ninyong pagkikita.

Masuwerteng numero; 5 & 10

CANCER

Muli kang mabubuhayan ng loob dahil muling magpaparamdam sa’yo ang taong mahal mo. Hindi mo man marinig sa kanya ang inaasahan mong marinig ay sapat na muna sa’yo ang pagkakaroon nyo muli ng komunikasyon.

Masuwerteng numero; 51 & 62

LEO

Wala kang dapat ikabahala sa kanyang paglayo dahil walang mababago sa inyong relasyon. Mananatili kang laman ng puso niya at ganoon ka rin sa kanya. Kaya naman magiging panatag lang ang araw na ito para sa inyong dalawa.

Masuwerteng numero; 12 & 23

VIRGO

Mamimiss mo siya ng todo lalo pa ngayon na wala kang makakasama sa loob ng inyong tahanan. Ang kawalan mo ng magawa ang magiging dahilan kung bakit magsusumiksik sa isip mo ang tao na hindi mo na dapat iniisip.

Masuwerteng numero; 26 & 36

LIBRA

Magiging komportable ka ngayon sa piling niya. Dahil sa mga effort na gagawin niya para malibang at mapasaya ka ay pansamantala mong makakalimutan ang mga bagay na nagbibigay sa’yo ng stress sa araw-araw.

Masuwerteng numero; 49 & 69

SCORPIO

Hindi mo mapagbibigyan sa kanyang hiling ang iyong mahal. Alam mo naman na alam niya na hindi mo kayang ibigay ang pabor na gusto nya, kaya ngayong araw ay magkakaroon ng konting gusot sa pagitan nyo.

Masuwerteng numero; 3 & 5

SAGITTARIUS

Dahil sa ipapakita mong talento ay may isang tao kang mabibighani. Siya yung tao na palagi lang nasa tabi mo pero hindi nakakakilala sa’yo ng totoo. Subalit  ngayong araw ay mapapahanga mo siya ng husto.

Masuwerteng numero; 17 & 26

CAPRICORN

Wala siyang pinag-iba sa mga dati mong nakarelasyon. Ang tanging maiiba lang ay ang pagmamahal na handa mong ibigay sa kanya kaysa sa mga nauna. Hindi importante sa’yo kung may dahilan man o wala basta mahal mo siya.

Masuwerteng numero; 15 & 30

AQUARIUS

May mapapansin kang kakaiba sa iyong karelasyon. Sa kanyang kilos at maging sa pananalita. Hindi mo sigurado kung epekto lang ito ng mga hindi magandang pangyayari sa labas. Ang sigurado para sa’yo ay maapektuhan nito ang damdamin mo.

Masuwerteng numero; 31 & 41

PISCES

Magiging kapana-panabik para sa’yo ang muli ninyong pagkikita. Pero mabibigo ka pa ngayong araw dahil hindi pa siya makakauwi sa’yo. May mga problema pa siyang kakaharapin sa kanyang kinaroroonan.

Masuwerteng numero; 11 & 22

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here