Love Horoscope; Abril 18

ARIES

Sanay ka sa kinakasama mo na palaging walang pakialam sa mga nangyayari sa paligid. Subalit sa araw na ito ay magugulat ka dahil maririnig mo mismo mula sa kanyang bibig ang sarili niyang opinyong tungkol sa isang isyu. ©PhilippineOne.com

Masuwerteng numero; 7 & 12

Taurus

Kakayanin mo ang lahat ng problemang dumarating gaano man ito kabigat basta’t nasa tabi mo lang ang tao na nagbibigay ng inspirasyon sa’yo. Siya ang tao na pinakamalapit sa puso mo ngayon na nagpapasaya sa’yo.

Masuwerteng numero; 23 & 32

GEMINI

Marami ka pang dapat malaman tungkol sa iyong kapareha. Pero sa ngayon ay wala kang ibang makikita kundi ang magaganda lamang niyang katangian kaya naman wala ka ring pakialam sa mga sasabihin ng iba.

Masuwerteng numero; 54 & 60

CANCER

Magiging mas maingat ka na ngayon sa inyong relasyon matapos ang mga hindi magandang pangyayari nitong nagdaang araw. Sa iyong palagay ay kakailanganin mong pag-isipan ang ilang mahalagang bagay tungkol sa inyo. ©PhilippineOne.com

Masuwerteng numero; 1 & 2

LEO

Wala kang mapapala sa mga taong tsismosa. Sisirain lang nito ang mabuti ninyong pagsasama ng iyong asawa. Marami ng dagdag bawas ang balita bago makarating sa’yo kaya iwasan mo na makinig sa mga ito.

Masuwerteng numero; 78 & 81

VIRGO

Kakailanganin mong paghandaan ang isang mahalagang okasyon para sa iyong kapareha. Kahit pa kayo ay nasa gitna ng lockdown ay makakaisip ka pa rin ng mga ideya kung papaano ito maidaraos na magiging masaya siya.

Masuwerteng numero; 14 & 15

LIBRA

Mailap pa ang suwerte para sa inyong dalawa sa araw na ito. Kahit na anong pagsisikap ang gawin nyo ay hindi nyo pa makakamtan sa ngayon ang biyayang hinihintay nyo. Kakailanganin nyo pang habaan ang inyong pasensya at pagtitiis. ©PhilippineOne.com

Masuwerteng numero; 30 & 40

SCORPIO

Kahit na pilit mong pinakakalma ang iyong karelasyon sa sitwasyong kinakaharap niya ngayon ay mananatili siyang stress at nangangamba kaya naman mag-iisip ka ng paraan kung paano mo mapapapanatag ang kanyang kalooban.

Masuwerteng numero; 12 & 24

SAGITTARIUS

Wala ka mang gawin na kahit ano ay sapat na para sa iyong kapareha na malaman niyang naniniwala ka sa kanyang mga sinasabi at sinusuportahan mo ang kanyang mga ginagawa. Hindi mo na kailangang mag-isip ng iba pang maitutulong.

Masuwerteng numero; 5 & 15

CAPRICORN

Huli na bago mo ma-realize ang nagawa mong pagkakamali sa kanya. Kaya naman kakailanganin mong mag-isip ng dapat gawin para makabawi ka sa iyong kapareha. Pag-iisipan mong mabuti kung anong effort ang iyong gagawin. ©PhilippineOne.com

Masuwerteng numero; 13 & 28

AQUARIUS

Maganda ang magiging team up nyo ng tao na nagpapakilig sa’yo ngayon. May chemistry kayo hindi lamang sa trabaho kundi maging sa personal ninyong buhay. Maganda ang araw na ito para sa inyong dalawa.

Masuwerteng numero; 35 & 46

PISCES

Ang pagdidiskusyon na ilang araw nyo ng sinusubukan na iwasan ay hindi nyo na maiiwasan ngayong araw na ito. Pareho kayong hindi na makakapagpigil na pakawalan ang mga sariling opinyon tungkol sa isang isyu.

Masuwerteng numero; 25 & 28

We add copyright messages throughout our articles due to the incredible amount of copyright fraud and theft performed by competing Facebook pages.  Thanks for understanding

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here