LONG DISTANCE RELATIONSHIP: Kaya ba Talaga?

0
358

Camille Jacinto

Camille Jacinto is a Senior Copywriter and Social Media Manager for a Christian events company which is funding a church in Sampaloc Manila. She took up Master of Arts in Communication at the University of Santo Tomas. Her long time dream is fulfilled because she is now using her gift of writing to make Jesus known to people, one family at a time.

Sa lahat ng klase ng relasyon sa mundo, ang isa sa pinakamahirap ay ang tinatawag na “long distance relationship”. Sa ganitong klase ng relasyon, magkalayo ang partners at taon ang binibilang ng pagiging malayo nila sa isa’t isa. Marami ang nagsasabi na hindi daw ito nagwo-work dahil sa maraming rason.  

Kapag nasa isang long distance relationship, isa siguro sa pinakamahirap ay yung hindi ninyo nayayakap ang bawat isa. Pero totoo pa rin ang kasabihan na “if there’s a will, there’s a way”. Basahin ang article na ito para makita kung paano mag-wowork ang ganitong klase ng relasyon.

 1. Iwasan ang excessive communication at pagiging “clingy”

Kung umpisa palang ay possessive ka na sa partner mo, mas mahihirapan kayo. Dapat ay bigyan ninyo rin ng space ang bawat isa. Besides, may internet na at dapat ay huwag ninyong tingnan ang distance ninyo as a sad reality. Live your lives pa rin. 

2. Tingnan ito bilang isang opportunity

Let yourselves grow apart, in order to grow together in the end. Sabi nga sa isang Chinese saying “Real gold is not afraid of the test of fire.” Imbes na isipin na pinaglayo kayo ng tadhana, isipin ninyong test ito na kayang kaya ninyong lampasan. 

3. Mag-set ng ground rules para ma-manage ninyo ang expectations ninyo

Dapat ay mag-set kayo ng doable rules katulad nang pagiging malinaw na “exclusively dating” kayo. Nang sa gayon, hindi kayo magugulat sa desisyon ng bawat isa. 

4. Subukan ninyong mag-communicate regularly at creatively

Huwag kayo masanay sa “Good morning” o “Good night” lang. Magtanungan kayo creatively para may spice pa rin ang relasyon ninyo. 

5. Umiwas sa mga delikadong sitwasyon

Huwag hayaan na may umaligid sa inyo na ibang tao na pwedeng sumira sa relasyon ninyo. Tandaan, maaaring vulnerable din kayo dahil magkalayo sa isa’t isa, pero that doesn’t give you the right to cheat on each other.

 6. Do things together

Play online games o di kaya ay magbasa kayo ng parehong libro.  

7. Magkaroon kayo ng goal

Make sure na mayroon kayong nilu-look forward bilang isang couple. In 5 years time, ano na gusto ninyo marating. In 10 years time kasal na ba dapat kayo? No pressure pero magandang activitiy din ito sa inyong dalawa. 

8. Enjoy your alone time at ang time mo kasama ang mga kaibigan at pamilya mo

Huwag masyadong mag-focus sa loneliness. Focus on life and focus on your goals individually and with your partner.

 9. Maging honest sa isa’t isa

Sa panahon na magkalayo kayo, dapat ay mas maging honest kayo sa isa’t isa. Kailangan ay kahit di kayo magkasama, komportable kayo dahil alam ninyong walang ginagawang masama ang partner ninyo.

 10. Maging positive lang

Kapag nagsimula ka sa isang negative thought, tuluy-tuloy na yan. So wag mo na simulan at i-reinforce.

 

More Camille Jacinto

More I AM FILIPINO

More Dear Maria

More K-Pop

More Movie Reviews

More Beauty and Health

More Beauty Pageants

More Commentary

More Politics

More OFW

More Tanong mo Sagot ko

SHARE
Previous articleOnline Horoscope Hulyo 14 2018
Next articleChinese Horoscope Hulyo 14
Camille Jacinto is a Senior Copywriter and Social Media Manager for a Christian events company which is funding a church in Sampaloc Manila. She took up Master of Arts in Communication at the University of Santo Tomas. Her long time dream is fulfilled because she is now using her gift of writing to make Jesus known to people, one family at a time.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here