LizQuen, Hindi Nagpasilaw Sa Pera

Tayong mga Pinoy ay marunong tumanaw ng utang na loob kaya kahit may malaking pera na inaalok sa atin ay nagagawa pa rin nating tanggihan. Tulad na lamang ng ginawa ng LizQuen nang alukin sila ni Mr. Manny V.Pangilinan nagmamay-ari ng TV5 nang tripleng talent fee na ibinibigay sa kanila ng Kapamilya Network,

Kung iisipin mo ang iyong kinabukasan ay napakadali lang na magsabi ng ‘deal’ ngunit dahil sa laki ng utang na loob nina Enrique Gil at Liza Soberano ay binalewala nila ang halaga. Sa ABS CBN daw sila sumikat kaya dapat lamang na ang kanilang loyalty ay manatili sa mga Lopez. Kaya naman kahit binibigyan na sila ng go signal ng paglipat ay tinanggihan pa rin nila kaya naman siguradong marami pa ang humanga sa kanila.

Para sa ibang tao siguro ay isa malaking kalokohan ang pagtanggi sa biyaya ngunit balewala iyon sa LizQuen dahil mayroon din naman silang ginagawang project kaya magiging abala rin sila. Sabi pa ni Liza ay mas pipiliin niyang mag-artista sa abroad kaysa naman pumasok sa kalabang Network ng dati nilang pinagtatrabahuhan.

Hay, hindi lahat ng tao ay may pag-iisip na gaya ng isa sa mga loveteam na LizQuen na talaga namang hinahangaan at kinakikiligan kaya’t napatunayan nila na ang pagiging idolo nila ay hindi  lamang makikita sa harap ng camera, Sa panahon kasi ngayon ay mahirap manindigan ng buong tindi tulad ng kanilang ginawa.

MORE ARTICLES

Horoscopes     Kapangyarihan     Pamahiin    Panaginip      

Misteryo    Numerology    Zodiac   Beauty/Health

Your Birthday ( Kaarawan Horoscope)      Entertainment   

Religion    Panalangin  Relationships     OFW      LGBTQ    

New Wave (English)     Facebook     YouTube

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here