Liver Cirrhosis sa Pilipinas

Ano nga ba ang Cirrhosis – ito ay ang late stage mula sa pinsala na dulot ng iba’t-iba’ng sakit sa atay,  katulad ng hepatitis at sobra’ng alcohol.

Ang Liver Cirrhosis ay ang kadalasa’ng sanhi ng maaga’ng pagkamatay at pagkamatay sa mga pilipino’ng mahilig uminom ng alak. Ang iba naman ay hindi lang mahilig uminom,  kundi nagiging addict nang dahil sa ipinagbabawal na gamot ay ganoon din ang tao’ng sobra’ng hilig uminom ng alak siya ay nagiging alcoholic. In short addict na sila sa alcohol,  dumadaloy na sa dugo nila ang alcohol kaya hindi na nila napapansin na hinahanap-hanap na nila ito at hindi sila mapapalagay kapag hindi sila nakakainom ng alak. Manginginig ang kanila’ng katawan kapag wala’ng naipasok na alcohol dito. Kadalasan sa mga tao’ng umiinom ng sobra ay iyo’ng mga tao’ng nakatira sa probinsiya at kulang sa kaalaman kung ano ang mangyayari sa kanila kapag nasubrahan na sa alcohol ang katawan nila. Hindi nila alam na ang una’ng maaapektuhan ay ang ati’ng internal organs o lama’ng-loob, partikular na ang ating atay dahil ito ang sumasala sa lahat ng mga kinakain at iniinom natin. Ito rin ang naglilinis sa ating dugo,  kapag marumi ang dugo natin kapag madumi ang dugo natin kung wala man tayo’ng impeksiyon sa katawan ay may problema tayo sa ati’ng atay.

Sa tuwi’ng umiinom ka ng alak ay unti-unti nito’ng sinusunog ang atay mo,  kaya ang mga pilipino’ng  mahilig uminom ng alak ay namamatay sa mula sa taon na 40+ pataas. Ngunit minsan mayroon di’ng mga tao’ng namamatay nang hindi pa umabot ng 40 dahil sa maaga’ng pagkakaroon ng sakit sa atay. Iyong mga tao’ng kulang sa kaalaman ay inaakala nila na wala’ng mangyayari sa kanila kapag umiinom sila ng alak araw-araw, kung maaapektuhan man ang kanila’ng atay ay hindi ito agad mapapansin dahil ang cirrhosis ay wala’ng symptoms kung bago pa lang ito kumapit sa atay. Kaya iniisip ng mga tao’ng mahilig uminom ng alak na kahit araw-araw pa sila’ng uminom ng alak ay wala’ng problema,  hindi nila alam na kung wala sila’ng mararamdaman sa panahon ng kanila’ng kabataan ay saka na lumalabas ang iba’t-iba’ng klase ng sakit kapag tumataas na ang edad nila. Mas mabuti pa kung mas maaga’ng mapapansin ang ano ma’ng sakit dahil maaagapan pa ito,  subalit,  kung saka pa ito mararamdaman na mataas na ang edad ng isa’ng tao ay kaunti lang ang pag-asa’ng maagapan pa ito o gagaling pa ito lalo’ng-lalo na sakit na Liver Cirrhosis.”The chance is zero”.

Hindi alam ng mga tao’ng mahilig uminom ng alak na ang atay ang una’ng maaapektuhan at ang sakit sa atay ang pangunahi’ng sanhi ng kanila’ng kamatayan. Oo nga’t naghihilom ang ati’ng atay kapag ito’y nasugatan,  subalit kapag inaabuso na ito sa pamamagitan ng sobra’ng pag-inom ng alak araw-araw ay hindi na ito makakabawi pa at unti-unti na ito’ng masusunog,  hanggang sa magkaroon ka ng Liver Cirrhosis. At kapag nagkaroon ka na ng sakit na Liver Cirrhosis ay dapat magsisisi ka na sa mga kasalana’ng nagawa sa mundo’ng ito.

Ayon sa mga dalubhasa aabot sa 28-58 weeks ang itatagal sa mga tao’ng nadiagnosed ng Liver Cirrhosis,  subalit sa isa’ng lugar dito sa Cebu ay marami’ng namamatay dito nang dahil sa sakit na Liver Cirrhosis at sila ay namamatay agad nang hindi man lang umabot ng sampu’ng linggo ang buhay nila. Matapos sila’ng ma-ospital ng dalawa hanggang tatlo’ng linggo ay hanggang lima o anim na linggo lang ang buhay nila, dahil hindi na gumagana ang kanilang atay. At matapos sila’ng madiagnosed ng Liver Cirrhosis ay unti-unti ng lumalaki ang kanila’ng tiyan partikular na sa banda’ng atay,  at hindi rin sila makahinga ng maayos. Sa pangatlo’ng linggo nila’ng pananatili sa bahay matapos sila’ng ma-ospital ay dito na nagsisimula ang kanila’ng paghihirap at makikita mo talaga kung paano sila nahihirapan,  makikita mo kung paano nila hinahabol ang kanila’ng hininga,  dahil nga hindi na gumagana ang kanila’ng atay at ganoon din ang lungs nila. Namamaga pa ang kanila’ng mga paa hanggang tuhod. Kung titingnan mo sila ay nasa tama’ng pag-iisip naman sila ngunit mahihirapan ka’ng kausapin sila dahil nga sa paghahabol nila sa kanila’ng paghinga.

Gusto nila’ng hinihimas ang likod nila upang makaramdam  din sila ng ginhawa kahit sandali lang. Unti-unti’ng ginugupo ang kanila’ng katawan at pinapahirapan sa sakit na ito at pagkaraan ng lima hanggang anim na linggo ay namamatay na sila dahil siguro sa hirap at sakit na nararamdaman nila. Ang tano’ng,  bakit nga ba nagpakalulong sa alak ang iba’ng tao? Kung sasabihin nila’ng dahil sa problema,  bakit solusyon nga ba ang alak sa kahit na ano’ng problema? Oo nga’t ikaw ay makakalimot pansamantala sa problema mo kapag nalasing ka na,  ngunit kapag nahimasmasan ka na ay may problema ka pa ri’ng haharapin. Iyo’ng iba naman ay kahit nahihirapan sa buhay ay ginawa pa ri’ng bisyo ang alak at palagi’ng sumasama sa barkada kahit wala ng kinakain ang pamilya nila. Napaka-irresponsable sa mga ganito’ng klase ng tao at kapag nagkasakit na sa atay ay umuuwi na sa kanila’ng pamilya at ang mga ito naman ang mamrumrublema sa paghahanap ng pera para sa pagpapagamot sa kaniya. Asan kaya ang hustisiya dito? Bakit may mga ganoo’ng klase ng tao?

Paano nga ba natin malalaman na lumalala na ang sakit na Liver Cirrhosis? Siguro sa una’ng stages ng cirrhosis ay wala ka’ng mararamdaman,  ngunit kapag ito ay lumalala na ay magkakaroon na ito ng symptoms katulad ng fatigue,  maliliit na red spots at maliliit na linya sa skin na tinatawag na spider angiomas. At ang pang-huli’ng mararamdaman mo kapag mayroon ka’ng Liver Cirrhosis ay ang mga ito.

*ikaw ay mabilis lang masusugatan

*naninilaw ang mga mata at skin mo

*pangangati sa katawan

*sumasakit ang tiyan

*wala’ng gana’ng kumain

*hindi makatulog

*pamamaga sa paa at binti

*hindi makapag-pokus

Upang hindi na lumala ang Liver Cirrhosis ay huwag ka ng uminom ng alcohol at iwasa’ng uminom ng mga gamot na ito kung hindi kinakailangan,  katulad ng antibiotics at tylanol dahil kapag nag-overdose ka ng mga ito ay maaapektuhan din ang atay mo. Subukan mo’ng uminom ng mga vitamins at herbal supplements.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here