Limang Bagay Na Hindi Ginagawa Ng Masayahing Tao

0
117

Geraldine Monzon

Geraldine Monzon; Writer in komiks/pocketbooks/newspaper/indie film
My motto in life is; Be stronger than your excuses. If you can't say it, write it.

Maraming ginagawa ang mga masayahing tao para manatili silang masaya. Nakikipagkaibigan sila, nagpapakita ng kabaitan sa kapwa, palaging ngumingiti, inaalagaan ang kanilang relasyon at marunong mag-appreciates ng kahit maliliit na bagay.

Pero meron din silang mga HINDI ginagawa tulad ng mga sumusunod.

1.Nakikialam sa buhay ng iba. Hindi niya pinakikialaman kung anuman ang mga nangyayari sa buhay ng kanyang kapwa, unless kakailanganin ang tulong niya. Masaya siya sa kung anong meron siya at wala siyang panahon na ikumpara ang sarili niya sa iba. Hindi siya nanghuhusga.

2.Naghahanap ng pagtanggap ng iba. Meron siyang sapat na self-confidence. Hindi niya kailangan ang compliment mula sa iba. Okay lang sa kanya kung tanggapin man siya o hindi as long as wala siyang tinatapakang tao at masaya siya sa kanyang mga ginagawa.

3.Nagtatanim ng sama ng loob. Walang perpektong tao kaya kahit ang masayahing tao ay sumasama rin ang loob. Ang kaibahan lang, hindi siya nagtatanim ng sama ng loob. Makakabigat ito para sa kanya kaya binibigyan niya lang ng sapat na oras ang sarili para pakawalan ito sa kanyang puso.

4.Naglalagi sa negatibong paligid. Hindi mo maaasahan ang isang masayahing tao na magstay sa isang paligid na puro ka negatibuhan. Maghahanap at maghahanap siya ng daan patungo sa positibong lugar. Gusto niya ay palaging good vibes lang.

5.Pumapanig sa kasinungalingan. Kapag pumanig ka sa kasinungalingan at naging bahagi ito ng iyong araw-araw na buhay, hindi ka patatahimikin ng iyong konsensya. Kaya naman ang isang masayahing tao ay palaging ipinaglalaban ang katotohanan.

Ilan lamang iyan sa mga hindi bet gawin ng isang masayahing tao. Hangga’t maaari ay iniiwasan niya na mabahiran ng kalungkutan ang kanyang buhay. At kung sakali man na meron siyang pagsubok na pagdaanan, sisikapin niya na hindi maglagi sa sitwasyon na ito. Sisikapin niya na mabago ang lahat at makakita ng bagong liwanag. Ang masayahing tao ay ang tao na hindi nawawalan ng pag-asa at may matibay na pananalig sa Diyos.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here