Libmanan Malinao Spring Resort – Ang Murang Paraiso Para Sa’yo

2063

Napakaraming magagandang lugar sa Pilipinas na hindi masyadong kilala ng makararami. Marahil ito ay okay na dahil baka masira lang at dumumi ang mga ito kapag sumikat na o naexpose ng masyado.

Unti-unti ay nakikilala na ang Bicol bilang isang tourists spot. Sa Camarines Norte ay ang Calaguas Islands at sa Camarines Sur naman ay ang Caramoan Island. Napakaraming mga tourist agency ang nagooffer ng mga bakasyon sa mga lugar na ito.

Subalit kung wala kang budget ay mahirap makaraditing sa mga lugar na ito. Kahit libre ang mismong mga beaches ay mahal naman ang hotel accommodation at ang pamasahe as bangka papunta dito. Kung ikaw ay nagtitipid pero gusto pa din magpunta at maglibot sa Camarines Sur sa Bicol, ang Malinoa spring resort ang para sa’yo.

Tumataginting na sampung piso lamang ang entrance fee dito sa napakagandang resort na ito. Running water at falls ang makikita mo dito. Hindi ang maalat na tubig sa dagat o ang machlorine na tubig sa mga swimming pool. Ang mga cottage naman ay three hundred pesos lamang. Sulit na sulit na dahil kasya ang lagpas sa kinseng tao sa loob ng cottage.  Pwedeng pwede magdala ng sariling pagkain at pwedeng pwede din magluto sa spring resort na ito. Mayroon din silang mga videoke na pwedeng rentahan para mas Masaya ang pagswimming.

Kasama ko ang aking pamilya sa side ng aking nanay dahil tiga doon sila. Nagrenta kami ng sasakyan dahil masyado kami madami para sa tricycle lang. naging tradisyon na naming na magswimming bago umuwi pabalik sa Bulacan kasama ang mga kamag-anak.

Napakasaya sa mga ganitong lugar dahil malinis ang tubig. Dumadaloy ito kaya lagging napapalitan hindi tulad ng tubig sa mga swimming pool. Meron din naman silang bahay na may mga kwarto para sa mga gustong mag-overnight.

Kaya kung sawa ka na sa mga beach at mga swimming pool, ganitong mga spring resort sa Libmanan at sa iba pang lugar sa Camarines Sur ay dapat sa’yo!

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here