LGBT; Tips Para Maging Healthy Ang Isang Lesbian Relationship

Geraldine Monzon

Geraldine Monzon; Writer in komiks/pocketbooks/newspaper/indie film
My motto in life is; Be stronger than your excuses. If you can't say it, write it.

Latest posts by Geraldine Monzon (see all)

Sa ating mundong ginagalawan ay sadyang maraming tao ang mapanghusga. Lalo na kung ikaw ay nabibilang sa tinatawag nilang LGBT community. Ang iba kung ituring ka ay daig mo pa ang alien na sampid lang sa mundong ito.Single ka pa nga lang ay huhusgahan ka na lalo na kung ikaw ay magkarelasyon pa. Pero hindi dapat makinig sa mga negativity na ito. Kung ikaw ay nasa isang lesbian relationship, narito ang mga tips kung paano mo ito mapoprotektahan at mapangangalagaan upang ito ay magtagal at maging pang forever.

1.Maging positibo. Sa klase ng inyong relasyon, natural lang na maraming negatibo kayong mae-encounter tulad ng panglalait at paghuhugsa ng ibang tao. Yung tipong may masasabi at magagawa sila na against sa inyong relasyon. Kapag ganito ang nangyari sikapin mo na manatiling positibo ang pagtingin mo sa inyong relasyon at hindi magpaapekto nang husto.

2.Maging mapagbigay. Give and take dapat pero more on pagbibigay ka sa ganitong relationship. Hindi lang sa materyal na bagay kundi sa emosyon. Dapat na naibibigay mo ang emotional needs ng iyong kapareha lalo na sa mga panahon na kailangang kailangan niya ito.

3.Huwag mag-expect. Alam mo na dapat kung ano lang ang kaya niyang ibigay sa’yo. Masakit umasa kaya huwag ka ring paasa. Sa umpisa pa lang dapat alam nyo na kung nasaan ang inyong limitasyon sa lahat ng mga bagay. Kung mag-eexpect ka nang higit sa kaya ng iyong kapareha baka ikaw lang din ang mabigo at masaktan sa bandang huli.

4.Iwasang makipagtalo. Mukhang mahirap itong iwasan pero kaya mo at magagawa mo kung talagang mahal mo ang isang tao at mahalaga sa’yo ang relationship nyo. Kung sa tingin mo ay mainit na ang kanyang ulo huwag mo na itong salubungin pa. May tamang pagkakataon para ipaliwanag ang iyong side at kung tama ang timing mo mas maiintindihan ka niya.

5.I-improve ang iyong sarili. Hindi porket magkarelasyon na kayo ay pababayaan mo na ang iyong sarili. Mahalaga pa rin ang pisikal na anyo gayundin ang estado sa buhay kahit pa sabihin na hindi ito ang sukatan ng pag-ibig. Hindi mo naman gugustuhin na manlamig sa’yo ang iyong kapareha dahil hindi na kaaya-aya ang iyong hitsura sa kanyang paningin at tamad ka na ring magtrabaho.

SHARE
Previous articleTips sa Pag Commute sa Manila
Next articleChinese Horoscope; Mayo 8
Geraldine Monzon; Writer in komiks/pocketbooks/newspaper/indie film My motto in life is; Be stronger than your excuses. If you can't say it, write it.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here