Lalaki, nabulag sa pagkain ng hilaw na karne

0
209

ANG 34 taong gulang na lalaki ay nabulag matapos kumain ng hilaw na karne.

Mag-ingat tayo sa mga kinakain natin! Ito ang madalas na paalala sa ating ng matatanda nu’ng ating kabataan. Maaari kasing maging dahilan ito para maisugod tayo sa ospital. Hindi naman kasi tayo nakakasigurado kung malinis ang ating kinakain. Kaya, maaaring tayo ay magkaroon ng Hepatitis. Kaya naman, nu’ng kabataan ko, hindi ko nakaugaliang kumain ng street foods.

Pero, habang tumatanda tayo ay nakakalimutan natin ang paalala sa atin ng ating mga magulang dahil kahit ipinagbabawal nila noon ay sinasabi naman natin sa ating sarili na matatanda na tayo at magagawa na nating tikman ang anumang pagkain na ating magustuhan.

Iyon nga lang, hindi naman porke nasa tamang edad na tayo ay nangangahulugan na magagawa na rin nating malabanan ang anumang sakit na maaari nating makuha sa ating mga kinakain. Kung may kakayahan lang tayo na malabanan ang anumang sakit na makukuha natin sa ating pagkain nakakasigurado akong hindi natin makikilala ang Lalaki, nabulag sa pagkain ng hilaw na karne.

Tayong mga Pinoy ay hindi sanay kumain ng pagkaing hindi luto. Nakakaramdam tayo ng pandidiri kapag nakakita tayo ng dugo. Ngunit, dahil naiimpluwensiyahan na tayo ng mga dayuhan pati ang mga kinakain nila ay nagagawa na rin nating kainin. Ngunit, bago mo ipagpatuloy ang pagkain mo sa mga pagkaing dayuhan, hayaang mong sabihin ko muna sa’yo ang naging karanasan ng lalaking bida sa artikulo natin ngayon.

Ang lalaki namang ito ay isang Japanese kaya natural lamang sa kanya ang pagkain ng mga hilaw na pagkain. Kaya lang, hindi niya namalayan na ang chicken sushi na kanyang kinakain ay mayroong uod. Iyon ang naging dahilan kaya sumakit ng todo ang kanyang tiyan. Sa pagsusuri sa kanya ay napag-alaman na mayroon siyang taxocariasis.

Ang taxocariasis ay sanhi ng impeksyon na nakuha sa roundworm parasites kaya naging dahilan iyon para siya ay mabulag. Ang dahilan kaya sumakit ng todo ang kanyang tiyan ay dahil naapektuhan siya ng parasites na iyon. Gayunpaman, masasabing ang lalaking ito ay mapalad din dahil mayroon siyang malusog na pangangatawan kaya nagawa siyang magamot. Kinailangan lang niyang manatili sa hospital ng 10 araw para maging okay siyang talaga.

Ikaw, nanaisin mo bang magkasakit dahil lang sa pagkain ng hilaw na pagkain?

Kung sasabihin mo namang ang kapalaran ng lalaking iyon ay hindi mo magiging kapalaran kaya okay lang naman. Gayunpaman, kailangan mo ring maging handa sa susunod na mangyayari sa’yo. Sa ngayon, ang tangi kong masasabi’y salamat sa pagbasa ng Lalaki, nabulag sa pagkain ng hilaw na karne.

 

Source:

www.dailymail.co.uk/health/article-6090273/Man-goes-blind-infected-roundworm-parasite-eating-raw-chicken-sushi.html

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here