Laguna Gay Queen: Miss Friendship, Iwanesska

    Saturday, March 17,2018 ay nagkaroon ako ng opportunity na ma-interview ang isa sa mga winners ng Laguna Gay Queen sa naganap na Anilag Festival nitong nakaraang buong isang linggo mula March 10 hanggang March 18 2018. Siya ay walang iba kundi si Almond Christian Palconan a.k.a. Maria Iwanesska Ortega ang nakakuha ng title na Miss Friendship. Sa pagpapatuloy pa lang sa amin ni Miss Friendship Maria Iwaneska sa kanyang bahay sa Pila Laguna ay pansin ko na agad ang pagiging friendly ni Iwa kaya hindi na ako nagtaka kung bakit sa kanya napunta ang titulong Miss Friendship. Very approaching at talaga namang mapi-feel mo na welcome ka sa kanyang tahanan.

    Agad siyang nagpaunlak para sa aming one on one interview. At ang una kong tanong sa kanya ay kung ano ang rason niya sa pagsali sa mga beauty pageant. Ayon kay Iwa,  ang dahilan ng pag-join niya sa mga beauty contest ay dahil ito ang kanyang passion. At para din maging proud sa kanya ang mga magulang lalo na ang kanyang mommy. Isa rin sa mga dahilan niya ay para raw sa mga tao na naniniwala sa kanya. Ang pangalawa kong tanong, kung ano sa tingin niya ang edge niya sa ibang contestant para siya ang manalo? Para sa kanya ang nagiging kalamangan niya sa iba ay ang pagiging positive at strong. Dagdag pa niya, minsan ay nananalo at minsan din ay natatalo kaya kailangan na maging positive lang sa everyday life. Parte rin daw ito ng mga natutunan niya sa pagsali niya sa mga pageant. Kapag nadapa kailangan ay matutong bumangon.Naging inspirasyon  niya ang sinabi ng ating Miss Universe 2015 na si Pia Wurtzbach na “ You are strongly beautiful with a heart”. Nagbigay din si Iwa ng advice para naman sa mga gusto ring maki-join sa mga gay pageant, aniya, kung meron silang mga mithiin sa buhay ay huwag silang matakot na mangarap. Sundin lamang ang puso’t isipan para masungkit ang tagumpay na wala kang inaapakang tao. Ang pinaka powerful na sandata ay ang pananalangin sa Maykapal.

    This coming March 19, Monday ay meron ulit siyang pageant na dadaluhan at ito ay gaganapin sa Kalayaan Laguna. Matapos ang aming maikling pag-uusap ay ipinakita sa akin ni Iwa ang ilan sa kanyang mga collections na korona, sash at award na napanalunan niya sa mga sinalihan niyang beauty pageant. Isa na rito ang award niya sa katatapos lang na Miss Laguna Gay Queen Miss friendship 2018.

    Isa lang si Maria Iwanesska sa mga Gay beauty Queens na may magandang pananaw sa buhay na maaari din nating gawing inspirasyon. Mabuhay si Miss Friendship Maria Iwanesska Ortega, mabuhay ang mga LGBT na nagbibigay ng mabuting ehemplo sa kapwa.

    More Beauty Pageants

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here