Laging nakakapanaginip na may ginagawang bahay

Maestro Honorio Ong

Si Maestro Honorio Ong ay tubong Bulacan. Anak ng mag-asawang Ka Talia at Kapitan Sucing. Bunso at pinakaguwapo sa sampung magkakapatid. Nagtapos ng Bachelor of Science ,Major in Clinical Psychologysa Far Eastern University, Sampaloc, Manila. Sa University ring ito nag-aral at kumuha ng Master of Arts in Clinical Psychology.
Maestro Honorio Ong

Dream Interpretation Isyu # 159

Tunghayan naman natin ngayon ang panaginip ni  Janice tungkol sa may “construction” sa paligid at ang kanilang bahay ang ginagawa sa bandang harapan.

Dear Maestro,

Magandang araw po. May mga katanungan po kasi sa isip ko na kayo lang po ang makakasagot. Tatlong beses na po kasi akong nanaginip na may nagko-construction sa paligid. Tapos kagabi naman ay ang bahay daw po namin ang ginagawa sa may bandang harapan daw po ng bahay namin? Ano po kaya ang ibig sabihin nito? Sana po ay mapansin mo.

 

KASAGUTAN:

Kung sa totoong buhay, Janice, ay may nagko-construction talaga diyan sa paligid ng bahay na inuwian mo kung saan ikaw ay natutulog, malaki ang posibilidad na “makapanaginip ka nga ng mga taong nagku-construction”, sa partikular  nagpupukpok ng martilyo, nagbubuhat, nagpapala, nagwe-welding at kung anu-ano pang mga tunog na alam mo sa kabilang bakuran ay may kinukumpuning bahay o may ginagawang building.

Naalala ko tuloy noong teenager ako kung saan isinama ako ng Ninong Pedy ko sa Maynila para mag-helper ako sa “iron works” na kanyang kinontrata. Mahusay na welder ang Ninong Pedy ko at noong mga panahong iyon ay bakasyon sa eskuwela at siyempre gusto kong makaranas magtrabaho.

Ang masakit, sabi ng Ninong ko, “Honorio, dahil ikaw ang pinagkakatiwalaan ko sa mga tauhan ko, bantayan mo sila ha, wag kang uuwi tuwing Sabado, sa halip tuwing Linggo ka na lang uuwi ha!” – Yon ang bilin niya sa akin bago siya bumalik patungong Bulacan.

Hindi ko tuloy alam, kung binobola lang ako ng Ninong ko o talagang may tiwala siya sa akin at ako ang taga-bantay ng mga tauhan niya pag-Sabado, kung saan ay may mga nagu-over time, na sa  halip na Lunes hanggang Biyenes lang ang pasok ko, ay nagi-extend pa ko hanggang araw ng Sabado.

At yon nga, dahil yong paligid o lugar na inuuwian namin o ang mismong barracks na tinutulugan namin noong mga panahong iyon ay“puro construction site” ang paligid, kasalukuyan kasing pinapaunlad ang isang lugar noon sa Pasig. Ang nangyayari tuloy, pag-uwi ko sa Bulacan para makapagpahinga na ako, napapanginipan ko pa rin ang mga “taong nagko-constructions” na parang totoong-totoo.

Ang tawag sa ganitong mga panaginip ay “halumigmig ng kahapon” o “mga bakas ng nakaraang mong karanasan, na kamakailan lang nangyari”. Kaya naman sa iyong pagtulog, awtomatikong “buhay pa rin siya sa iyong alaala” ang nasabing mga pangyayari at habang nahihimbing ka “yong mga halumigmig ng lumipas na hindi pa ganap na nage-evaporate sayong memorya” ay siya ngayong lalabas bilang mga panaginip.

Pero siyempre pa “dahil halumigmig nga lamang iyon ng mga nakaran mong karanasan kamakailan lang nangyari” sad to say na walang gaanong kinalaman ito sa iyong unconscious self, kaya hindi ito dapat bigyan diin sa pagi-interpret ng panaginip, dahil tulad ng nasabi “ang mga pangyayaring nabanggit ay hindi naman galing kay unconscious self.”

Pero Janice kung wala namang talagang “construction site o nagko-construction sa paligid ng inyong bahay o sa paligid ng inuuwin at tinutulugan mong silid at nakakapanaginip ka nito, sa madaling salita, ang mga panaginip na ito ay galing mismo kay “unconscious self” ay maaaring ito may nais na ipahiwatig at ipahayag sa’yo.

Ang tanong para lubos mong maunawaan ang iyong panaginip ay ganito: “Sino-sino ba ang mga taong involved sa construction? At bakit ba may constructionna nagaganap?”

Maliwanag ang sagot: “Ang mga nagkuconstruction ay ang mga karpintero, inhinyero, mason o ang mismong nagpapagawa ng bahay o ng isang building at kaya siya nagpapagawa ng bahay ay dahil may gusto siyang baguhin o kumpunihin at minsan ay may gusto siyang pagandahin.”

‘Yan din mismo ang kahulugan ng iyong panaginip, “Lagi kang nanaginip ng may construction dahil may gusto kang kumpunihin o baguhin sa iyong sarili o sa kasalukuyan mong buhay”.

Ang problema, duwag ka, takot ka, o sabihin na nating hindi mo magawa. At dahil takot at duwag ka, hindi mo magawa ang pagbabago na gusto mong gawin sa iyong buhay o sa iyong kapalaran, “sa tuwi-tuwina, sa tuwing matutulog ka, ginugulo ka ngayon ni unconscious self mo, dahil ang totoo “gustung-gusto mo ngang magbago” pero hindi mo nga magawa, kaya “lagi-lagi, o araw-araw o madalas, makakapanaginip ka ng may nagko-construction at iba pang mga kauri o kahawig na panaginip na may ganyang kahulugan.”

At mawawala lamang ito (mawawala lamang ang panaginip mong may nagko-konstraksyon) sa sandaling naipatupad mo na ang pagbabago. Oo pagbabago sa iyong sarili, pagbabago sa iyong career, pagbabago sa iyong hanapbuhay, pagbabago sa pakikitungo mo sa mga mahal mo sa buhay o kung anupaman na dapat mong baguhin. At sa totoo lang, ikaw lamang ang nakakaalam, kung ano talaga ang gusto mong baguhin sa mga bahagi o aspeto ng iyong buhay, nang sa ganon ay hindi ka na makanaginip pa ng may nagko-construction.”

Pero ang ikinaganda sa panaginip mo Janice, siguro dahil nakulitan na rin si unconscious self mo ay ipinakita na niya talaga kung saan, parte ng buhay ang nais mong magkaroon ng pagbabago.

At ito ay ang bahagi ng panaginip mo na sinasabing, “sa may bandang harapan daw po ng bahay namin ang ginagawa.”

Na nangangahulugang “nais baguhin ng unconscious self mo ang panlabas na aspeto ng iyong pagkatao, sa partikular ang pakikipag-ugnayan mo sa lipunan at sa mga taong nakapaligid sa iyo.”

Ibig sabihin hinihingi ng iyong inner self na magkaroon ka ng pagbabago sa personlidad mo kung paano mo ipepresenta ng maayos ang sarili mo sa bawat tao na makakaharap mo, tulad ng mga taong nakatataas sa iyo, o kaya naman ay sa mga co-employee mo, kaibigan , boyfriend , o sa mga mahal mo sa buhay, o kung kaninuman na nakakasama mo sa araw-araw upang sa ganoon ay lalo pang ma-improve ang iyong personality,  patungo sa isang mahusay, ganap, matagumpay at mas maligayang indibidwal.

At sa sandaling sinimulan mo ng “i-construction, kumpunihin at pagandahin ang sarili mo ngayon Janice” tiyak ang magaganap, kailanman ay hindi ka na uli makakapanaginip pa “ng mga tagpo na may nagko-construction!”

SHARE
Previous articleLabs daw ang pamilya pero handang iwanan para sa ibang babae
Next articlePALMISTRY 66: Ang babaeng may diamond sa palad
Si Maestro Honorio Ong ay tubong Bulacan. Anak ng mag-asawang Ka Talia at Kapitan Sucing. Bunso at pinakaguwapo sa sampung magkakapatid. Nagtapos ng Bachelor of Science ,Major in Clinical Psychology sa Far Eastern University, Sampaloc, Manila. Sa University ring ito nag-aral at kumuha ng Master of Arts in Clinical Psychology.

2 COMMENTS

  1. Hello po Maestro Salamat po sa pagsagot ng panaginip ko. At tama po kau meron nga po nagko-construction dto sa ktabe ng bhay nmin, at sa likoran at sa kaharap ng bahay nmin kya npapalibotan po kmi ng mga ginagawang bahay at building. Maraming Salamat Po ulet sa pgsagot ng panaginip ko.

  2. Zelly The Dreamer

    Dear Maestro,
    Anu po kaya meaning ng dream ko? matagal na po ito at hanggang ngayon hindi ko pa rin alam ang meaning or gusto ipahiwatig sak akin.

    1) Uminom daw po ako ng tubig tapos binuga ko sa lupang de semento. Nagalabasan lahat ng insekto, scorpion, alupihan, etc. Nuong una di ko sila matapakan. Pero nag korteng ” L ” sila at saka ko sila natapak.

    2.) Last po, nakita ko po ang higanteng tila gawa sa buhangin na kulay sand. Kakulay niya ung buong paligid. Tapos nakita ko na may tiny spark na ilaw at un daw si God. Napakaliit ng ilaw na yun at natawa pa yung higanteng mala demonyo at sabi pa niya, kayang kaya niya raw yun magapi. Nuong una, nakaramdam ako ng takot kasi pakiramdam ko ako ung maliit na ilaw na yun, pero sumugod pa rin ung maliit na ilaw. Inipit ung ilaw ng mala higanteng kamay ng demonyo pero nagsisigaw ito at natunaw… Nakita ko rin ang sarili ko na tila nanunuod ng TV, nag ask daw ako, “God, bakit po natalo ang devil?” Ang sagot ni God, ” dahil sa EGO niya”

    Pasenysa na po kung mahaba and salamat po in advance sa pagsagot.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here