Laganap na ang HIV sa Pinas: Paano na ang mga mahihirap?

1611

Unti-unti nang lumalaki ang bilang ng mga Pilipino na naging positibo sa HIV. Ang Pilipinas ay isa sa may pinakamataas na numero sa mga taong may HIV at naging alerto na ang mga doktor at health clinics. Ayon sa balita, higit sa 100 % ang itinaas ng kaso ng HIV sa bansa sa loob lamang ng anim na taon.

Ano nga ba ang HIV/AIDS?

Ang HIV o ang human immunodeficiency virus ay kilala bilang isang lentivirus kung saan ito ay responsible sa paglaganap ng HIV infection na pwedeng maging sanhi ng mas malalang sakit. Ang HIV ay pwedeng maging AIDS o auto-immunodeficiency syndrome. Ang pangunahing pakay ng sakit ay sirain ang immune system ng isang tao. Maari itong magdulot ng malubhang karamdaman o pagkamatay.

Sa ngayong taon, wala pa ring nakitang lunas para sa HIV, kaya kung mayroon kang ganitong sakit ay pang habambuhay na ito. Mayroon mang iba’t ibang gamot sa sakit na ito, ngunit mahal at hindi pa rin makapagbibigay ng lunas. Pwede lang nitong ibsan ang sakit at pahabain ang buhay ng isang tao, pero hindi ito makakapagbigay ng permanenteng lunas.

Ang antiretroviral therapy o ART ay paraan din para makaiwas ka sa HIV. Binababaan man ito ang posibilitad na pwedeng makahawa ang HIV, hindi pa rin garantisado na tuluyang ligtas na sa panganib ang pasyente.

Nagkaka-AIDS parami na nang parami

Naglabas ng ulat ang UNAIDS kung saan ipinakita na higit pa sa 140 percent ang pagtaas ng kaso ng HIV. Ito ay pinakataas na itinala mula nung 2010 hanggang 2016. Sa anim na taon, ibinalita na 4,300 na ang bilang nang mga bagong naimpeksyon kung saan naging alerto na ang mga manggagamot.

Hindi man ang Pilipinas ang pinakamaraming AIDS victims sa buong mundo pero patuloy itong tumataas at pwedeng maging epidemya, ayon sa kay per Eamonn Murphy, the Director of UNAIDS Regional Support Team para sa Asia Pacific.

“If HIV programming is re-directed to focus on the people most at risk and where they are located, I’m sure the country cannot only return to a stable situation but even end the AIDS epidemic as a public health threat by 2030,” Murphy stated during his speech.

Ang Pilipinas ang may pinakamataas na bilang ng HIV Infection

Ayon sa Philippine Star na inilabas noong Hulyo, ang Pilipinas ay ang may pinakamaraming bilang na nagkaroon ng HIV  sa buong Asya. Ayon sa report na inilabas noong 2016, 83 porsyento sa mga pinakabagong kaso ng HIV ay naitala ng DOH, ang may pinakamataas na kaso ay bilang ng mga lalake na nakipagtalik sa mga bading. Kasunod nito ay ang mga transgender.

Karamihan sa mga transgender na nasa  edad  15 hanggang 24 ay positibo sa HIV. kahit na gumagamit ng proteksyon ang iba, hindi pa rin sila naging ligtas sa p aglaganap ng HIV.

Breaking the Stigma

Alam ng karamihan na ang Pilipinas ay isa sa mga pinakarelehiyosong bansa sa buong mundo. Hindi normal sa karamihan ang mag-usap tungkol sa pre-martial sex. Binibigay man ang proteksyon kahit saan, hindi pa rin komportable ang karamihan na pag-usapan ang mga ganitong topic.

“In the Philippines, condoms are readily available for retail sale at pharmacies and convenience stores. However, a legal restriction embodied in the Responsible Parenthood and Reproductive Health Act of 2012 (Republic Act No. 10354, known as the RH Law) prohibits condom purchases by individuals under the age of 18 without parental consent. As a result, retail store employees routinely refuse to sell condoms to youths or demand that they provide identification proving their age, which can be off-putting even for those over 18,” the HRW report said.

Nangingibabaw ang pagiging mahiyain sa pagbili ng Birth Control

Pwede mang makabili ng proteksyon ang karamihan sa mga drug store at pharamacy, nagingibabaw pa rin ang kahihiyan. Karamihan sa mga taong positibo sa HIV ay nahihiyang bumili nga proteksyon sa takot na pwede silang husgahan. Ginagawan ng gobyerno ng paraan upang maging mababa ang bilang ng mga magiging positibo sa HIV. Namimigay sila ng libreng condom sa mga health center kasama sa mga hygene kits.

 “Human Rights Watch spoke to many people with HIV age 18 to 35 who described their unease when buying condoms. Although the government provides free condoms at public social hygiene clinics (SHCs), which provide no-cost contraceptive supplies and family planning services, many Filipinos will not visit SHCs because they carry a social stigma related to their outreach activities for commercial sex workers,” it added.

Lunas ng HIV hindi lamang para sa maykaya, pero para din sa mga mahirap

Sa kaalaman ng lahat, mahal talaga ang gamot sa HIV. Ang mga mayayaman lang ang makakabili agad ng pamsamantalang lunas, pero ang mga mahihirap ay malabo. Gayunman, sinisiguro pa rin ng gobyero na mabigyan ng tulong ang mga nagangailangan kung saan nag bibigay sila ng libreng gamot at screening sa mga centre. Higit sa 10,000 ang nabigyan ng tulong ng gobyerno at patuloy itong tumutulong para maibsan ang tuluyang paglaganap ng HIV sa bansa.

Note:

Kung sa tingin mo ay positibo ka sa HIV, pero alanganin na humingi ng tulong dahil sa kakapusan sa pera, maaring pumunta sa pinakamalapit na Health Center. Ang mga centre ay nagbibigay ng libreng screening, at nagbibigay din ng gamot upang maibsan ang problema sa paglaganap ng HIV.

Sources:

http://www.onlymyhealth.com/sex-education-in-schools-pros-cons-1310535352

https://www.avert.org/about-hiv-aids/what-hiv-aids

https://www.hiv.gov/hiv-basics/overview/about-hiv-and-aids/what-are-hiv-and-aids

http://www.philstar.com/headlines/2017/08/01/1723570/report-philippines-has-fastest-growing-hiv-epidemic-asia-pacific

https://www.hrw.org/news/2017/08/01/philippines-hiv-epidemic-declared-national-emergency

http://www.philstar.com/headlines/2017/08/02/1723930/national-emergency-philippines-urged-address-hiv-epidemic

http://www.philstar.com/headlines/2015/07/06/1473818/doh-over-10000-hiv-patients-getting-free-treatment

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here