Labis Na Pangungutang, Isa Nga Bang Sakit?

Isa nga bang sakit ang labis at paulit-ulit na pangungutang? Tayong mga Pinoy ay sadyang mahilig mangutang. Marami sa atin na konting kibot ay nakadepende sa utang. Yung tipong kahit hindi importante ay ipanghihiram ng pera. Tulad na lamang ng kaarawan na maaari namang ipagdiwang ng walang handa o kaya ay simple lang, pero dahil sa dami ng inimbita at gusto itong maging espesyal ay kakapusin sa budget at tatakbo sa mauutangan gaya ng bumbay at 5’6. Isa pang halimbawa ay kapag may gadget kang gustong bilhin na kung tutuusin ay pwede naman sanang pag-ipunan na lang pero hindi ka na makapaghintay na magkaroon nito kaya ipangungutang na lang. Marami tayong dahilan kung bakit tayo nakakapangutang ng madalas na pwede sanang maiwasan kung ito ay pag-iisipan munang mabuti. Pero paano kung hindi ka talaga makakaiwas dahil ito pala ay isang sakit na lingid sa iyong kaalaman?

Ang pangungutang ay isang senyales ng obsession sa pera. Yung tipong matamlay na matamlay ka kapag hindi ka nakakahawak nito at hindi ka kuntento kung konti lang. Hindi lang ito basta pagka-greedy kundi isang obsession o yung tinatawag na obsession of money disorder. Kahit overtime ka nang overtime sa work ay hindi pa rin sumasapat sa’yo ang pera na iyong kinikita kaya ang tendency ay mauuwi ka pa rin sa pangungutang para lang masatisfied ka sa perang iyong nahahawakan. Kung ikaw naman ay madalas makapanghiram ng pera dahil sa wala sa lugar mong paggastos, ito ay ikinokonsidera bilang senyales ng pagkakaroon ng bipolar disorder. Yung tipong kapag may nagustuhan kang bagay, kahit alam mo na nasa gitna ka ng kagipitan ay pipilitin mo pa rin na magkaroon nito dahil sa iyong matinding pagnanais kaya naman ang tendency ay maghahanap ka ng mauutangan. Sa makatuwid, ang labis at paulit-ulit na pangungutang ay may kaugnayan sa obsession of money disorder at bipolar disorder.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here