Laban Kontra Malnutrisyon, Kakayanin ba ng Gobyerno?

1031

Nang isang araw, naisipan kong bumisita sa Daycare Center na nasa kabilang barangay upang ma-inspire at makapagsulat. Ako ay napadalaw sa isang centro sa Barangay 19, isa sa pinakamaliit na barangay sa Bacolod City, Negros Occidental. Kahit na medyo maliit ang populasyon sa nasabing barangay, isa ito sa pinakakilalang lugar sa Bacolod nang dahil sa sunog na nangyari noong 2009. Labing siyam na tao ang namatay nu’ng kinain ng apoy ang higit sa 60 na tahanan. Mahigit isang daang pamilya ang nawalan ng matitirhan at pangkabuhayan. Malagim man ang kanilang napagdaanan, agad silang nakaahon dahil sa tulong ng iba’t ibang organisasyon at mga karatig-bayan.

Walong taon pagkatapos ng malaking sunog, naglakad ako patungo sa Daycare Center kung san sinalubong ako ng mga tao doon. Karamihan sa kanila ay nakangiti at sabik na sabik akong tulungan. Sinamahan ako nga mga bata papunta sa loob ng Center. Maganda ang dekorasyon, makulay ang kapaligiran, malinis, maganda sa mata at kaaya-aya para sa mga bata. Malaki ang silid aralan, kasya ang higit 30 estyudynte.

Alas dose nang dumating ako, kakatapos lang ng klase. Nagkataon na sinalubong ako ng dalawang guro. Mayroon silang masayahin na aura, ‘yung katulad ng tiyahin kong medyo strikto pero mabait. Sa unang pag-uusap pa lang, naging komportable kaagad ako. Niyaya nila akong magkape at siyempre pumayag ako (sana lang naman may binigay ako sa kanila, kahit tinapay lang man).

Una kong tinanong ay kung kamusta sila. Ano ang ginagawa nila sa araw-araw at kung kamusta ‘yung mga bata. Kahit na pagod sila, nakuha pa rin nila akong kausapin. Marami silang estudyante, 30 ang nag-enroll ngayong taon. Isa sa mga guro ay si Miss Tinosan,, nagkuwento siya tungkol sa pang araw-araw nilang gawain. Pumapasok ang mga estyudente alas-otso ng umaga, apat na oras ang kanilang klase, at natatapos ito alas dose ng tanghali. Bawat araw ng pasukan, mayroon silang routine check, kung saan tinitingnan ang kani-kanilang temperature, hinuhugasan ang kanilang kamay, ang sinigiguro na malinis sila. Pagkatapos nito, sabay-sabay silang nananalangin at pinapa upo.

Mayroon pang araw araw na circle time ang mga bata, natututo silang kumanta, magsulat at magbasa. Kaya sa recess, binigigyan sila ng pagkain, arroz caldo at juice.

Nagulat ako sa pagiging maayos at organisadong pamamalakad ng silid-aralan. Ang mga pagkain ng mga bata ay hinahain araw-araw kasama na dito ang juice. Medyo natuwa ako sa pamamalakad ng gobyerno dahil buong akala ko sila ang nagbibigay ng budget para sa mga pangagailangan ng mga bata. Nang nakausap ko si Ma’am Tinosan, naikuwento nito na sariling pera ang ginagamit niya upang tustusan ang gastos ng mga estudyante. Bawat suweldo, bumibili siya ng hygiene kits, pagkain at bigas para sa mga bata. Laking gulat ko nang nalaman ko na sariling pera niya ang ginagamit upang maibigay ang mga pangangailangan ng mga bata.

Nang tinanong ko siya kung magkano ang kanyang kinikita, ayaw niyang sabihin kung magkano, pero sabi niya hindi sapat sa pang araw-araw niyang gustusin. Buti na lang lahat ng mga anak niya ay nasa ibang bansa, kaya pinapadalhan lang siya buwan-buwan para sa kanyang mga pangangailangan. Kung magkano man ang kanilang kinikita, ayon kay Ms Tinosan at Ms Vadez, hindi ito sapat sa pang-araw-araw na gastusin. Kulang man ang mga pangagailangan, nakuha pa rin ni ng dalawang guro na mag bigay ng pangangailangan ng kani-kanilang estudyante.

Ano ang kayang gawin ng gobyerno?

Ang tulong ng gobyerno ay masyadong minimal, at hindi ito sapat na tustusan ang mga pangangailangan ng mga batang nabubuhay sa kahirapan. Noong 2016, may budget para sa mga estydyante, upang labanan ang malnutrisyon sa banda.

Inaprubahan ng senado na taasan ang halaga sa isang bilyon, kung saan laan lamang ito sa pagkain ng mga bata. Ipinaubaya ito sa Department of Social Welfare and Development. Ang halaga ay tinaasan sa 4.427 billiyon sa 2017. Ang budget na ito ay makakapakain sa 1.74 milyon na bata sa loob ng 120 na araw.

Napakaliit na Budget Para sa Feeding Program

Ayon kay Senate Minority Leader Ralph Recto, kailangan dagdagan ang budget para sa laban kontra malnutrisyon dahil napaliit nito. Mas Malaki ang perang mawawala sa Pilipinas kung tuluyan nitong pabayaan ang malnutrisyon kesa may laan ng budget para maibsan ito.

An amount that is small compared to the estimated P328 billion annual economic losses caused by childhood malnutrition, if we are bothered by the small food budget given to convicts, then we should be outraged over the pitifully smaller allocation for meals of children in Daycare Centers and Schools,” sabi ni Recto nung tinalakay nila ang tungkol sa budget na ilalagay para sa feeding programs.

Ang Implementasyon

Inaprubahan ng mga mangbabatas ang budget na 8.9 billion para sa programa na tapusin ang malnutrisyon sa bansa. Sa plano na tapusin ang malnutrisyon sa Pilipinas, ang mga mambabatas at mga guro ay nagtutulungan para matapos ang suliranin laban sa malnutrisyon.

“The school feeding program ensures that our children are properly nourished to enable them to grow up healthy, smart and alert. At the same time, by institutionalizing this program, we are giving livelihood opportunities for local producers and suppliers, as the ingredients for the menu will be sourced from them,” ayon kay Sen Grace Poe nu’ng tinalakay nila ang tungkol sa malnutrisyon.

Anong pwede natin gawin?

Hindi man madaling ibsan ang gutom sa bansa, pero pwede itong maiwasan kung may tutulungan ang mga komunidad na tapusin ito. Ang edukasyon ay isa sa mga paraan kung paano matapos ang malnutrisyon sa bansa.

Editor’s Note: Ang mga programa ng gobyerno at ang nilalaan na budget ay sinasang-ayunan lamang sa pangangailangan ng isang sektor o organisasyon. Mahirap man tanggapin, pero pag walang tulong galing sa mga karatig bayan may mga proyekto na tila hindi makamtan at magawa nang dahil sa kakulangan ng pera at manggagawa upang ipapatupad ang mga proyekto para sa mga mahihirap.

Ngayong Oktubre, ang mga tauhan ng PhilippineOne ay bibisita sa mga Daycare Center upang mag-alok ng tulong para masigurado na hindi makakaranas ng gutom ang mga bata. Kung nais ninyong mag-abot ng tulong, mag-email lang kayo sa info@philippineone.com

 

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here