Laban Kontra Droga vs. Karapatang Pantao: Nasaan Ba ang Pagiging Makatao at Hustisya?

1
23248

Kristine Joyce M Belonio

Kristine Belonio is a registered medical laboratory scientist and DOH-trained screening drug test analyst who hopes for a drug-free Philippines. And though she loves to do all the “bloody” work and analyze other bodily fluids, she’s also an aspiring journalist with a thorough know-how on the rudiments of news, feature and editorial writing.

“Ang karapatan para mabuhay ay nangangahulugan sa pagpapahintulot sa mga tao na mabuhay at hindi pagpatay, pagpapahintulot sa kanila na lumago, kumain, mag-aral, pagalingin, at pahihintulutan na mamatay na may dignidad.” — Pope Francis

Ang mga karapatang pantao ay itinuturing na mahahalagang elemento ng karamihan sa mga kontemporaryong at demokratikong pamahalaan. Ang mga hanay ng mga kalayaang sibil na ito ay nagpapahintulot sa mga tao na mamuhay nang may kapayapaan at may dignidad. Pinoprotektahan din nito ang lahat ng mga indibidwal mula sa anumang pang-aabuso sa lipunan, legal at pampulitika anuman ang kanilang kulay, kasarian, lahi, nasyonalidad, relihiyon, katayuan sa lipunan, at pampulitika na pananaw, paniniwala, at kaugnayan, bukod sa marami pang iba. Samakatuwid, dapat silang igalang na walang panghuhusga o pagtatangi.

Ang mga karapatang pantao ay nabibilang sa bawat indibidwal at walang sinuman ang makakakuha nito maliban lamang sa mga iilang pangyayari. Ang mga ito ay mayroon ding maraming klasipikasyon kabilang ang indibidwal, kolektibo, sibil, pampulitika, pang-ekonomiya, panlipunan at kultura. Ayon sa United Nations, ang karapatang pantao ay “unibersal at hindi maikakait, malaya at hindi nahahati, at pantay at hindi namimili.” Iyon ang dahilan kung bakit ang pag-alis ng mga karapatang pantao ng isang tao ay napapailalim sa angkop na proseso, ayon sa nabanggit ng Rappler.

Kahit na responsibilidad ng estado o ng pamahalaan na “respetuhin, protektahan at tuparin” ang mga karapatang pantao ng mga mamamayan, ang katotohanan ay nananatiling mayroong maraming kaso ng mga paglabag sa karapatang pantao sa buong mundo. Kaya naman hindi kataka-taka na makita, marinig at matutunan na maraming Pilipino ang nagsalita tungkol sa mga karahasan sa karapatang pantao sa Pilipinas sa gitna ng kampanyang “Laban Kontra Droga” ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ang malawak na krusada ni Duterte kontra droga ay iniulat na pumatay ng 13,000 katao. Ang numerong ito ay lubos na nakakagulat at ang gayong karahasan ay nakakuha ng maraming pamimintas mula sa mga pambansang at pandaigdigang komunidad, na nag-iwan ng mga malalaking tanong na ito – Ang kampanyang “Laban Kontra Droga” ay nagbigay ba ng karapatan kay Duterte, sa pwersa ng pulisya ng bansa o sinumang Pilipino ang pumatay? Nasaan na ba ang etika ng pagiging makatao sa gitna ng mga di-makatwirang mga karahasang ito?

Katipunan ng mga Karapatan

Ipinapahayag ng Artikulo III Seksyon 1 ng 1987 Konstitusyon ng Pilipinas o ang Katipunan ng mga Karapatan ipinapahayag na “Hindi dapat alisan ng buhay, kalayaan, or ari-arian ang sino mang tao nang hindi kaparaanan ng batas, ni pagkaitan ang sino mang tao ng pantay na pangangalaga ng batas.” Ang Seksyon 14 -1, sa kabilang banda, ay nagsasaad, “Hindi dapat papanagutin sa pagkakasalang kriminal ang sino mang tao nang hindi kaparaanan ng batas.”

Ngunit sa mga kasalukuyang sitwasyon sa Pilipinas, ang mga nabanggit na mga pagpapahayag ba ay naaangkop pa rin? Tandaan, ang artikulong ito ay hindi naglalayong pumuri o pumuna sa administrasyong Duterte o sa kampanya nito. Hinahangad lamang nito na maghatid ng ilang mga pananaw sa karapatang pantao na walang kinikilingan at sa mga posibleng paglabag dito na nauugnay sa mga kasalukuyang isyu na hinaharap ng mga Pilipino o ng Pilipinas.

Si Duterte bilang Pangulo at ang kanyang Kampanya kontra Droga

Kasunod ng kanyang pag-akyat sa kapangyarihan bilang ika-16 na pangulo ng Republika ng Pilipinas, ang 72-taong-gulang na si Rodrigo Duterte ay naging masigasig sa pag-alis ng mga masasamang ugat ng droga sa bansa. Batay sa mga istatistika mula Hulyo 1-Agosto. 30, 2016, tinatayang may 626,368 (97.84%) na mga gumagamit o tumutulak ng droga ang sumuko sa mga awtoridad, habang may 12,920 (2.02%) na mga suspek ang naaresto.

Bukod dito, ang pulisya ay bumisita rin sa 555,018 bahay at 812 na mga search warrants ay ipinatupad at 895 na suspek (0.14%) ang napatay. Sa kabila ng mga akusasyon na ang presidente ay kasangkot sa mga extra judicial na pamamaslang na nauugnay sa kampanya laban sa droga ng administrasyon, sinabi ng pangulo na alam niya ang kanyang mga limitasyon sa pagpapatupad ng kapangyarihan at awtoridad ng pinuno ng bansa.

Bilang isang abogado at dating taga-usig, alam ko ang mga limitasyon ng kapangyarihan at awtoridad ng pangulo,” sabi ni Duterte sa kanyang talumpati noong Hunyo 30, 2016. “Ang aking pagsunod sa angkop na proseso at ang patakaran ng batas ay matatag at tiyak.”

Sa kanyang SONA noong Hulyo 25, 2016, binalaan ni Pangulong Duterte ang pwersa ng pulisya ng bansa na huwag abusuhin ang awtoridad nito, sabay sabi na “magiging impiyerno ang kabayaran” sa oras na may pang-aabuso. Gayunman, binigyang diin ni Duterte na kung gagawin nila ang kanilang trabaho ng maayos, magtatanggap nila ang kanyang matibay at buong suporta. Bukod dito, inutusan din ng pangulo ng Pilipinas ang agarang “imbestigasyon at adjudication ng mga kasong administratibo laban sa mga opisyal ng pulisya na kasangkot sa kriminal at iligal na gawain.”

Shoot-to-Kill Orders

Ang malawak na kampanya ni Duterte kontra droga ay naging kontrobersyal din sa mga pambansa at internasyonal na komunidad dahil sa kanyang diumano’y “shoot-to-kill” order. Sa kanyang pagsasalita noong Agosto 17, 2016, sinabihan ni Duterte ang mga kapulisan ng bansa at “barilin at patayin” ang mga indibidwal na may marahas na paglaban o sa mga pagkakataon kung saan ang buhay ng mga opisyal ng pag-aaresto ay nasa panganib o nanganganib. Ngunit, binigyang diin ng pangulo na huwag pumatay kung ang mga buhay ng mga opisyal ng pag-aa     resto ay hindi nanganganib.

HUWAG kang papatay kung  HINDI nasa panganib ang iyong buhay,” sinabi ni Duterte sa pulisya. “Ngunit kapag mayroong marahas na paglaban, sa gayon inilalagay sa panganib ang iyong buhay, bumaril ka at barilin mong hanggang kamatayan.”

Sa kabila ng mga naunang pahayag ni Duterte at ang pagtaas ng vigilante o extra judicial na pamamaslang, ang administrasyon ay lubos na itinanggi ang koneksyon ng presidente sa mga pangyayaring ito. Sa katunayan, binibigyang-diin nila na hindi mag-aaksaya ang oras si Pangulong Duterte sa paggawa ng mga bagay na iyon. Idinagdag ng mga kaalyado at tagasuporta ni Duterte na ang mga pagpatay ay maaaring may iba’t ibang mga kadahilanan tulad ng mga kartel ng droga, mga druglords na kumukuha ng mga mamamatay-tao upang patayin ang mga gumagamit at/o mga nagtutulak ng droga na sumuko sa mga awtoridad upang maiwasan ang mga ito na ilantad ang kanilang mga pagkakakilanlan o ang mga pamamaslang ay walang kaugnayan sa kampanyang “Laban kontra Droga.”

Bukod dito, sinabi rin ng administrasyon ang mga pulis na kasangkot sa droga ay tinanggal sa tungkulin, inimbestigahan at inuusig. Pinangalanan rin ni Duterte ang ilang mga opisyal ng gobyerno na iniulat na kasangkot sa kalakalan ng bawal na gamot sa bansa.

Mga Pang-aabuso sa Karapatang Pantao at mga Protesta Kontra Droga

Sa mga kamakailang isyu na nakapalibot sa kontrobersyal na pagpatay sa 17-taong-gulang na si Kian Loyd Delos Santos, ang kahalagahan ng mga karapatang pantao ng Pilipino ay binigyang diin. Sa katunayan, ang kamatayan ni Delos Santos ay nagbunga ng napakalaking pampublikong protesta kung saan libu-libong mga demonstrador ang nagprotesta sa mga kalye ng Maynila upang batikusin ang “Laban Kontra Droga” ni Duterte.

Si Delos Santos ay naiulat na kinaladkan ng mga pulis na nakadamit sibilyan sa isang madilim na eskinita bago siya binaril sa ulo at iniwan sa tabi ng isang kulungan ng baboy. Siya ay isa lamang sa maraming namatay o pinatay na may kaugnayan sa kasalukuyang kampanya laban droga ng administrasyon. Ayon sa Philippine Daily Inquirer, walang kalaban-labang tinedyer ay “inabutan ng baril at inutusang tumakbo” subalit sa salaysay ng mga saksi at pamilya ni Delos Santos, ang binatilyo ay inosente at walang koneksyon sa kalakalan ng droga o bawal na gamot sa bansa.

Upang suportahan ang panawagan para sa katarungan ng kamatayan ni Delos Santos at iprotesta ang madugong laban kontra droga ni Duterte, nagpasya ang Simbahang Romano Katoliko sa Pilipinas na patunugin ang mga kampana ng simbahan tuwing gabi sa susunod na tatlong buwan. Iniulat ng BBC na hiniklayat ni Manila Cardinal Luis Tagle ang administrasyon na “itigil ang pag-aaksaya ng buhay,” habang idinagdang ni Archbishop Socrates Villega na ang bansa ay magulo dahil ang mga “opisyal na pumapatay ay gagantimpalaan at ang mapapatay ang nakakakuha ng sisi.”

“Ang mga ilegal na mga problema sa droga ay hindi nararapat gawing isang pampulitika o kriminal na isyu,” sinabi ni Tagle sinabi, batay sa ulat ng NPR . “Ito ay isang makataong tungkulin o pananagutan na nakakaapekto sa ating lahat.”

Mga Suporta at Pang-aabusa sa “Laban Kontra Droga”

Siyamnapung-pitong porsyento ng mga Pilipino ang sumusuporta kay Pangulong Rodrigo Duterte. Iyon ang dahilan kung bakit hindi nakakagulat na malaman na maraming mga Pilipino ang sumusuporta sa kampanya kontra droga ng administrasyon. Sa katunayan, ito ay nananatiling sikat sa kabila ng maraming pagbabatikos.

“Ang mga Pilipino ay patuloy na sinusuportahan si Pangulong Duterte dahil ang mga taong ito ay direktang apektado ng banta ng droga, at ang mga ito ay ang mga taong direktang nakadadama ng mga epekto ng paghawan ng mga karakter ng droga sa kapaligiran,” sinabi ng lokal na komentarista na si Aveen Acuña-Gulo sa Asia Times .

Sa kabila ng suporta ng maraming mga Pilipino, ang mga pampublikong panggigipit kamakailan ay nagtulak sa pagamin ni Pangulong Duterte tungkol sa mga posibilidad ng mga pang-aabuso sa pagpapatupad ng kanyang inisyatibong kontra droga. Ayon sa Aljazeera, sinabihan ni Duterte ang mga reporters noong Aug. 21 na yaong may mga abusadong pulis na sumisira sa kredibilidad ng pamahalaan.

Gayunpaman, dalawang araw matapos ang libing ni Delos Santos at ng mga protesta, inutusan ni Duterte ang pulisya na okay lng na “patayin ang mga ungas na marahas na lumalaban sa pagdakip o pag-aresto.” Ngunit sa isang hiwalay at kontradikadong pahayag, binalaan niya at pinaalahanan ang mga pulisya ng kanilang obligasyon sa “panindigan ang tuntunin ng batas” at nagbabawal sa pagpatay, pagpaslang sa kapwa, at labag sa batas na pagpatay, base sa binanggit ng Fox News.

 Panaghoy para sa Hustiya

Sa kabila ng ilang mga protesta at mga pangbabatikos, kinuwestiyon ng mga tagasuporta at loyalista ni Duterte ang mga motibo at intensyon ng mga nagsasalita laban sa kampanya kontra droga ng administrasyon — lalo na yung mga nagprotesta, ang Simbahan at ang Komisyon sa Karapatang Pantao.  Sa katunayan, ang mga simbahan sa paligid ng lungsod ay nagpatunog ng kanilang mga kampanilya bilang tanda ng protesta.

Gayunpaman, napagtanto ko na ang mga kamakailang pagprotesta ay nag-iwan ng ilang mga katanungan — bakit walang pampublikong protesta o pagpapatugtog ng mga kampanilya ng simbahan kapag ang balita tungkol sa mga biktima na brutal na pinatay ng mga adik ay lumalabas o iniulat sa telebisyon? Bakit walang pulitiko ang lumalaban para makamit ng mga biktima o kanilang pamilya ang hustisya? Bakit ang mga kalye ay biglang naging tahimik kahit maraming biktima ang brutal na pinapatay ng mga adik?

Ang mga tanong na ito ay binigyang diin rin ng mga tagasuporta ni Duterte at walang anumang pagkiling, sa palagay ko lahat sila ay may punto. Kung si Delos Santos ay inosente, ang mga biktima o nabibiktima ay inosente rin. Gawin nating halimbawa ang isang babaeng buntis na brutal na pinapatay ng isang adik sa Siquijor.

Ipinahayag ng ama ng biktima ang kanyang galit sa social media dahil ang kamatayan ng kanyang anak ay hindi binigyang pansin ng publiko at ng mga mambabatas. Ngunit, kapag ang mga adik ang napapatay, ang mga protesta at mga pambabatikos ay nagiging laganap. Ang mga demonstrador, mga lider ng simbahan at pulitika ay mabilis na pinagtatanggol ang mga napatay na mga adik o nagtutulak ng droga. Ngunit paano naman ang mga biktima? Ano ba ang ginagawa o nagawa nila para sa kanila? Nasaan ang tinatawag na hustisya?

Kahit na lubos kong nauunawaan ang punto ng simbahan at ng iba pang mga kritiko, kung saan dapat protektahan at panatilihin ang mga karapatang pantao at ang karapatan na mabuhay ng mga nagkasalang ito, hindi ko maunawaan kung bakit ang lahat ay tila madaling maawa kapag ang isang adik o pinaghihinalaang gumagamit o nagtutulak ng droga ang napapatay. Sa katunayan, maraming tao ang handang umalalay at tumulong sa kanila. Ngunit para sa mga biktima at kanilang mga pamilya, sino ba ang dumadamay sa kanila sa panahon ng mga pagdadalamhati?

Sa palagay mo ba maraming mga Pilipino ang nagiging hindi sensitibo at bias sa mga isyung ito? Tila madali para sa publiko ang protektahan o ipagtanggol ang mga nagkasala habang ang mga biktima ay hindi napakikinggan.

Naniniwala ako sa karapatang pantao, lalo na sa pagtataguyod ng karapatan ng isang tao na mabuhay. Maaaring hindi ako lubos na sumasang-ayon sa paraan ng pagpapatupad ni Duterte ng kanyang kampanya kontra droga ngunit naiintindihan at nararamdaman ko rin ang sakit na nadadama ng mga pamilya ng mga biktima na nawalan ng mga kapamilya dahil sa droga. Ngunit lubos akong nalulungkot kung paano nakakakuha ng simpatiya sa buong bansa ang mga ang mga suspek na sangkot sa kalakalan ng droga habang ang mga nabibiktima ay inilibing lamang nang walang anumang pagkilala o protesta.

Kaya nais ko lang magtanong, ano sa palagay mo ang tunay na isyu sa lahat ng mga trahedyang ito? Kung iisipin natin ng maigi, ang pangunahing isyu dito, sa palagay ko ay ang pagtataguyod ng KARAPATANG PANTAO ng bawat mamamayan. Ang iba ay maaaring magtanong — kung paano nga ba ang karapatang pantao ng mga biktima? Oo, lubos kong naiintindihan iyon, lalo na ang paniwala na kung ititigil natin ang mga malawakang kampanya kontra droga, tayo ay nabigong magbigay ng hustisya sa mga biktima. Ngunit hayaan mo akong tanungin ang mga tanong na ito — ang pagpatay ba sa lahat ng kriminal na ito ay magbibigay ng hustisya o katarungan sa mga biktima? Maibabalik ba ang mga buhay ng kanilang mga biktima kapag sila ay mamamatay?

Mata sa mata

Kung ilalagay ko ang aking sarili sa posisiyon ng mga kapamilya ng mga biktima, naunawaan ko ang pananabik para sa paghihiganti at katarungan. Kahit ako, gusto ko ring patayin ang pumaslang sa mga mahal ko sa buhay, kung saan ang lumang kasabihan, “mata sa mata; ngipin sa ngipin,” ay magiging katotohanan. Gayunpaman, ang kuwento ni Delos Santos at ang mga ulat na nabasa ko sa mga nakaraang linggo ay naghimok sa akin na mapagtanto na ang mga tao ay madalas nalilito sa tunay na kahulugan ng paghihiganti at katarungan.

Ang mga tao ay natututong magalit at magnais na makapaghihiganti kapag nasaktan sila, at dahil mas ninanais nilang makamit ang katarungan, mas lalo nilang pinag-iisipan ang paghihiganti. Ngunit, sa halip na makamit ang katarungan, tayo ay kadalasang nakukulong sa mapanirang siklo ng galit, kung saan tayo ay nabubulag sa paniniwala na sa pamamagitan ng pagpaparusa sa mga kriminal, makakamit natin ang pinakamatamis at inaasam na tagumpay.

Sa nakalipas na ilang buwan, maraming buhay ang nasayang. Subalit, may nagbago ba talaga? Habang maraming tao ang napapatay ng mga pulisya, ang mga Pilipino ay mas nawawalan ng pang-unawa sa sangkatauhan. Habang sinusuportahan natin ang mga pamamaslang, hindi natin sinasadya maging katulad ng mga kriminal na walang pagpapahalaga sa buhay. At habang nagpapatuloy ito, ang pananabik sa katarungan at paghihiganti ay nagiging walang kabuluhan at hindi maampat, at ang mga pagpatay ay hindi kailanman magiging sapat.

Batay sa aking mga personal na obserbasyon, ang problema sa paraan ng pag-iisip at reaksyon ng karamihan sa mga Pilipino sa bagay na ito ay ang kanilang pang-unawa sa katarungan at ang paniniwalang parusahan ang mga nagkasala, kung saan marami ang naniniwala na magkasingkahulugan ang mga ito. Ngunit ang talagang nangyayari sa ating lipunan ay isang malatrahedyang kaguluhan na kumukulong sa maraming tao sa isang bilangguan ng kapaitan — pinagbabayaran ang krimen ng iba at nagbibigay sa iba ng kasiyahan na pagmasdan silang nagdurusa.

Hindi ba natin kayang ipaubaya sa angkop na proseso ng batas ang mga kasalanan nila? At ang pinakamahalaga, ang kanilang mga pagkakamali o ang kampanyang “Laban Kontra Droga” ni Duterte ay batayan ba para magkaroon ng karapatan ang pamahalaan na patayin sila? Hahayaan ba natin na lamunin tayo ng poot, kawalang-katarungan, at paghihiganti?

Alam nating lahat ang mga sagot sa mga tanong na ito. Sino o anuman ang ipinaglalaban o sinusuportahan mo, alalahanin natin na lahat ng tao (mabuti o masama) ay may karapatang mabuhay sa kapayapaan at may dignidad at ito ang legal at moral na responsibilidad ng gobyerno na protektahan, respetuhin at tuparin ang mga karapatang pantao ng mga mamamayan. Si Arthur Conan Doyle ay minsang nagsabi na, “Walang kasiyahan sa paghihiganti maliban kung ang nagkasala ay may oras upang mapagtanto kung sino ang sumalakay sa kanya, at kung bakit ang pagpaparusa ay dumating sa kanya.”

Ang determinasyon ni Duterte na gawing ng isang drug-free na bansa ang Pilipinas ay talagang kapuri-puri ngunit sa palagay ko, ang gobyerno ay dapat makahanap ng iba pang paraan upang isagawa o ipatupad ang kampanya nito, at hindi sa pamamagitan ng pagpatay. Dapat din na pag-isipan ng administrasyon ang pangmatagalang epekto ng kampanya laban sa droga sa mga batang Pilipino, lalo na pagkatapos ng kontrobersyal at maagang kamatayan ni Delos Santos. Hindi kailangan ng mga Pilipino ang paniniil, ang mas importante ay pagiging makatao, may katarungan, at kalayaan.

“Ang mga pangunahing paglabag sa mga karapatang pantao ay palaging hahantong sa pakiramdam ng mga tao na hindi sila makatao.” — Aung San Suu Kyi

SOURCES:

https://hronlineph.com/resources/domestic/article-iii-bill-of-rights/

http://www.rappler.com/newsbreak/iq/114698-human-rights-philippines

http://www.bbc.com/news/av/world-asia-41018873/philippines-drug-war-manila-bells-ring-out-against-drug-killings

http://www.aljazeera.com/news/2017/08/thousands-demand-killings-duterte-drug-war-170821124440845.html

https://www.theguardian.com/world/2017/aug/23/please-stop-brutal-killing-of-a-student-in-philippines-drug-war-sparks-nationwide-anger

http://www.interaksyon.com/how-does-ph-war-on-drugs-impact-childrens-rights-worried-unicef-seeks-full-probe-of-kians-slay/

http://newsinfo.inquirer.net/924849/unicef-airs-concern-on-impact-of-drugs-war-on-filipino-kids

http://www.atimes.com/article/filipinos-support-dutertes-drug-war/

http://www.npr.org/sections/thetwo-way/2017/08/20/544855446/church-leaders-in-philippines-condemn-bloody-war-on-drugs

http://opinion.inquirer.net/106523/war-drugs-not-license-kill

https://www.facebook.com/crabblerph/

1 COMMENT

  1. dito sa lungsod ng cabanatuan ay marami ng nahuhuli ukol sa pagpapatupad ng giyera laban sa droga na di sapat na ibidensiya na panghuhuli, walang isa man na kinatawan ng media, kinatawan ng opisyales ng barangay , atibpang ahensiya na dapat na mgaing saksi sa mga hinuli na mayroon man na nagpapatunay pagkatapos na mahuli ay pinalalagda na lamang bilang saksi ng hindi mismo nakita pangyayariat sa mga ebidensiya na nahuli ay gawa lamang ng mga pulis at sa tanggap nila ay kinukunan ng litrato at pinatuturo sa nahuli yung ebidensiya na sa kanilang ay ibinibintang .subalit sa likod ng kattotohanan ay wala naman hahuli , pawang gawang ebidensiya lamang upang makulong.at sa naging arresting officer na hindi naman talagang sita ang humuli ay siya pa ang humaharap sa husgado upang magsalaysay ng pagkakahuli sa isang akusado. kinatawan lang . sa ganitong paraan ay tama ba ang batas na sa karapatan ng isang akusado na wala sa proseso ng panghuhuli ay dapat na dumanas na makulong at magbayad sa kasalanan na hindi niya ginawa.at nakulong ng wala sa tamang panghuhuli at humarap sa husgado ang hindi naman yun ang talagang humuli.karamihan sa lungsod ng kabanatuan ay ganito ang panghuhuli na may salqpi ng involved din dahil sa pera na nakukuha sa biktima . Sana po ay bigyanpo ng napakalaking pansin ng chr na dito sa lungsod ng cabanatuan na nasa kulungan na po sa District jail ay marami po ang mga naging biktima ng walang sapat na ebidensiya na nakakulong , dahil po sa panghuhuli .

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here