Kung ikaw ay may asawa, negosyante, pulitiko, empleyado o kung anuman… ALAMIN, IBA’T IBANG KAHULUGAN NG MGA ALAHAS SA PANAGINIP

Dream Interpretation Isyu # 40

Tunghayan natin ngayon ang panaginip ni Bonie tungkol sa alahas, ginto at perlas.

 

Dear Maestro, 

Nanaginip po ako ng ginto at mga alahas na nasa bag ko. Hindi ko po alam kung paano ako nagkaroon ng gintong alahas. Basta nagkaroon po ako at sobrang dami po, tapos itinatago ko po bawat nakukuha ko sa aparador. Hindi ko namalayan, napuno na pala ang aparador. Noong makita kong sobrang dami na nito naluha po ako sa sobrang tuwa, pero mas nagulat poako sa mata ko, kasi imbis na luha, perlas po ang lumabas. Ano po kaya ang ibig sabihin ng panaginip kong ito?

KASAGUTAN:

Kapag “alahas” ang napanagipan ganito ang kahulugan.

Sa makaluma o pangtradisyunal na kahulugan ang alahas sa panaginip ay nagbabadya ng positibong pangyayari. Kung sa iyong panaginip ay may nagbigay sa iyo ng mga alahas ito ay tanda na sa susunod mga araw bibilangin mo ang mga biyayang sunud-sunod na darating ng hindi mo inaasahan.

Kung ikaw naman ay isang babaing may asawa na, ang alahas sa panaginip ay nagpapahiwatig din na magkakaroon ka ng malulusog, matatalino, at mga successful na anak lalo na sa materyal na mga bagay.

Dagdag dito kung talagang lagi o madalas mong napapanaginipan ang mga alahas ito ay nagpapahiwatig ding malapit na malapit na kayong yumaman at sa susunod na mga taon, yong salitang malapit na malapit ng yumaman ay sadya at kusa namang matutupad.

Subalit, kung may mga “pingas o damage” ang mga alahas na iyong napanaginipan ito ay babala na dapat ingatan ang mga mahal mo sa buhay dahil ito ay babala ng karamdaman o kaya’y biglaang aksidente na magaganap sa isa o sa sinumang miyembro ng inyong pamilya.

Kung “antique” o lumang mga alahas ang napanaginipan mo pero alam mong mataas ang value o kalidad nito, kung ikaw ay isang babae magkakabalikan kayo ng ex-boyfriend mo at kung ikaw naman ay isang lalaki magkakabalikan kayo ng ex-girlfriend mo.

Kung ikaw naman ang isang dalaga at sa iyong panaginip ay suot mo ang mamahalin at naggagandahang mga alahas, ito ay tanda na sa kasalukuyan ay maraming mga kalalakihan ang lihim at lantad na humahanga sa iyo.

Kung ikaw ay isang babae at sa iyoing panaginip ay binigyan ka ng alahas ng boyfriend mo, siya na ang makakatuluyan mo. Kung ikaw naman ay isang lalaki at binigyan ka ng alahas ng girlfriend mo ito ay tanda na gustong-gusto kang makatuluyan ng girlfriend mo.

Kung sa iyong panaginip ay magkasama kayo ng kasintahan mo na tumitingin ng alahas, ito ay nagpapahiwatig na bukod sa kayo na ang magkakatuluyan, sa ayaw at sa gusto ninyo ay may biglaang pag-aasawang magaganap at kapag mag-asawa na kayo at muli nyong napanaginipan ang mga alahas ito ay tanda na magkakaanak kayo ng cute, matatalino, magaganda, guwapo at malulusog na mga sanggol.

Sa modernong kahulugan o pang-psychology na interpretasyon, ang alahas sa panaginip ay siya mismong simbolo ng katayuan mo sa lipunan. Kapag sa panaginip mo ay nakasuot ka ng alahas, ito ay tanda na darating ang araw sisikat ka at sisikat din ang iyong mga gawa. Kikilalanin ka sa lipunang iyong ginagalawan at makakatanggap ka ng mga pagkilala at parangal. Kung ikaw naman ay isang pulitiko, at nanaginip ka ng mga alahas na nakasuot sa iyong katawan ito ay tanda na magwawagi ka sa eleksyon at sa anumang posisyong iyong hinahangad.

Kung sa iyong panaginip ay nawalan ka naman ng alahas, ito ay tanda na “huhubaran ka ng posisyong kasalukuyan mong hawak na may kaugnayan sa lipunan.” Halimbawa manager ka o supervisor, maaaring bumaba ang iyong posisyon o kaya’y bawasan ang iyong suweldo.

Kung isa ka namang pulitiko at nawalan ka ng alahas sa iyong panaginip ito ay tanda na mawawala sa iyo ang posisyong kasalukuyan mong hawak o kaya naman,  “ang alahas na nawala sa iyong panaginip” ay babala ng matatalo ka sa susunod na halalan.

Kung “binibilang o tinitingnan mo lang ang mga alahas pero hindi mo naman sinuot”, ito ay tanda na sa kasalukuyan naghahangad o nangangarap si unconscious self mo na “tumakbo sa halalan” o kaya naman, naghahangad kang sumikat o naghahangad si unconscious self mo na magmayabang sa lipunang inyong kinabibilangan, pero dahil hindi mo sinuot ang alahas sa iyong panaginip sa halip nga ay tiningnan mo lang ang pangarap mong sumikat at makapagmayabang sa lipunan ay matatagalan pa, bago mo iyon matupad.

Mas makabubuti marahil na “matulog ka na lang uli” at sa sandaling napanaginipan mo uli ang mga alahas siguraduhin mong “ito ay isusuot mo sa iyong panaginip” upang matupad ang mga ambisyon at pangarap mo sa buhay.

Sa mga negosyante ang alahas sa panaginip ay nagpapahiwatig ng malaking tubo o bultong “income”. Indikasyon din itong  sa susunod na mga araw at buwan, “parang tubong lugaw” na papasok ang malalaking halaga ng salapi sa larangan ng pangangalakal.

Sa mga pangkaraniwang empleyado at namamasukan ang alahas sa panaginip ay indikasyon din ng dagdag na promotion, dagdag ding trabaho at dagdag na umento o paglaki ng suweldo ng hindi inaasahan sa susunod na mga araw at buwan.

Sa mga estudyante, ang alahas sa panaginip ay nagpapahiwatig na sa kasalukuyan ganap ka ng nagdadalaga o nagbibinata, kumbaga “ready na ang physical self mo” na makipagrelasyon, lalo na ang mga pribadong bahagi ng iyong katawan.

Dagdag dito kung “kumikinang ang alahas na napanaginipan mo ito ay tanda na sa susunod na mga araw at buwan magkakaroon ka ng malaking recognition at achievement sa klase at hahangaan ka ng kapwa mo mag-aaral.

Dahil masyadong humaba ang interpretasyon natin sa alahas, bukas naman bbibigyan kahulugan natin ang “ginto at perlas” sa panaginip ni Bonie.

 

Itutuloy

(Sa mga gustong magpa-interpret o mabigyang kahulugan ang kanilang panaginip. Mag-message lamang po or mag-comment sa ilalim ng artikulong ito. I-scroll down nyo ang cursor, mababasa ang LEAVE A REPLY, Comment: D’yan n’yo po isulat ang buong detalye ng inyong panaginip. Kung ayaw ipabanggit ang tunay na pangalan, maglagay ng “code name at city or provincial address.” Walang bayad at buong puso po namin kayong paglilingkuran. Maraming salamat po! – MHO)

 

Gusto mo bang matunghayan ang iba pang mga pagtalakay ni Maestro Honorio Ong tungkol sa panaginip? Maaari rin kayong magtanong “online” sa kahulugan ng inyong mga panaginip. Walang bayad namin kayong paglilingkuran. Manatili at lagi lamang sumubaybay sa pang-araw-araw niyang kolum dito lang sa Philippineone.

 

17 COMMENTS

  1. ano po ang kahulugan ng buntis sa panaginip, kc non huling isang linggo ng august, nanaginip ako na buntis daw ako at manganganak ako pagkaraan ng 2 linggo,ang alam ko maganda ang kahulugan ng buntis sa panaginip kaya nagbilang ako ng araw kun 2 linggo bago ako manganak, papatak yun ng unang isang linggo ng setyempre, kaya nag-antay ako ng resulta ng panaginip ko ala nmn nangyari bagkus muli akong nanaginip bago uli matapos ang sept nakaitim na damit nmn ako natakot ako kaya agad kong ginising ang sarili ko at tumakbo sa banyo at nagmumug ng tubig tapos ibinuga ko sa loob ng inidoro at bihusan ko ng 3 tabong tubig ang toilet bowl tapos sinabayan ko ng bulong na hindi yun magkakatotoo, may kaugnayan ba ang 2 kong panaginip ano po ang kahulugan ng mga panaginip na yun….maraming salamat po sa tugon….

  2. ano po ang kahulugan ng buntis sa panaginip, kc non huling isang linggo ng august, nanaginip ako na buntis daw ako at manganganak ako pagkaraan ng 2 linggo,ang alam ko maganda ang kahulugan ng buntis sa panaginip kaya nagbilang ako ng araw kun 2 linggo bago ako manganak, papatak yun ng unang isang linggo ng setyempre, kaya nag-antay ako ng resulta ng panaginip ko ala nmn nangyari bagkus muli akong nanaginip bago uli matapos ang sept nakaitim na damit nmn ako natakot ako kaya agad kong ginising ang sarili ko at tumakbo sa banyo at nagmumug ng tubig tapos ibinuga ko sa loob ng inidoro at bihusan ko ng 3 tabong tubig ang toilet bowl tapos sinabayan ko ng bulong na hindi yun magkakatotoo, may kaugnayan ba ang 2 kong panaginip ano po ang kahulugan ng mga panaginip na yun….maraming salamat po sa tugon….
    pakitago na lang po ang aking pangalan at email

  3. Ano pong ibig sabihin ng panaginip ko na nakita ko ang asawa ko tapos may isang babae na humihingi ng tulong tapos may nakita rin akong isang lalaki na may hawak ng baril hindi ko maintindihan kung kanino nakatutok ang baril..nakita ko na lang ulit sa panaginip ko parang pumasok kami ng asawa ko sa loob ng bahay at nakaupo kami yakap yakap ko siya habang sinasabi ko na hindi na ako papayag na mawala ka pa sa amin..ksi gusto ng asawa ko na lumabas para tulungan yung babae at yung babae naman nasa bintana humihingi ng saklolo kasi binubogbog siya ng lalaki..ano po kaya ibig sabihin ng panaginip ko.
    Sana po mainterpret niyo po ibig sabihin ng panaginip ko

  4. Dear mho
    Tawagin nyo nlng po akong mrs. Taurus..ano po ang ibig sabhin ng panaginip ko..nanaginip po ako ng nakapulot ako ng bracelet na gold bilog po sya na may design tpos po may babae din na nagbigay saken ng bracelet din whitegold daw un at parang luma na pero sabi nya mahal daw ang halaga nun at ang bigat…sabi ko daw sa babae may ipapakita daw ako sa knya sa tubig at nagpakita daw sa amin ang ipo ipo sa tubig sabi ko daw sa knya wag syang pupunta dun kz dilikado un at lalamunin sya ng tubig tpos may bglang nagpajita sajen ng maraming alahas na gold ibat ibang klase daw po..sana po masagot nyo po ang panaganip ko na ito salamat po

  5. Helo po tawagin nlng po ninyo ako ng Lyn
    Gusto kulng po malaman kung anu po ibig sabihin ng panaginip ko kagabi….nagkita daw kami ng kaibigan ko na marami syang suot na alahas.nkita ko daw yong mga suot nya alahas ay kumikinang….yon lng po tapus nagising akong limigon sya sa akin na tumatawa…..salamt po plsss reply po anu po ibigsabhin panagunip ko

  6. Nanaginip po aqu ng ginto.uong bahay qupo lahat ginto ang kulay,at may apat na upuan ginto rin sa in gold po sya…buong paligid kupo sa nakita qu puro ginto po sya..tas pagising qu wala na.ano po ibig sabihin tungkol sa panaginip kung ito.

  7. anu po ibig sabihin ng panaginip ko, ung parner ko po may iba pa pla sya boyfriend. ako po ay lesbian.
    iyak dw po ako ng iyak sa nalaman ko. anu po kya ang ibig sabihin nito.

  8. hi po gusto ko po sana malaman kung ano ang ibig sabihin ng aking panaginip ako po si el el buntis po ako ngaun ng 5months .nanaginip po ako nag lalakad daw po ako medjo mataas po ung inaakyat ko at may mga tao po .may nakita po kong ispada tapos po may nakita din po akong mga gintongbracelet sabi ko po sa mga tao na naandun hala bakit andaming ginto dito isa isa ko pung pinulot yun pero hindi po ako pinapansin ng mga tao bagkus po may isang matabang mataba na lalaki na bigla nalang sumulpot at pinag hahabol ang mga tao at gusto niya kainin pero po nung huli naging mabait po sya sa mga tao namimigay po sa halos araw araw ng pera sa mga tao ..ano po kaya ang ibig sabihin niyan maestro maraming salamat po sa sagot niyo .

  9. Anu po kahulugan ng naputol na kwintas na suot ko tapos ibinigay ko po sa amo mo para ipaayos..

  10. Good morning po ano po kaya ang ibig sbihin ng panaginip ko.nanaginip po ako madalas ng mga taong namatay n.taz ung ahas po s panaginip ko eh kinakagat ako s kamay ng paulit ulit kaya po sinakal ko ung ahas hanggang s mamatay ito.salmat po…Arien Caloocan city…April 13,1983.

  11. Ano po ang ibig sabihin ng bracelet gold na ahas na sobrang kumikinang po na nakasuot po sa kaliwa kong kamay?
    Sana po ay matuginan nyo ng pansin ang aking liham.

    Marami pong salamat.

  12. Hello po.nanaginip po ako na naputol yung kwintas kung dalawa ang naputol dun sa may bandang lock ng kwintas tapos tumalsik sya sa may mga dahon nasa may mataas na puno kasi ako hinanap ko nakita ko naman pero nahirapan akong hanapin.pls reply po,marami pong salamat.

  13. Dear maestro
    Ako po si ms. Capricorn, at nsa year of the rabbit, marami po akong pinag dadaanan sa ngaun sa buhay dahil narin sa aking pgkakamali pro hndi po ako nwawalan ng pag asa n makabangon. May asawa na po ako. Nanginip po ako na maraming suot na alahas at bumibili pa po ako ng alahas. Anu po kaya ang ibig sabihin nito. Sa ngayon po baon pa ako sa utang pero may hinihintay ko na lang po na maibigay na sa akin ng taong yun ang tulong para makabayad at makapag simula na mgkaroon ng maliit n tindahan ng bigas o frozen o kahit anu po, sobrang laki pa po sa ngaun ng pinag dadaanan ko sa kung saan saan na maniningil. Naging kasalanan ko lo kase yung pagkakaroon ng maraming utang. Swerte ko parin po at ipinagpapasalmat namay taong handang tumulong sakin.maramin pong salamat Godbless

  14. Dear maestro
    Ako po si ms. Capricorn, at nsa year of the rabbit, marami po akong pinag dadaanan sa ngaun sa buhay dahil narin sa aking pgkakamali pro hndi po ako nwawalan ng pag asa n makabangon. May asawa na po ako. Nanginip po ako na maraming suot na alahas at bumibili pa po ako ng alahas. Anu po kaya ang ibig sabihin nito. Sa ngayon po baon pa ako sa utang pero may hinihintay ko na lang po na maibigay na sa akin ng taong yun ang tulong para makabayad at makapag simula na mgkaroon ng maliit n tindahan ng bigas o frozen o kahit anu po, sobrang laki pa po sa ngaun ng pinag dadaanan ko sa kung saan saan na maniningil. Naging kasalanan ko lo kase yung pagkakaroon ng maraming utang. Swerte ko parin po at ipinagpapasalmat namay taong handang tumulong sakin.maramin pong salamat Godbless

  15. Nanaginip po ako na mraming suot n gold at bumibili pa ako ng gold

  16. Ma. Lourdes morallo

    Good morning po, ano po kaya Ang ibig sabihin ng panaginip ko kanina na may binabantayan daw po akong mga gold bars at mga diamante pero may mga kumukuha po nun sigaw daw PO ako ng sigaw para humingi ng tulong hanggang sa mapaos po ako kaso Wala pong nakakarinig. Sana po ay masagutan mo po Ang akong komento. Salamat po.

  17. ano po meaning napanagipan ko si delima nakalabas na at nasa tabi sya kalsada may kausap na mga tao

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here