Kulto Sa Panaginip

Latest posts by Myrna Maravilla (see all)

Kung ikaw ay mananaginip ng tungkol sa mga kulto,siguradong makakaramdam ka ng takot dahil alam naman na halos ng lahat na ang mga kulto ay karaniwang may mga hidden agenda o yung mga hindi magandang gawain na itinatago. Ang kanilang grupo ay hindi naniniwala sa Diyos dahil sila ay may ibang pinaniniwalaan na ibang tao o kaya naman ay bagay. Kung ang pagbabasehan natin ay ang mga napapanood natin sa palabas, talagang nakakatakot ang mga kulto dahil may kakayahan silang pumatay.

Sa panaginip mo, kung ikaw ay nakasalamuha ng samahang ito o isa ka sa miyembro nila, ito ay nangangahulugan na ikaw ay maaaring maligaw ng landas o mali ang direksyong tinatahak mo ngayon. Halimbawa ikaw ay nagdesisyon ng salungat sa desisyon ng nakararami pero dahil ikaw ang sinusunod nila ay wala silang magagawa kundi sumang-ayon sa’yo kahit pa alam nila na mas tama ang nabuo nilang desisyon. Kung nasa ganitong sitwasyon ka at napanaginipan mo ang kulto,dapat mo nang baguhin ang iyong pasya at ikaw ang sumunod sa kanilang pasya. Dahil nakita mo na ang babala sa iyong panaginip. Kung babalewalain mo ito at ipagpipilitan ang sa’yo, malaki ang posibilidad na ikaw ay humantong sa pagsisisi sa bandang huli.

Kung sa panaginip mo naman ikaw ay hinahabol ng grupo ng isang kulto, ito ay nangangahulugan na hindi mo matatakasan ang mga tao na pilit kumukumbinsi sa’yo sa bagay na ayaw mong gawin. Ang halimbawa nito ay sa negosyo. Maaaring may isa o higit pang tao ang nagsa-suggest o nagkukumbinsi sa’yo na subukan ang isang negosyo pero ayaw mo dahil sa tingin mo ay hindi ito ang linya mo. Hindi sila magsasawang ipaalala at sabihin sa’yo ang malaking tulong na magagawa nito para sa pamilya mo at hindi ka nila titigilan hanggang sa mapasagot ka nila ng oo para rito. Ang panaginip mo ay may mensaheng hatid sa’yo. Kung hindi ka nila naabutan sa paghabol nila sa’yo, ito ay nagpapahiwatig na mapapanindigan mo ang iyong pasya. Kung ikaw naman ay naabutan nila, ibig sabihin sa huli ay tatanggapin mo rin ang kanilang negosyong alok. Kaya kung napanaginipan mo ito, dapat kang maging aware sa mga tao sa paligid mo kung ano ang pakay nila sa’yo. Dapat mong piliin ang higit na makakabuti para sa iyong pamilya.

 

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here