Kulay Asul Na Paruparo Sa Panaginip

Kapag tayo ay nakakakita ng mga paruparo, gumagaan ang ating pakiramdam maliban na lang sa mga taong may takot sa paruparo na tinatawag n Lepidopterophobia. Karamihan ay kinalulugdan ito dahil sa angkin nitong kagandahan lalo na kung iba’t-iba ang mga kulay. Sa pamahiin, ang paruparo ay pinaniniwalaan ng marami na kaluluwa ng kanilang yumaong mahal sa buhay. Sa panaginip, may iba ring pinaniniwalaang kahulugan ang mga paruparo. May iba’t-ibang sinisimbolo ang bawat kulay nito gaya na lang ng pula,puti,dilaw,brown, itim at asul na paruparo. Kapag kulay blue ang nakita mong paruparo sa iyong panaginip, maaaring isipin mo na ito ay may hindi magandang senyales sapagkat ang kulay asul ay isang malungkot na kulay. Ito ay maaaring mangahulugan ng kalungkutan din o kapighatian sa iyong buhay. Subalit hindi ito ang sinisimbolo ng asul na paruparo sa panaginip. Ito ay kabaligtaran ng iyong pinaniniwalaan.

Ang asul na paruparo sa panaginip ay hindi tulad ng iyong iniisip. Ito ay hindi kalungkutan sa halip ay kaligayahan. Hindi kabiguan sa halip ay pag-asa. Maganda ang mensahe na nais nitong ihatid sa’yo. Lalo na kung ikaw ay kasalukuyang nagdaraan sa isang mabigat na sitwasyon. Ito ay nagpapahatid sa’yo ng mensahe na malapit mo ng malampasan ang problemang nagpapabigat sa araw-araw mong pamumuhay. Napakapositibo ng kulay asul na paruparo kapag dinalaw ka nito sa iyong panaginip. Halimbawa ikaw ay may inaasam na isang bagay, ibig sabihin ito ay makakamtan mo na. Kung ikaw naman ay mag-aapply ng trabaho, ibig sabihin ikaw ay matatanggap na. Kung ikaw naman ay may nililigawan, matuwa ka na dahil mapapasagot mo na siya. Kung ikaw naman ay namomroblema sa pera, huwag kang mag-alala dahil ito ay masosolusyunan na. At kung ikaw naman ay may napakabigat na problema, magpapadala na sa’yo ng anghel ang langit upang ikaw ay maisalba. Ganyan kapositibo ang asul na paruparo sa panaginip. Kaya kapag napanginipan mo ito, dapat kang matuwa.

SHARE
Previous articleFEMALE AND LOVERS PALMISTRY Isyu # 1
Next articleOnline Horoscope ni Maestro Honorio Ong Pebrero 16, 2020

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here